Sabi

6 2 0
                                    

Nakaraang tila ba nabaon na sa limot
Kasalukuyang mga pangyayaring masalimuot
Paano na ang hinaharap na ipapamana?
Kung ang ugnayan ng dalawa'y malabong maging maganda.

Masayang alaala'y mananatili
Kalungkutan para sa damdaming nasawi
Galit sa pusong ikinukubli
Nawalan ng pakialam, saakin isinisi

Ibinigay ang lahat ng kailangan mo
Kapakana'y hindi inisip, ipinagkaloob nang buo
Kasalana't problema'y wag isisi dahil
Sa ating dalawa ikaw ang nagloko

Hindi ako kundi ikaw
Ang kumitil sa buhay ng masayang araw
Pinalalim ang butas na dati'y mababaw
Sa katotohanan, di mapawi ang uhaw

Walang naramdaman, ni habag ay wala
Dating masiyahin, ngayon ay kawawa
Walang maibigay, hubas ang biyaya
Natira'y ano? Basurang sumira

Nalustay ang dating masayang kalikasan
Naghihimutok sa iyong kapabayaan
Umiiyak, nalulugmok, tila baga nasasaktan
Nawawalan ng pag-asang ibalik ang nakaraan.

Wala na nga bang pag-asa?
Relasyon nga ba sa kalikasa'y di na maisasalba?
Mga alaala'y mananatiling alaala?
Di na baga maibabalik ang dating sigla?

DefaultWhere stories live. Discover now