ii

45 1 0
                                        

Lunes na kaya maaga kong nagising para maghanda sa eskwela.

Alas tres palang ng umaga ay gising na ko para maglinis at magluto ng agahan.

Gusto kasi ni aunti pagkagising niya ay may agahan na at malinis na ang bahay.

Ayaw niya din na umaalis akong di pa tapos ang lahat ng gawaing bahay kaya napipilitan talaga kong bumangon ng maaga para maglinis.

Minsan sumasagi sa isip ko na kung sana nandito lang si mama edi sana di ganito ang buhay ko at di ako ganito nahihirapan pero nagpapasalamat na din ako dahil kahit papaano ay kinupkop ako nila auntie mildred.

Si auntie mildred, si uncle alfonso na asawa ni autie at si allana na anak nila nalang ang mga natitira kong kamag anak.

Matagal na kong walang tatay dahil bunga lang naman ako ng isang pagkakamali nung kabataan ni mama.

Ang tatay ko ay hindi pinanindigan at tinakasan si mama.

Ang alam ko ay may isa pa kong tiyuhin pero di ko alam kung sino at nasaan na.

Ang kwento sakin ni mama si papa daw ang first love niya kaya kahit ganun ang nangyari ay sinunod ni parin ang pangalan ko sa pinaghalong pangalan nila ni papa.

Bale ang pangalan kasi ni papa ay danilo at si mama naman ay janise kaya naging denise ang pangalan ko.

Ang buong pangalan ko ay Samantha Denise Martinez. Tunog mayaman noh? Pero hanggang dun lang yon dahil kahit pagbali baliktarin ang mundo ang denise na iyan ay wala ni isang pagmamay ari.

Pero kahit ganun di ako nawawalan ng pag asa na makaahon sa buhay.

"Hoy denise anong tinutunga tunganga mo jan? Tapos ka na ba maghugas ng pinggan?" Mataray na tanong sakin ni auntie mildred.

Agad naman akong nagising sa pagmumuni muni at nagtungo na sa lababo.

Sa dami kong iniisip di ko namalayan na gising na pala sila.

Alas singko palang ay umalis na ko ng bahay para simulan ng maglakad.

Medyo malayo layo kasi ang aming eskwelahan at si allana lang ang sinasabay na ihatid ni uncle.

Si uncle ay driver sa isang kompanya na gawaan ng damit, si auntie naman ay rumaraket sa mga bar bilang singer.

Madalas naman siyang may trabaho kasi kahit medyo matanda na si auntie ay di mo ito mahahalata sa balat niya at may natural siyang ganda.

Si allana naman ay mas madaming nakuha kay uncle gaya nalang ng singkit niyang mata at makapal na labi pero ang morenang kutis niya at balingkinitan na katawan ay namana niya kay auntie.

Kruuuuu~ kruuuuu~

Haaayy gutom na ko di kasi ako nakapag almusal kanina.

Madalas di ako nakakapag almusal kasi baka malate ako pag nagtagal pa ko.

Bumili nalang ako ng monay sa nadaanan kong panaderya para tumigil na sa pagatungal ang tiyan ko.








Pagdating ko sa eskwelahan wala pa yung prof namin.

Kaya dumiretso nalang ako sa upuan ko at umidlip sandali.

Wala ko masyadong kaibigan dahil madalas akong siraan ni allana sa mga kaklase namin at yung mga nakakaibigan ko naman ay binubully nila para di na ko lapitan.

Akala ko kapag nag college na kami ay titigil na si allana pero lalo siyang lumala sa pambubully.

Di ko naman masumbong dahil ako din ang lumalabas na masama since walang kumakampi sakin.

Maya maya dumating na si Sir Ferguson.
Siya yung teacher namin sa PolSci.

Nagpaattendance lang siya at nagpaquiz tungkol sa nilesson namin kahapon. Di naman ako kinabahan kasi nag aral naman ako kagabi at nakikinig naman ako sa klase niya.


Nang dumating ang break tumambay muna ko sa mini garden sa likod ng school.

Ito ang masasabi kong comfort place ko kasi halos walang nagpupunta dito dahil tago.

Maaamoy mo din ang masarap na simoy ng hangin at ang nagpadagdag pa sa kagandahan nito ay ang magandang view ng mga bulaklak.

Inilabas ko ang libro kong romantic novel ni Richards Adamson at pinagpatuloy ang pagbabasa nito.

Napakarelaxing talaga.

Naalimpungatan ako ng may marinig akong sigawan sa gilid. Agad kong niligpit ang libro ko at nagtago sa may puno, sinilip ko kung anong meron at nakita ko si sharon.

Si sharon ay kaklase ko sa isang subject. Isang beses ko lang siyang nakausap nung naging leader ako nang research paper namin.

Maganda si sharon. Madali mo siyang mapapansin dahil maputi siya at lutang ang pagiging amerikana. Siya din ang madalas na nananalo sa mga beauty contest sa school.

Nagulat ako ng makita kong umiiyak si sharon. Bakas sa mukha nito ang lungkot.

Nang silipin ko  kung sino ang kausap niya, nakita ko ang matipunong likod ng isang lalaki. Kahit nakatalikod ay pamilyar sakin ang taong iyon.

Di na nakakagulat kung bakit naiyak si sharon. Dahil ang lalaking iyon ay walang iba kundi si Liam Alvarado.

Si Liam lang naman ang kaisa isang anak ng governor dito sa bayan namin. Kilala din siya sa pagiging babaero. Di ko din naman siya masisisi kasi yung mga babae din naman ang nagpapauto.

Bago pa ko mahuli tahimik na kong umalis. Pero di ko namalayang may ugat palang nakausli dun kaya natapilok ako.

Shit! Ansakit..

Napakamalas ko talaga ngayong araw letse.

Nakagawa ng ingay ang pagkahulog ng mga libro ko. Sa sobrang taranta pinulot ko agad lahat ng nahulog at tumakbo paalis. Jusko di na ko lumingon baka makilala pa ko.

Sold For A Million DollarWhere stories live. Discover now