• KABANATA I •
• ANG MULING PAGKIKITA •*••°°•°•
'Psst..'
"Hindi.."
'Michael...'
"Hindi.."
'Michael...'
"Hindi!"
Napabalikwas ako sa kinauupuan ko. Napatingin tuloy si tita Rhea at ang driver sa akin. Napalakas yata ang sigaw ko. Nagpunas ako ng aking pawis sa mukha. Panaginip lang pala, akala ko totoo na.
Tinanaw ko ang daan.
"Malapit na tayo," wika ni tita na tila nabasa ang nasa isip ko.
Madilim na ngunit binabalagtas pa rin namin ang daan. Nang tingnan ko ang relo ay alas-otso na. Dalawang oras na pala kaming bumibyahe. Gaano ba kalayo ang Nueva Ecija? Doon talaga kami nakatira at lumipat lang kami sa Maynila dahil sa trabaho ni Papa. Mahirap naman daw kasing magpabalik-balik. Ngayong wala na silang dalawa ni Mama, muli akong babalik sa lugar kung saan ako isinilang. Na-miss ko tuloy yung mga naiwan namin doon. Kamusta na kaya sila? Gusto kong makita ang ipinagbago ng lugar doon.
"Ano ba ang napanaginipan mo?" tanong ng tita ko.
Kung alam niyo lang... napakasama.
"Wala lang po."
Ayoko nang ikwento. Nakakatakot ang panaginip ko. Parang totoo at kung pwede lang ay ayoko nang maalala pa.
Huminto na ang van. Tumingin ako sa labas. Nandito na pala kami. Lumabas ako at kinuha ang mga gamit namin. Tinulungan naman ako ng driver at ipinasok sa may gate ng bahay.
Pinagmasdan ko ang bahay. Malaki nga ang ipinagbago nito. Mas dumami ang mga halaman sa bakuran at mas nagmukang bago ang bahay. Hindi na halata ang kalumaan nito dahil sa bagong pintura.
Hindi ko maiwasang kabahan habang papalapit sa may pintuan. Nasa harapan ko si Tita habang naglalakad. Bitbit ko ang dalawang maleta na naglalaman ng aking mahahalagang gamit. Malakas ang hangin sa paligid. Idagdag pa ang hamog na nagpapadagdag kilabot sa'kin.
Ito ang kinaiinisan ko sa sarili ko. Magmula pagkabata, masyado na akong maduduwagin. Napakahina ko talaga. Makarinig lang siguro ako ng kaunting kaluskos ay natatakot na ako.
Kumatok si tita Rhea sa malaki at malapad na pintuan. Siguro ay nakakaraming katok na pero wala pa ring sumasagot. Sinubukan naming tumawag nang ilang beses dahil baka natutulog na ang mga tao sa bahay.
Ilang sandali pa ay nakarinig na kami ng yapak ng paa na papalapit sa may pintuan. At sa wakas, pinagbuksan din kami.
"Pasensya na po kayo, nakatulog po kasi ako kaya hindi ko kayo napagbuksan kaagad," panghingi ng paumanhin ng isang may katandaang lalaki na sa tingin ko ay katiwala sa dito bahay.
"Gano'n ba? Kaaga niyo namang nagsisi-tulog. Sige na Roman, papasok na kami." sabi ni Tita.
"Oho. Tuloy po kayo."
Namangha ako sa loob ng bahay pagpasok namin. Alagang alaga ang mga kagamitan na tila ba'y hindi nagagalaw. Kung ano ang kinalakihan kong ayos noon dito ay ganoon din ang nadatnan ko ngayon. Si lola talaga, kahit kailan.
"Huwag na nating abalahin sa pagtulog ang mga lola mo. Bukas na lang at matulog na tayo," baling sa akin ni tita Rhea.
Dinala ako ng isang katulong na nagpakilala bilang manang Rosita sa kwarto ko. Samantalang sinamahan naman ni mang Roman si tita. Matagal-tagal na rin nang magamit ko ang kwartong 'to.
BINABASA MO ANG
Kaibigan sa Dilim (Ongoing + Editing)
TerrorMaitim... Mapula ang mata... Matutulis ang ngipin... Anong klase kang nilalang? Dapat ba kitang katakutan o gawing isang KAIBIGAN? Sa tuwing pagdilat ko ng aking mga mata sa madaling araw... ikaw kaagad ang nakikita ko. Kung minsan nga'y katabi pa k...