KABANATA II: Bantay

58 0 0
                                    


KABANATA II

• BANTAY •

*••°°•°•

“HUY!” nagulat ako sa sigaw na iyon mula sa aking likuran. Sa pagkabigla ay mabilis akong napalingon sa kanya. Kahit medyo madilim na at natatakpan ng kanyang buhok ang kanyang mukha ay kilalang-kilala ko pa rin siya.

“Shaina?” tanong ko na may halong pagtataka. Anong ginagawa n'ya rito sa madilim na kalsada? Gusto ko sanang itanong 'yon sa kanyang ngunit hindi ko na naituloy dahil bigla siyang lumapit sa akin.

“Pasensya na, Michael. Nagulat ba kita?” tanong niya.

Lumingon ako sa aking likuran at hinanap ng aking mata ang nakita ko kanina. Ngunit wala, nawala siya. Siguro'y dala lamang iyon ng takot ko kaya inakala kong nakita ko nga s'yang talaga. Muli kong ibinaling ang paningin ko kay Shaina.

“H-hindi, okay lang. Magugulatin lang talaga ako,” pagsisinungaling ko. Hindi naman talaga ako magugulatin. Pinagtatakpan ko lamang ang takot ko.

“Ganun ba? Papauwi ka na 'di ba? Sabay na tayo.” Pagkatapos kong tumango ay sabay na naming nilakad ang daan. Napansin kong wala siyang dala na kahit ano maski supot man lang ng pagkain. Gusto ko sanang itanong sa kanya kung saan siya nanggaling ngunit nahihiya ako.

Bahagya siyang napatawa at nagsalita, “ Siguro nagtataka ka kung saan ako nanggaling 'no?” Nahihiya akong tumango at kaagad din naman siyang sumagot, “Tinulungan ko kasi si ate na magtinda sa palengke. Nagpaiwan lang ako do'n dahil may kinausap lang akong tao.”

Tao? Sino, kasintahan niya?

Hindi ko na tinanong kung sino iyon dahil baka isipin naman niyang tsismoso ako. Hinatid ko siya sa kanilang bahay.

“Mikoy, dito ka na mag hapunan.” Nagulat ako hindi dahil sa paanyaya niya kundi sa pagtawag niya ng palayaw ko sa ikalawang pagkakataon, magbuhat ng dumating ako rito. Matagal-tagal na rin nang marinig ko iyon sa kanya. Siya ang nagbigay ng palayaw na iyon sa akin.

“Pass muna ko. Kailangan ko na rin kasing umuwi. Magluluto kasi si manang Rosita at hinihintay itong binili kong sangkap. Next time na lang.” Binigyan ko siya ng pilit na ngiti. Hindi ko magawang ngumiti ng maayos dahil iniisip ko rin na baka malungkot si Shaina sa pagtanggi ko.

“Sige. Next time ha? Pangako mo 'yan.”

“Oo. Promise, pasensya na.”

“Ano ka ba? Ayos lang 'yun no, marami pa namang pagkakataon.”

“Sige mauuna na 'ko sa 'yo.”

“Okay. Mag-iingat ka ha?”

Hinintay ko muna s'yang makasok bago lumisan sa kanila. Ngayon ay nag-iisa na naman akong naglalakad. Medyo malapit na rin naman at makakarating na ako sa amin. Masyadong tago itong tirahan namin at malayo sa ibang mga bahay. Wala kaming kapit bahay.

Nakaramdam ako ng ginhawa nang matanaw ko na ang bahay ni lola. Sumalubong sa akin ang driver ng van na nirentahan ng tita ko. Nakaupo siya malapit sa pintuan habang naninigarilyo. Bukas pa ang uwi niya. Mayroon siyang kamag-anak rito at kanyang binisita ang mga ito. Doon na din siya pansamantalang tumuloy.

“Oh Michael, gabing-gabi na, ba't nasa labas ka pa?” tanong ng driver na sa pagkakatanda ko ay Baldo ang pangalan.

Ipinakita ko ang bitbit ko, “May pinabili lang si lola para sa lulutuin ngayong hapunan. Kayo po, hindi ba't dumalaw ka po sa kamag-anak n'yo?” Tumayo siya at pinatay ang upos ng sigarilyo. “Ang totoo n'yan ay pinatawag ako ng tita mo. Niyaya niya akong maghapunan kasama kayo mga lola mo. Tara na't sabay na tayong pumasok,” aniya.

Kaibigan sa Dilim (Ongoing + Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon