MARJORIE'S POV
Nandito na kami sa Cafeteria at hinihintay na lang namin si Bhesie Jane, sya kasi ang umo-order eh.
Naghintay pa kami ng 5 minutes bago dumating si Bhesie Jane.
Ang inorder nya ay 3 Spaghetti, 3 Burger, 3 French Fries at 3 Soft drink.
Pinatong na nya yung tray sa table namin at umupo na sa kalapit ni Bhesie Leah.
Nag simula na kaming kumain.
Ang inuna kong kainin ay yung Spaghetti, nang matapos na ako kumain ng Spaghetti kinuha ko na yung Burger ko at kinain.
"Hep! Hep! Akin yan" sabi ni Bhesie Jane kay Bhesie Leah habang pinapalo pa yung kamay ni Bhesie Leah, kukuha kasi sana si Bhesie Leah ng French fries eh.
"Sayo yang lahat? Eh tatlo kaya yan!" sabi ni Bhesie Leah ng nakataas pa ang kilay.
"Yes, it's only mine. Subukan mong kumuha yare ka sakin" sabi naman ni Bhesie Jane at inilapit sa kanya yung tatlong French fries at kumain.
Tss, mukha talaga 'tong French fries, takaw kaya na nanaba eh.
Nananaba yung pisngi, yeah pisngi lang naman haha.
Wala ng nagawa si Bhesie Leah kaya ang kinain na lang nya ay yung Burger nya.
Nang matapos ko na yung kinakain kong Burger, inagaw ko kay Bhesie Jane yung isa nyang French Fries haha.
"A-Akin y-yan eh" sabi nya sakin ng nauutal pa haha.
Bahala ka dyan.
"Wala na nakain ko na eh!" sabi ko sa kanya at pinaigaya pa yung French fries sa kanya at sinubo isa isa laman non.
"Arghh! You've ate my French fries I hate you!" sabi ni Bhesie Jane at nag-walk out.
Hahaha pikon.
Pagka-alis ni Bhesie Jane tumayo na ako at pumunta sa line para bumili ng Cupcakes at French fries.
Pagkabili ko bumalik agad ako sa table namin at nakita ko naman na tapos na kumain si Bhesie Leah kaya inakit ko na syang umalis.
Umalis na kami at pumunta na sa last subject namin.
Pagkarating namin sa room ng last subject namin nakita kong nakabusangot sina Bhesie Line at Bhesie Jane.
Hahaha, ang daming pikon sa akin ngayong araw na 'to ah.
Pumunta ako sa harap ni Bhesie Jane at Bhesie Line, pinatong ko sa table ni Bhesie Jane yung French fries at sa table naman ni Bhesie Line yung Cupcake's pero nanatili lang silang nakatingin don.
Aba! Hindi pa ata tatanggapin netong dalawang 'to ah, sige bahala kayo.
"Sayang naman ang sarap pa naman, kakainin ko na nga lang" sabi ko sa kanila at kinuha yung Cupcakes at French fries at kakainin ko na sana nang agawin nilang dalawa.
Haha sabi na eh, mga hindi yan makakatiis, favorite kasi nila yun eh.
Umupo na ako sa pwesto ko.
Hinihintay na lang namin yung Prof. namin, wala pa kasi sya eh.
Nakalipas na ang dalawang minuto at wala pa rin yung prof. namin kaya kinuha ko na muna sa bag ko yung earphone ko at kinuha ko din yung chocolate at pagkatapos nilagay ko na sa tenga ko yung earphone at umayos na ako ng upo at kinain yung chocolate.
Habang kumakain ako nakaramdam ako na parang may nakatingin sakin kaya tumingin ako sa paligid at "Akkk" nabilaukan ako ng malaman ko kung sino ang nakatingin sakin kaya dali dali kong kinuha yung tubig ko at uminom.
Pagkatapos kong uminom natawa ako dahil nakita ko na naman yung itsura nya haha, ang pula pa rin nung pisngi nya haha mukha talaga syang kamatis haha.
"HAHAHA" tawa ko at nakita ko naman syang sumama lalo ang tingin sakin.
Tawa lang ako ng tawa at napapapikit na pati ako sa kakatawa nang biglang may humikit sa kamay ko at hinila ako palabas.
"Ano ba! Bitiwan mo ko!" pasigaw na sabi ko sa kanya habang nagpupumiglas.
"Arghh! Bitiwan mo sabi ako eh! Tatadyakan kita!" pasigaw ko uling sabi sa kanya at sya naman ay nagtuloy tuloy pa rin sa pag hikit sakin.
"Bitiwan mo sabi ako!" sabi ko sa kanya na may halong inis na.
"BITIWAN MO SA----" naputol yung sasabihin ko ng isandal nya ako sa pader at iniharang yung mga braso nya sakin para hindi ako maka-alis.
"Paghindi ka tumigil hahalikan kita"
*****
Don't forget to vote 💕
![](https://img.wattpad.com/cover/166946369-288-k597253.jpg)
YOU ARE READING
_ Pink-Eyed Princess (The Gangster Princess) _
Novela JuvenilPINK-EYED PRINCESS (THE GANGSTER PRINCESS) WITH GANGSTER ANGEL'S GANGSTER ANGEL'S [ Gang Leader ] PRINCESS MARJORIE RIVERA ~ Pink-Eyed Princess (The Gangster Princess) [ Members ] JANE MADRIDAL ~ Purple...