Byeeee.

141 3 0
                                    

Hello. una sa lahat, sorry kasi wala talaga akong ganang ituloy to. nawawalan ako ng paraan para maisa-sulat yung mga sulat ko. Pero babawi ako sa inyo. this time, sisikapin kong ituloy to. pero ayokong nabibitin kayo. kaya isang pasada lang to. isusmmarize ko na ang mangyayari. pero promise may epilogue, nauna ko pang tapusin epilogue ehhh

nagkaouting si kath at dj sa baguio dahil sa gusto ng magulang nila na mas maging close sila. walang kwenta ang unang araw nila pero nung gabi nung unang araw nila, nahimatay si Kath habang naghohorse back riding sila. pero agad namang tinulungan ni DJ si Kath.

halos mawalan na ng dugo si DJ nang makita nya na halos mauntog na si Kath sa bato. hinatid ni DJ si Kath sa kwarto ni Kath (magkahiwalay sila ng kwarto dahil magkaka war kung sama sila) ayaw paalisin ni Kath si DJ dahil naalala nya ang kanyang first love. at yon si mon-mon. at si mon-mon ay si DJ. bakit? dahil dati galit si kath kay dj sa pagsunog ng laruan nya at natawag nya itong demonyo hanggang sa naging mon-mon. sabi nga nila the more you hate the more you love. maari bang maulit-ulit?

pagkagising ni Kath, masaya sya dahil nandun si Dj sa tabi nya where she can feel security. ang tutoo, mahal nila ang isa't-isa kaso ayaw alng nilang aminin dahil alam nila galit sila sa isa't isa. nagising din si Dj dahil sa pagkailang na naramdaman nya sa pagtitig ni kath. at nagulat syang nakangiti ito sa kanya kaya nahawa sya ng ngiti nya. okay na sila. may something na sa nararamdaman nila.

pabalik na sila sa manila pero napansin ni DJ na sobrang putla ni Kath at nanghihina. napansin anman ni kath ang pagaalala ni dj kaya hinawakan nya ang kamay ni dj kaya napanatag ang loob ni dj. kaso after few days, nagsusuka, nahihilo, nahihimatay si kath. sobrang nagaalala na sya kaya naman dinala na ni DJ si Kath sa ospital. at dun nya nalaman na may leukemia si kath, stage 3.

napaiyak si Dj. kaso kailangan nya gumawa ng paraan. humanap si DJ ng kamatch ng bone marrow ni kath kaya lang, sobrang hirap hanapan dahil iba ang bone marrow ni kath sa iba. napanghihinaan na ng loob si Dj pero habang nakikita nya si Kathryn na lumalaban, na nagpapakatatag nabubuhayan sya.

Then this day come, natutulog si kathryn habang hinahaplos-haplos ni dj ang kanyang buhok at nakatitig sa mukha nya. Kaso may pumatak na luha. ginising nya si kath.

"Kath! Kath! ayos ka lang ba?!"

"D-Dj.."

"Kath, anogn masakit saan? teka tatawag akong nurse"

"Dj, nakita ko si ate" nakita ni kath ang kanyang namayapang ate sa kanyang panaginip. parang sinusundo na sya. namatay ang ate nya, na kakambal nya dahil mahina ang resitesya nya kahit kakapakanak pa lang sa kanya.

"Kath.. please wag..."

"sabi ni ate, maganda daw dun. masaya. walang problema."

"kath paano ka sasaya wala ako dun. please kath wag, bubuo pa tayo ng pamilya!"

"Dj..."

"Kath sabi mo, pag-tanda mo, gusto mogn maranasan na nakaharap ka sa isang fountain sa park habang pinapanood ang anak mong nagtatakbuhan kasama ang lalaking sobrang mahal mo.." napaiyak si dj sa mga bintawan nyang salita. ngunit si Kath napangiti na lang.

"Sabi mo, gusto mong makasama ang lalaking sobrang mahal mo sa isang dalampasigan. habang nakaupo at magkayakap na pinapanood ang sunset.."

"Sabi mo, gusto mong pumunta sa isang peaceful place kasama ang pamilya mo. Kath please wag kang sumuko. kaya natin to. tutuparin ko mga pangarap mo."

"Pero DJ, nagawa ko na lahat yun eh."

Nagawa na nila yun. noong bata pa lang sila. nagawa na nilang umupo sa may bench kaharap ng isang fountain habang pinapanood ang mga naka nila, sina Nacho at Cola ang kanilang pinakamamahal na aso.

nagawa na din nilang mapanood ang sunset ng sabay at magkayakap sa isang dalampasigan.

nagawa na din nilang pumunta sa isang peaceful palce kasama si nacho at cola dahil sa problemang dinadala ni kath nun. ang pagkawala ni barbie.

yun nga lang, di pa nila sigura do kung sila forever.

napayuko si dj habang inaalala ang mga nangyari noon. napahagulgol sya sa iyak. inagat naman ni kath ang ulo ni dj. pinunasan ang luhang umaagos sa mata at tsaka tinitigan.

"hay dj. bakit ba kasi ang unfair ng buhay no? kung kailan malapit na akong mawala, tsaka natin naramdaman to. itong LOVE. pero DJ wag kang malungkot. kasi nandyan naman ako palagi sa tabi mo eh. lagi kitang yayakapin. tandaan mo yan."

"Kath.. please.."

"shhh.. dj, kung mawawala na ako? ayaw kong makita kang nagmumukmok. ayaw kong nakikita kang naglalasing. lalo-lalo na na ayaw kogn makita kang kasangkot sa mga gulo. dj tandaan mo, kahit wala na ako nasasaktan pa din ako. masasaktan at masasaktan pa din ako dahil mahal na mahal na mahal kita."

"Kath kung mahal mo ako, wag mo akong iwan dito please..."

"Kung pwede lang Dj. kaso walang makakapigil sa oras. DJ kung mawawala ako, humanap ka ng iba. humanap ka ng ibang babaeng magpapasaya sayo. yung pupuno ng kalungkutan mo."

"Paano Kath? paano ako magiging masaya kung iiwan mo ako."

"Isipin mo na lang nainiwan kita dahil mahal kita. dahil ayokong nakitang naghihirap ka."

"Kath.."

"I love you DJ. I always will. forever and always."

"I love you too kath. thankyou for changing me, for finding my old self again. i will never forget you. i love you. forever and always."

they shared a bitter sweet kiss. 

BEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEP

their last kiss.

---------------------------------

Kitakits sa epilogue. jusko sorry sobrang madali ito. pasensya ha.

Stronger. [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon