I. Two-Is-Better-Than-One-Guy

36 0 0
                                    

Pauwi na kami ng BFF ko at naglalakad na kami ng babaeng kasama ko ngayon papalabas sa gilid ng South Building.

"Alam mo yun, kasama na naman niya yung girl ma yun! Nakakaimbyernaa!" sabi ni Sophie. Ayan na naman, nag ra-rant na naman siya about sa boyfriend niyang hilaw. Oo hilaw, MU pa lang kasi sila, ayaw naman daw kasi nung guy ng commitment, ewan ba dito sa babaeng 'to, ang daming naka pila sa kanya, sa mukhang talipandas pa pumatol!xD hahah..

"tanga mo rin e, iwanan mo na kasi, alam mo na ngang ginaganyan ka! Hahaha!" ang mean ko, pero dba, that's what real friends are for? 😝 hahaha..

Si Sophie ay, maganda, maputi, chinita at sexy, pero akalain mo yun, sa matandang ewan nahulog. Tsk tsk. At ako naman ay ang dakilang best friend daw niya, na togapakinig at tiga payo sa mga hang ups niya sa buhay.

Haayy, minsan nga e nakakailang kasama, paano ba naman, katulad nga ng sinabi ko e ganun ang itsura niya, samantalang ako, cute lang, at medyo sexy, hahah, o dba? E mas pansinin talaga 'tong bruhang to. XD

" Stacey naman e, alam mo namang hindi ko kaya, kung kaya ko lang edi sana dati ko pa ginawa. Huhuh! " ay anak ng kalabaw, naiiyak na naman 'to.

"E girl naman, kasi e kung tinatakot mo na hihiwalayan mo kapag di nag commit sa'yo edi sana kayo na.. Hahah, pag selosin mo, dami mo namang chicks dyan e! 😃"

"E tulungan mo na ko pleeaasee?" >3< with matching pout pa ang bruha!

may sinasabi pa siya pero hindi ko na napansin, nakarinig kasi ako ng nag-gigitara.

Papalapit na kami sa tumutugtog, e kasi nga naglalakad kami dba?xD

🎶 I remember what you wore on our first day

You came into my life

And I thought hey

Maybe it's true, that I can't live without you

Maybe two is better than one

But there's so much time, to figure out the rest in my life

And you've already got me coming undone

And I'm thinking 🎶

Wow, ang gwapo ng boses, gwapo din kaya itsura? Hahaha, nang luminaw na ay nakita ko siya..

*lub dub* (heartbeat yan,xD)

My heart skipped a beat, gaya ng mga nababasa at napapanuod ko, hahah, ang landi lang e,xD dalawa silang lalaki na kumakanta, pero sakanya napako ang tingin ko.. Siya din yung nakita one time sa canteen na kumakain ng Nachos na mag-isa sa table. OwEm so gwapo. (owo)

Hawig niya kasi si Jang Geun Suk. (AN: oo, kaso hindi ko alam name ni kuyang pogi, nakita ko lang sa campus namin.xD)

🎶 Oooh I can't live without you

'Cause baby two is better than one

There's so much time, to figure out the rest in my life

And I've figured out with all that's said and done

Two, is better than one 🎶

Nagkatinginan kami. SAGLIT. Dahil biglang nabaling ang atensyon niya sa katabi ko. And then he smiled. 💔

Oh-kay. E ano pa ngang laban ko, kahit may boylet na to, e habulin pa din si Sophie.

And then as the pain came across my heart, so as the last the last line of the song.

🎶 Two is better than one. 🎶

Nabalik ako sa sarili ko nung biglang nagsalita si Sophie.

"Two is better than one ba talaga? Hindi ba pwedeng ako na lang? " sabi niya.

"H-ha? E iba naman yung ibig sabihin nung kantang yun e." sabi ko. xD

"Oo na, tara na nga. Foodtrip na lang tayo sa SM Manila. Sobrang nakakadepress. "

"hmm, sige? Or sa Santolan na lang tayo kumain or sa Robinsons para diretso uwi na?" suggest ko naman.

" Oo. Basta maka alis lang tayo sa school, bahala na siya. " sabi ni Sophie.

At yun nga sumakay na kami ng jeep papuntang Recto, then LRT2 then, pag dating namin sa Santolan, bumili agad kami ng gulaman, avocado flavor. Hahaha, favorite kasi namin e, tapos jeep ulit papuntng Robinsons then nag foodtrip kami sa McDo and take out sa Pizza Hut. Hahaha, takaw much lang?

Atbayun sumakay na kami ng jeep pauwi. Naunang bumaba si Sophie, and then pinatugtog na naman sa jeep yung Two Is Better Than One. *sigh*

ano kayang name niya?

†*:;;;:*†*:;;;:*†*:;;;:*†*:;;;:*†*:;;;:*†*:;;;:*†

Waahh, pangit ba? Or boring? Sorry now lang nakapag update. ≧▽≦y

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Are You Really Mine?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon