CHAPTER 2: NEW LIFE, NEW FRIEND

54 0 0
                                    

CHAPTER 2: NEW LIFE, NEW FRIEND

Pagdilat ko, kinuha ko agad yung cellphone ko kung anong oras na..

"9:30 na pa-.." ..napabangon ako bigla sa gulat.. "HALA!! nakalimutan ko mag-alarm kagabi, anu ba yan!!"

haha!! ok, its time to rush na.. niligpit ko na muna yung hinigaan ko then inayos yung mga kailangan ko sa school.. kinuha ko na rin sa cabinet yung uniform ko, tapos inayos ko pa yung pampaligo ko..

naligo na ko, nakapagbihis.. kain na muna, toothbrush, suot ng saptos.. and TADA!! ready na ko.. tiningnan ko yung orasan namin.. 11:00 na..

"MA ALIS NA KO AH!! BAON TSAKA PAMASAHE KO PALA MA!!"

binigay na ni mama baon ko, araw araw ganyan eksena namin pag papasok na ko..

lumabas ba ko ng gate at nagmadaling naglakad palabas sa amin pati pababa sa palengke.. tumawid na ko at pumara ng jeep, sayang hindi diretso sa school namin pero ok lang.. onti na lang rin naman ang lalakarin ko eh.. mga 11:45 andun na ko sa school, kasi malayo din ng onti yung byahe papuntang Gate 2.. ayun kumanan na yung jeep, malapit na ko sa babaan.. pagkababa ko nagmadali na kong naglakad papuntang school, hindi naan masyado nakakapagod eh noh.. naglakad tapos paakyat naman na puro hagdan pa!! hahaayyy.. pawisin pa naman ako, nasa lahi namin ang pawisin..

pagkadating ko sa covered court, natanaw ko si Jack na nasa labas ng room nila syempre kailangan ko ng umiwas kaya snob ko na lang siya kahit gusto ko siyang lapitan, pero di na pwede eh.. pagdating ko ng room, andun na yung ibang tropas..

"good morning".. bati ko then i smiled..

"good morning Joy, oh ano ok ka na ba?" ..wow gandang pambungad Jona ah..

"ahm, medyo"

"buti naman"

"Aby asan si Annie?"

"wala pa eh, mamaya pa yun, diyan lang naman bahay nun eh kaya ok lang yun"

"ah"

pumunta na ko sa upuan ko tapos umupo na, nagkakalikot lang ako ng notebook, may quiz nga pala kaya nagreview na lang ako.. biglang may kumalabit sakin..

"uy masyado ka atang seryoso diyan Joy"

"oh Mark kakadating mo lang?" ..itong mokong na toh pasulpot sulpot na lang bigla, parang multo..

"hindi, kanina pa ko, pakalat kalat lang"

"ah" nag-smile na lang ako..

"bakit ka nagrereview? may quiz ba?"

ay nako di kasi nakikinig toh!!

"oo meron sa filipino ulit, di naman nawawalan ng quiz dun eh"

"oo nga noh, sige magreview na lang din ako"

bumalik na siya sa upuan niya tapos ako nagfocus ulit sa pagrereview ko..

halos kumpleto na rin kami sa room, dumating na rin yung teacher namin.. naglesson then after that is quiz.. yung next two subjects nagpa-activity about sa pinagaralan namin kahapon tapos naglecture.. last is Filipino subject, nagquiz na kami tapos may nagreport tapos nagquiz ulit at may assignment.. sa Filipino kami lagi natatadtad ng gawain pero ok lang kasi enjoy naman..

IT'S BREAKTIME!!

"Joy bababa ka ba?"

"baba na kayo jane, hindi na ko bababa may baon na ko eh"

"sige una na kami ah"

"sige"

haha ^O^ ang cute nilang tingnan, girl power!! magkakasama ang mga girls ng tropas

Falling in Love Unexpectedly (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon