chapter 1: <The return>
ghail's POV:
"Kuya sa tabi na lang po,baba na po ako dito" sabi ko sa bus driver habang kinukuha ko na ang aking mga bagahi.Galing ako sa manila,at ito ang unang uwi ko dito sa bicol mula ng umalis ako para "mag-aral" Sana sa manila.Pagkagraduate ko kasi sa high school e byahe ako agad sa manila dahil pinangakuan ako ng kapatid ng mama ko na papag-aralin nya ako sa college dun.(To make it clear,Bulacan po pala yun Hindi manila,heheeh) anyway naging magulo lang lahat,I mean ang buhay ko dun.To make it short Di ko na tinapos ang college ko doon at napagdesisyonan na umuwi na dito after 3 years.
"grabe andaming pinagbago" bulong ko pagkababa ko sa bus habang iniikot ang tingin sa lugar kung nasaan ako now.sa totoo lang wala naman talaga pinagbago,ako lang ang nanibago,maliit parin ang kalsada na halos 2 sasakyan lang magkakasya.I mean nasanay ako sa manila na malalaki ang kalsada at istablisyemento.Magulo din po dahil madami din tao at mga establishment sa tabi..wala nga lang buildings!
Napagdesisyonan ko na maglakad na lang tutal medyo malapit naman na ang bahay namin dito sa binabaan ko.Actually Hindi naman po talaga mukhang probinsya katulad ng iniisip ng iba na bundok.Nakatira po kasi ako sa lungsod ng daraga sa bicol,as in walk in distance lang po sa centro ng lugar.Sa Caltex ako bumaba at Di Nila alam na uuwi ako ngayon kaya walang sumundo sa akin.Alam nyo yung pakiramdam na naninibago ka sa lugar kahit dun kana lumaki.
Habang naglalakad ako papunta sa bahay e kinakabahan na ako sa magiging reasyon Nina mama pagnakita ako.
"uy diba c ghail yan"sabi ng along glo habang naglalaba sa poso. "dalaga ka na ah,kumusta ka na?"tanung nya nung namukhaan nya na talaga ako."OK lang po"sabay ngiti ko sa kanila na mukhang gulat na gulat na umuwi ako.
Pati bahay namin nagiba na rin..Di na tulad ng dati na gawa pa sa kahoy at anahaw lang.Pero ngayon e bato na ang boung bahay.Nagdadalawang isip pa ako na kung iyon na nga ang bahay namin.Pero sa palagay ko naman e tama ang lugar na kinatatayuan ko ngayon.Pagsilip ko sa pinto nakita ko ang nanay ko na nakatalikod habang ngwawalis.Nakatayo lang ako doon hangan sa lumabas ang kapatid ko sa kwarto namin.
"ate??"sabi ng kapatid ko na prang Di makapaniwala na nakita nya ako.ngumiti lang ako."Aaaattteeeeee!!!!!"sigaw nya habang tumakbo papunta sa akin at napalingon naman agad ang aking nanay ng marining ang kapatid ko.
"oh!!!bakit nandito ka?sino kasama mo?buti nakarating ka ng safe?"sunod2x na tanong ni mama habang sinalubong ako.
"ma,isa isa lang,umuwi na ako dahil ayoko na doon,magisa lang ako at oo thanks Kay God dahil nandito ako sa harap nyo at bou pa naman katawan ko..heheh"
..............
ilang araw na ako nandito lang sa bahay mula ng umuwi ako,nakakatamad din pala na walang ginagawa!
"mabuti pa ghail magapply ka sa jollibee at ipagpatuloy mo pagaaral mo dito" sabi ng Kuya ko na mukhang naiirita na rin sa akin dahil wala nga akong ginagawa.Working student kasi sya at the same time e scholar din sa Bicol University .
"mabuti pa nga para matapos nya na rin ang kursong kinuha nya sa manila"sabat ni mama
"haixt..oo dahil nababagot na din ako dito sa bahay"sabi ko pero nagdadalawang isip ako dahil Una sa lahat umuwi ako dito sa bicol na walang Plano kung anu mangyayari sa akin pagdating ko dito.Gusto ko lang kasi talaga takasan at kalimutan ang madilim na pinagdaanan ko sa manila at wala pa akong pinagsasabihan ng tungkol doon.
"Bukas e pumunta ka sa agency ng jollibee"sabi ni Kuya
"Wala pa ako resume"dahilan ko
BINABASA MO ANG
Working Student
Teen Fictionhi everyone!!this is my first time to write..but I always read some of the story here and it makes me inspired to share my own story too. I prefer to write it in tagalog because 1st I'm a filipino,2nd I want to make it realistic for the readers..I m...