O.O Falling in Love Unexpectedly O.O
a true to life story (my own story, do not copy!)
BY: sakura4ever
Hi readers :)) its me sakura4ever.. im not quite a writer pero napasubo ako sa pagsusulat dahil sa boyfriend ko.. gusto niya kasi gawan ko daw ng kwento ang lovestory namin.. korek!! love story namin toh ng boyfriend ko.. ngayon pa lang salamat sa mga makakabasa nito.. hindi ko kasi fashion ang paggawa ng istorya.. pero dahil mahal ko ang boyfriend ko, wala akong nagawa kundi gumawa nga ng kwento namin.. sorry kung may mga mali sa typo or grammar diyan ah.. hehe..
The names that had been used in the story is only a code name :)) enjoy reading guy's :)) hope yah like this :))
Prologue
Hindi natin alam kung sino ba talaga ang karapat-dapat para sa pagmamahal ng isang tao..
Love comes Unexpectedly ika nga nila..
Gaya nga ng motto ko: "Expect the Unexpected"
Akala mo siya na, pero hindi pala..
Nung nagdesisyon kang pansamantala munang di magmahal, tsaka naman dumating yung taong masasabi mong siya na..
Ganito yung naging takbo ng buhay pag-ibig ko..
Nung una nahihirapan akong paniwalaan kung bakit ganito yung nangyari..
Pero nung tumagal..
Naging masaya ako dahil tama ang naging desisyon ko..
CHAPTER 1: BROKEN HEARTED
Lumipas na ang apat araw, andito pa rin yung sakit!! ang hirap magmove-on.. sobra!! mahalin mo ba naman yung tao ng buong buo at sobra pa sa pagmamahal mo sa sarili mo, di ka ba naman mabaliw eh.. ang pinakamagandang solusyon na nagawa ko dito sa nararamdaman ko, ay ang pag-iyak.. kahit sinasabi ng mga kaibigan ko na tama na raw kasi di siya karapat-dapat para sakin, di ako nakikinig.. mahal ko siya eh, lahat kaya kong gawin kahit palayain ko siya gagawin ko kung dun siya sasaya.. ganun ko siya kamahal..
pero kahit paano nagiisip pa rin naman ako noh!!
minsan nga tinanong ko na sa sarili ko kung minahal nga ba talaga niya ko..
ah basta!! bahala na si Lord sa plano niya.. ang alam ko lang ngayon, eh mahal ko siya!!
On the way na ko sa school, maaga ako laging umaalis ng bahay kaya ako lagi nauuna ng pagpasok sa school.. pang hapon sched. ko, section 14 ako.. hanggang section 33 ang fourth year sa school namin, grabe noh!! ang uniform namin eh simple lang.. yung palda is color green na may halong red, ahm.. parang checkered ang style niya then ang blouse namin is parang sa elementary lang.. half sleeves pero ang cute kasi may dalawang bulsa yung blouse sa baba..
Nasa tapat na ko ng gate.. haaayyyy!! mahaba habang lakaran paakyat na naman toh!! haha ^O^ puro hagdan kasi tong school namin, at paakyat pa.. nasa bundok kasi yung location.. its a public school :))
Were not rich, ok?? but were in the middle.. gets niyo ba?? ah basta yun na yun..
Nakaakyat na rin sa wakas, sa kabilang hagdan ako dumaan.. yung building kasi namin may 2 floors, then magkabilaan yung hagdan.. sa right stairs katabi nun yung room nila Jack, kaya sa left stairs ako dumadaan simula nung nagbreak kami.. para rin makaiwas..
sa secong floor yung room namin, parehong may 5 rooms sa 2 floors, dun kami sa pinaka-gitna..
Dito na ko sa tapat ng room namin, as i have said maaga ako lagi, kaya lagi kong nadadatnan yung section 15, andun pa rin sa room namin.. dun na lang ako sa corridor lagi tumatambay.. nilagay ko yung bag ko sa sahig at ako naman, nakatulala lang sa mga estudyanteng naglalakad..