Short story lang po ito- literal. Baka hanggang 10 chapters lang ito plus prologue and epilogue. Sana po magustuhan niyo. :)
Thank you!
-misterpeng
-------
• PROLOGUE •
"Pagkabilang ko'ng sampu, nakatago na kayo."
Pinagmamasdan ko ang mga batang naglalaro sa labas. Malapit ng kumagat ang dilim at tila wala pa rin silang balak magsi-uwi sa kani-kanilang bahay. Kung sa bagay ay ito ang magandang oras para sa nilalaro nila.
Hide and Seek.
Isa rin sa mga paborito kong laro nung bata pa ako. Maraming alaala ang nanariwa sa isip ko nang mga panahong iyon. Mga alaalang hinding hindi makakalimutan. Bangungot na kung tutuusin. Kung mayroon lang sanang gamot na nakakabura ng alaala sa nakaraan ay ininom ko na. Takot na takot ako noon. At ang takot na iyon ay dinala ko hanggang paglaki. Mga bagay na sa pagkaka akala ko ay imposible, pero hindi lang pala sa mga kwento ito sumusulpot. Dahil ito pala ay totoo at kapag nakita mo na sa iyong harapan, isang katakot-takot na bangungot ang iyong mararanasan.
Parang nauulit.
Bakit pakiramdam ko ay bumabalik ang nakaraan? Sa tuwing dadaan ako sa dilim ay parang may nakamasid sa'kin?
Imposible.
Matagal na panahon na iyon. Wala na siya at tuluyan nang naglaho. Siya ay bakas na lang ng nakaraan at hindi na muli pang sasakop sa magulo kong buhay. Hindi ko man limot ang hitsura niya, malakas ang kompyansa ko na hindi ko muli siya makikita.
Dahil ayoko na...
Ayoko na siyang makita kahit kailan.
"Michael, naririnig mo ba 'ko?" tawag sa akin ng tita ko. Natulala na pala ako dito sa bintana. Wala na ang mga batang naglalaro, tinawag na siguro ng kanilang magulang.
"Ano po 'yon?" tanong ko dahil hindi narinig ang sinabi niya kanina.
"Ang sabi ko, naayos mo na ba ang mga gamit mo? Aalis na tayo."
Oo nga pala. Lilipat na kami ng tirahan. Nang masawi ang aking magulang sa isang aksidente, napagpasyahan ng tita ko na lumipat na kami ng ibang tirahan, upang magsimula muli na wala sina mama at papa. Ngayon na nga ang araw na iyon.
"Naka-ready na po. Nasa may pinto na po ang mga gamit ko."
"Mabuti naman. Sure ka na okay na lahat? Baka may nakalimutan ka pa?" Umiling ako.
Tinulungan ko si tita na magbuhat ng mga maleta at isinakay iyon sa van na aming inarkila. Hindi naman namin dadalhin lahat, iyong mga importante lamang na gamit ang aming dadalhin.
Pagkalagay lahat ng mga maleta ay sumakay na kami ni tita at nagsimula na ring umandar ang van. Habang umaandar ang van ay nakatanaw lang ako sa bahay namin na ngayo'y amin nang lilisanin.
Napadako ako sa itaas ng aming bahay, doon sa may bintana. Parang may mali. Ganoon na lamang ang pagkagimbal ko nang makita ang isang kakaibang nilalang na nakadungaw sa bintana. Napuno ng kilabot ang buong katawan ko.
Hindi maaari...
Siya nga iyon...
Ang nakakakilabot niyang ngiti dahil sa matutulis niyang ngipin...
Ang mapupula at nanlilisik niyang mga mata...
Hindi ako pwedeng magkamali.
Siya ang nilalang na iyon.
Nanginginig kong inalis ang aking paningin doon at bumalik sa pagkakaayos ng upo.
Pero sa aking pagharap ay lalo akong nagimbal.
Katabi niya ang driver at mula sa upuan ay nakadungaw siya sa akin gamit ang nanlalaki niyang mga mata.
-----
Kaibigan sa Dilim
written by: dodi
Copyright © 2014 by misterpeng
All rights reserved. This is a work of fiction. Names, characters, businesses, songs, places, events and incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Update: January 5, 2015
BINABASA MO ANG
Kaibigan sa Dilim (Ongoing + Editing)
HorrorMaitim... Mapula ang mata... Matutulis ang ngipin... Anong klase kang nilalang? Dapat ba kitang katakutan o gawing isang KAIBIGAN? Sa tuwing pagdilat ko ng aking mga mata sa madaling araw... ikaw kaagad ang nakikita ko. Kung minsan nga'y katabi pa k...