CHAPTER 3

149 4 0
                                    

Kath’ POV

Saktong pagka first floor..

“U-uy! Ikaw! Yung lalaking tumulong sa akin!” sabi ko nang makita ko sya ulit.

“Yes it’s me, nice seeing you again” sya

“I’m Kath. Kathryn Ber..nar..do…” I took a deep breath “Padilla”

“Oh nice meeting you. I’m Khalil by the way, Khalil Ramos”

“Paakyat ka na?” tanong ko

“Hmm sana, kailangan mo ba ng kasama?” Khalil

“Oo eh, gusto ko sanang maglibot.”

“Well the, I’m happy to serve you” sabi nya.

Tapos non linibot nya ako sa buong resort. Nakita ko yung mga finalists ng sand castle making contest. Ang gaganda. Pero mas nagustuhan ko yung sand sculpture nang dalawang tao na nagmamahalan. Bigla tuloy akong na lungkot.

“Hey? Why are you sad?” Khalil.

“a-ah, w-wala to. San pa ba pwedeng pumunta?”

“your choice, souvenir shops, zoo, or you want to have a tattoo?”

“Sa souvenir na lang siguro.”

Tapos pumunta kami sa isang bazaar, isang lane ang dami mong mabibiling kung ano-ano. Binilhan ko na sila mommy at ate ng shirts. Mas prefer kasi nila yung ganon kesa sa bags and accessories eh.

Pumunta kami sa isang fortune teller, ewan ko inaya lang ako ni Khalil.

“Umupo ka iha..” sabi nung matandang makapal ang make-up tapos matangos yung ilong. Inalalayan akong umupo ni Khalil.

Inilahad ko ang kamay ko. Kita sa mukha nung matanda ang pagkagulat.

“Magiging Masaya ka sa buhay iha.” Napangisi na lang ako. “May asawa ka diba?” sabi nya. Tumango ako

“Nakikita ko ang Masaya nyong kinabukasan, mahihirapan kayo sa una pero---“ hindi ko na pinatapos yung sinasabi ng manghuhula.

“Wag naman po kayong magpaasa ng tao. Malabo po ang sinasabi nyo? Arranged Marriage? Masayang kinabukasan? Oh come on.” Sabi ko at tsaka tumalikod

“Maniwala ka, pagkatiwalaan nyo ng bawat isa. Dahil sa huli? May malaking problema kayong haharapin. At tanging ang bawat isa ang magiging sandalan nyo.” Manghuhula

“Khalil tara na, kain tayo”

 Sumunod lang sa akin si Khalil. Walang malisya pero, magaan loob ko sa kanya. Pumunta kami sa may resto tapos umorder kami ng buko juice.

“Kath..” tawag nya sa akin

“Ano? Anong gusto mo?”

“Wala, pwedeng magkwneto ka?” naiba mood ko. Napatungo na lang ako. Ayokong naipapamukha sa akin na wala akong kalayaan. Na nakakulong na ako.

“Sige na Kath, kunwari bestfriend mo ako. Dali na” napasinghap ako.

“Kasi nga diba kasal ako? Kinasal ako sa lalaking linapastangan ako nung highschool” sabi ko. Tapos biglang nanlaki mata nya

Stronger. [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon