Di mo man ako pansin
Ako ma'y tila isang hangin
Mayakap man kita't makapiling
Hindi parin sapat maibsan ang sugat ng damdamin
Hindi ako lilisan sa tabi mo
Ngayong mas kailangan mo ang presensya ko
Umaapaw ang mga luha't sakit ng puso
Tila punyal saakin at mga palaso
Ilabas mo lang ang lahat, aking sasaluhin
Ibulong saakin ang mga hinaing
Mga luha mo'y di magsasawang tangayin
Sa lugar kung saan di malubos isipin