CHAPTER 3: IS THIS LOVE?

49 0 0
                                    

CHAPTER 3: IS THIS LOVE?

RAY'S POINT OF VIEW [POV]

Pauwi na ko kasama yung dalawa kong classmate, gumawa kasi kami ng project sa TLE, yung kalan de uling, kaya ginabi na kami ng uwi.. nung nasa Jolibee na kami, nakasalubong ko yung Ex ko, si Massy..

"Massy" ..tinawag ko siya..

"oh kamusta ka na?"

"ok lang naman, ahm.. yung bracelet na binigay ko nasayo pa?"

"ah, sorry nawala ko eh.. sige ah una nako"

"ah bye"

nagwave siya then nagwave din ako pabalik.. nawala niya? medyo nalungkot ako dun sa sinabi niyang yun, siguro nga wala na talaga.. oras na talaga toh para mag move on ako..

pagkababa ko ng over pass, nagstay muna kami dun ng mga classmate ko sa gilid.. maya maya nauna na yung mga kasama ko.. katabi ko yung mga nakatambay na lalaki.. gusto ko muna mapag-isa kaya di muna ko sumabay tsaka ayaw ko pa umuwi.. kung sinu sino na tinitingnan ko, palingon lingon lang ako.. nung tumingin ako sa right side ko, may nakita akong babae, parang familiar siya sakin.. di ko lang maaninag ang mukha niya kasi naka side view siya.. then suddenly bigla siyang napalingon sa kinatatayuan ko, sakin siya nakatingin.. di ko pa rin inaalis yung tingin ko sa kanya, pero siya inalis niya agad yung tingin niya sakin.. san ko nga ba siya nakita?

ah.. kahapon!!

*FLASHBACK*

nakasakay na ko ng tricycle nun, gabi na ko nakauwi dahil sa project na yan pero di pa rin tapos..

nung andun na kami sa part na paakyat, may nakita akong girl na naglalakad.. mag-iisa lang siya.. tinitigan ko siya, pati siya napatingin sakin nung nakalampas na kami sa kanya, hanggang sa makaliko na kami dun ko lang naalis yung pagtitig ko sa kanya..

bakit kaya? parang interesado ako sa babaeng yun..

*END OF FLASHBACK*

at yung girl na tinutukoy ko ay yung nakatayo sa right side ko, pero di kami magkatabi ah.. siguro isang dipa ang pagitan namin.. maya maya nakita ko si Mark na lumapit sa kanya.. Wow!! magkakilala pala sila.. tinawag ko si Mark, matagal na rin kaming di nakakapagusap since nung naging fourth year na kami..

"Mark!!"

pareho silang napalingon nung girl.. nag wait sign siya dun sa girl then lumapit si Mark sakin.. nag apir kami..

"Ray musta na?"

"ok lang naman, ikaw?"

"ok lang din"

nagkamustahan kami then nagkwentuhan ng kung anu ano.. bigla din dumating si Jona.. nagkwentuhan din kami then nagtawanan sa mga kinukwento nila sakin.. may narinig kaming sigaw..

"uy di pa kayo uuwi?!!" .. sigaw ni girl.. di ko kasi alam pangalan niya eh..

"uuwi na!!" sigaw ni Jona..

"papara na ko ng jeep ah!! bahala kayo diyan!!" sagot ulit ni girl..

"tara na sakay na tayo, sabay ka na samin Ray" ..alok sakin ni Jona..

"sige"

bakit kaya nakaramdam ako ng saya? parang gusto ko kasi makasabay si girl, gusto ko siya makilala..

nakita ko na si girl na pumara ng jeep at nauna ng sumakay pati yung mga kasama niyang iba pang girl, kasama niya rin pala si Jade.. sumunod na rin kami sa kanila sa pagsakay.. naunang sumakay si Jona.. dun siya umupo sa right side ni girl tapos si Mark naman sa left side niya tapos ako katabi ko si Jona..

Falling in Love Unexpectedly (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon