Introduction

17 8 0
                                    


Sa ilalim ng buwan, ika-trenta'y uno ng oktubre, at nakaupo ako sa isang silya.

Wala akong makita, may nakatakip na mga kamay sa aking mata, humaharang sa aking paningin.

Sinubukan kong igalaw ang aking mga kamay, naiirita na ako dahil di ko maigalaw ang aking mga kamay, nakatali ng mga lubid, masayadong madali.

"Tsk."

Dahan dahan kong nakita ang nasa aking harapan, bakit may hawak siyang baril? Siguro ililigtas niya ako.

Tama diba? Ililigtas niya ako?

Diba, hmm?

Bago ko pa maisambit ang pangalan niya ay tinakpan niya ang mata at bibig ko.

"Ikaw si Luna, diba?"

Bakit di niya ko kilala? ang gulo! araw araw kaming magkasama at nagkikita pero di niya ko kilala?

"Bakit?"

Tinanggal niya ang takip sa aking bibig, nagulat ako ng naramdaman kong may dumampi saking labi.

"Luna... ano ba talagang meron sayo?"

Hindi ko din alam.

LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon