EPISODE 01. The Vice and the Pres.

141 9 0
                                    

     "When writting the story of your life, don't let anyone else hold the pen."

~Penny.

***

<PAKO>

  
          Whoohooo!! Spell late!? E-R-I-C N-E-I-L. Ako yon. Pero okey lang. Sanay naman na ako. Sa araw-araw ba naman na ginawa ng diyos. Himala na yata na makarating ako ng Brimson High ng maaga kahit na nakamotor na 'ko.

          Brimson High. Yaman! Pero di naman dahil sa kilalang school yon kaya ako doon nag-aaral kahit na milya-milya ang layo. Si Serah Mae ang dahilan. Ang babae na matagal ko nang iniibig. Punyemas nga lang yung tomboy na yun umeksena pa sa magiging girlfriend ko.

          But not for long. Last year kasi ginawa ko talaga ang best ko para mag-excel sa klase. At nagtagumpay nga ako dahil pasok na ko sa Star section ngayong 4th year.

          Yun ang alam ko. Bago naman magsimula ang pasukan ay chineck ko na ang listahan ng over-all rankings ng mga incoming 4th year. At ako ang pang 50. Oh hah! atleast pasok ako.

          Ginawa ko talaga ang lahat para makasama sa iisang kwarto si Serah Mae. Mwahahaha..

          First day of school na. Excited na ako kaya binarurot ko na si Mae-Mae, ang motor ko.

          "Ayos ka bata. Maaga ka pa para sa 3rd period. Tibay mo, di ka na nagbago" Welcome greet sa'kin ng guard ng school.

          Kilalang-kilala na nya ako, sawang-sawa na rin sya na pagsabihan ako. Kaya pinalalagpas nya na lang ako.

          Tapos na pala ang Opening program. Nasa kani-kanilang room na ang mga studyante. Which means, super late na ko.

          Kumaripas na ako ng takbo papunta sa Einstein hall- Ang building na exclusive for star sections.

          Nag mala-the Flash na ako sa pag-akyat hanggang 4th floor. Sa 4th floor kasi ang mga rooms na para sa 4-A. Classroom, lab., library... Ay teka! Mamaya na kwento, nagmamadali na 'ko.

          "Im sorry ma'am for being late." Agad na bati ko sa teacher na nasa harap.

          Naku si Sir Joaquin pala! Patay!. Sungit pa man din nito.

         Ayos lang. Confidence level to da max ako ngayon. Di pwede magpasindak.

          "And who the hell are you?" Ayan na ang mabangis nyang tanong ng baklitang teacher na 'to. Psss. Akala mo matatakot mo 'ko sa 'hudahel' mo?

         "Ehem." I cleared my throath and walk at the center aisle. English mode. "Good morning sir! Morning guys. I am Eric Neil Gabriel. Your new classmate." Naks elibs ako pati sa sarili ko. Lakasan na lang ng loob yan tol.

          Agad naman hinanap ng mata ko ang itinitibok ng aking puso. Si Serah Mae. Nakita ko na sya'ng nakaupo sa bandang hulihan at walang katabi. Ayos! Di ko rin makita si tomboy. Kung sinuswerte ka nga naman oo.

          Papunta na ko sa tabi ni Serah nang...

         "Im sorry Mr. Gabriel but I don't think you belong with this class."

         Doom.
    

         "A-ano?" Para akong istatwa na unti-unting ipinipihit patalikod.

         "I said. You do not belong to this class 'coz your'e not on the list" Hawak ni Sir ang listahan ng mga studyante ng section-A. Inabot nya sa'kin yon para tignan ko.

PINGK [KNT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon