They said when you are broken hearted don't listen to any love song. You will only be reminded of your bitter past.
Some also said, make yourself busy. At the end of the day you'll find yourself tired and no longer have time to think those painful memories.
Others also believe that if you are hurt, go out from your shell and hang out with some friends. Meet a lot of people.But what Jel's mom said, that if you want to be healed you have to forgive. When you forgive all will be forgotten. It's hard. The hardest part of healing is FORGIVENESS.
So hard at first forgiving a person who never been a part of you when you are still a kid. Then, had easily broke and turned you into pieces. You'll never know where to place those first picked bits of you. It'l take time to reconstruct all those pieces of you back again. Your heart is not a jigsaw puzzle to solve anyway.
It's hard to believe,Jel was still in the state of unbelieving. Hindi kasi kapanipaniwala na kayang itapon ni Derrin ang lahat sa kanila. Walong taon lang naman 'yon. Sa loob ng walong taon kay Derrin lang umikot ang kanyang mundo.
Pilit nilang kinumpleto ang mga pagkukulang ng kanilang kapwa pagkatao upang mapunan ang bawat kakulangan sa kanilang relasyon. Alam ni Jel yon kung gaano sila pinatibay ng panahon. Hindi naman masamang mag away pero kamakailan lng umaabot na din sila sa puntong nagkakasakitan na physically. Nasampal siya ni Derrin at hindi niya alam bakit mainit ang dugo nito sa kanya.Naging unpredictable at moody na ito, lalong lalo na pagdating sa kanya. Lahat nalang pinag aawayan nila.
Sa tingin niya ay may mali. Hindi na sila nag-uusap at nagkikita ng madalas. Which was labelled as an unhealthy relationship.
One late afternoon they both decided to have a short talk at the park where Jel have to take a ride going home. Malapit lang din ito sa pinapasukan niyang opisina.
Nakatanggap siya ng isang mensahe galing kay Derrin at nagsasabing makipaghiway na ito sa kanya.
Gulat siya at gusto niyang maiyak kahit hindi pa niya nakikita ang katipan. Ang tanong niya, sa anong kadahilan?
She must find out the reason, why all of a sudden everything between them will be ruined. Everything will now be thrown as trash.
Nakita ni Jel si Derrin sa hindi kalayuan, agad agad naman siyang humakbang patungo sa kinatatayuan ng minamahal. Gusto niyang tumakbo at yakapin ito ng mahigpit at hindi na bibitiwan pa. Kinalma niya ang sarili. Ayaw naman niyang magmukhang kaawa-awa sa harap nito, lalong lalo na sa mga taong nakapaligid.
''Derrin." Sambit niya."Baka puede nating pag-usapan 'to? Huwag ka namang gumawa ng desisyon ng dahil sa ikaw ay galit." Pagmamakaawa niya.
"Pagod na ako Jel sa pag-aaway natin, hindi na ako makahinga.'' sabi ni Derrin na tila pagod na din at desidido na makipaghiwalay na sa kanya.
"Alam mong hindi ko kakayanin. Meron na bang iba?"
"Alam mo namang walang iba, pero siguro dapat na muna tayong magpahinga. Mag-isip ng mabuti, kung tayo na ba talaga, sa dulo ng ating mga daan, ay pagtatagpuin tayo ng tadhana. Hayaan mo muna ako, mag-isip at mapag-isa."Malungkot niyang sabi dito.
Nabuo ang katahimikan sandali sa pagitan nilang dalawa.Ayaw mabigkas ni Jel ang kanyang pagmamakaawa na nasa isip lamang niya. Pinigilan niya ang sarili upang hindi niya masambit ang mga katagang kanina pa niyang gustong isigaw. Katahimikan. Nag aapoy sa poot at galit si Jel. Hanggang nagkaroon siya ng lakas upang basagin ang katahimikang iyon.
Buong tapang niyang binigkas ang mga katagang labag sa kanyang kalooban. Mukhang hindi na matitibag sa tigas ang puso si Derrin.. Kaya dapat na maging matapang na din siya kahit ngayon lang. Humugot siya ng tapang sa kaibutoran ng kanyang pagkatao.. Huminga ng malalim at nagsimulang nagsalita, nakayuko at nanunuyo kanyang lalamunan.
BINABASA MO ANG
The Man Hater meets the Trouble Maker
RomanceThis is a story of my own past and present and adding my imaginary future.. It's like putting all ingredients in a casserole and mix them together.. You will never know how it tastes not until you put it on the fire and cook.. Adding a bit flavors o...