There he was. Playing his guitar while singing his favorite song. Ang saya saya niya. Mahihimigan mo ang puno, umaapaw, at tunay na kasiyahan sa kanyang pagawit.
Year 2010 when I first saw him. Kumakanta siya sa isang resto-bar na pagmamay-ari ng Tito ko.
Siya din siguro ang dahilan kung bakit hindi mawalan-walan ng costumer ang Amigo's ( Pangalan ng resto-bar na ito). Ang ganda ganda ng vibe nya, plus the ambiance ng lugar. Perfect place nga naman kung gusto mong mawala ang stress and at the same time, maaliw.
Kaya hindi nakapagtataka na ipaubaya na ng aking Tito ang Amigo's sa kay Alaric, the guy who owns a very wonderful and powerful voice. Bonus nalang din ang kapogian ng nilalang na 'to. He's so hot, so damn handsome. May saltik nalang ang hindi makakapansin ng taglay na kapogian ng taong 'to.
"Alaric, that was a nice performance as always. Ang galing galing mo talagang bata ka." Natutuwang sabi Tito ko habang tinatapik ang balikat ng binatang si Alaric na kakababa lang sa stage.
"Naku, Tito. Salamat sa compliment. Ginagalingan ko po talaga para po mas madami pa tayong costumer. " Magalang na sagot niya.
Hmmm, bakit ang gwapo nya lalo na sa malapitan?
"Oh , anyways! Si Demi. Demetria Clarrize nga pala, pamangkin ko."
Pinakilala ako ni Tito sa kanya.
"Uhm hi, Demi! Nice meeting you !" Masiglang bati niya sa akin.
Sabay abot nung fist nya. Ano? Nakikipag fist bomb ba sya sakin? Really?!
Napataas ako ng kilay at tinignan ko lang sya.
"Hi, nice meeting you too. I don't do fistbomb."
Sabi ko lang at napakamot naman siya ng ulo.
"He he sorry, nasanay lang ako."
"Oh, sya sya. Oo nga pala, ric ! Alam mo bang magaling ding kumanta itong pamangkin kong 'to? Nga lang, mahiyain."
"Oh? Mahiyain? E mukhang mataray"
Bulong niya sa kanyang sarili at napatawa ng palihim. Hindi napansin iyon ni Tito kaya tuloy tuloy lang siya sa pagsasalita.
"Akala mo kung sinong gwapo"
Bulong ko din sa sarili ko.
"Demi, I heard you. Be nice to him. Magiging magkatrabaho na kayo... next week."
With that ngiting-ngiti si Alaric, at mukhang nangaasar pa yata! gosh!
Asar! Kung hindi ko lang talaga kelangan ng raket ngayon... Nako! Binabawi ko na pala ang sinabi ko kanina! Mukha na siyang unggoy ngayon! Nakakainis ! Nakakairita !
Pinakilala ako ni Tito sa Drummer na si Nick at sa gitaristang si Finn at Diego.
Nice, napaka approachable nila. Pwera nalang sa Alaric na 'to na parang napipilitan lang dahil andito lang sa tabi si Tito Axel.
Kanina pa bumubulong ng palihim 'tong unggoy na 'to! Akala nya hindi ko nararamdaman na ayaw niyang nandito ako! Well, the feeling is mutual Mr. Pakitang tao! Scratch that, Mr. Pakitang unggoy nalang !
Hanggang sa aksidenteng nagtama ang aming mga mata.
Nangaasar,
Nangaakit.
Nakakadala. Nakakawala ng inis.
