Hearthrob

124 0 0
                                    

<ghail's POV>

7:45 am palang Ay nag-IN na ako sa DTR ko.Dala ko ang PHA waiver ko na sasagutan ng assigned trainor ko after 3 days ng PHA ko.Dun nya ilalagay kung nakapasa ba ako o Hindi.

Wala pa si Sarah at mag-isa pa lang ako na kitchen PHA trainee doon,maliban sa mga service PHA trainee.

"Hello po!"Kabadong Bati ko sa mga crew na nakabreak sa loob ng crew room.Bagong pakikisama ito para sa akin.Wala akong idea sa mangyayari sa duty ko ngayon.

"Hi!!anung station ka bhe?" tanung ng isang crew na babae na kumakain sa mesa.Palagay ko service station sya dahil nakamake-up ito at mganda.

"Pantry Station po" Sagot ko.

"Hala!!sino naginterview sayo?bakit kitchen ka?" Gulat na tanung sa akin.

"Si ma'am sally po" Nagtatakang sagot ko.

"Grabe talaga si ma'am Sally oh,may itsura ka naman..bakit ka nya inilagay ka nya sa kitchen...dapat counter ka" nagkakamot na tugon nya.

Isang simpleng ngiti lang sagot ko dahil kinakabahan na talaga ako.Pero sa loob loob ko e syempre naflattered naman ako sa sinabi nya.

"wow..ah..ang swerte naman ng Daraga branch dahil magaganda ang kitchen crew Nila" natatawang sabi ng isang lalaking crew na nandoon din sa crew room.

"palipat nalang tayo dun" pabirong sabi ng isa pang lalaki.

"grabe kayo ah..narining ko yun,bakit ayaw nyu na ba dito?ganun na lang ba kami kapanget sa inyo?" Nakataas kilay na sabi ng isang babae na lumabas mula sa cr ng crew room.Mukhang mabait ang babaeng iyun at mukhang kitchen din sya dahil naka-apron ito.

"Ay Hindi naman mama Sarah..Di ka namin ipagpapalit noh" Sagot nung lalaking ngbiro kanina at sabay yakap doon sa mama Sarah na sinabi nya.Palagay ko sya na yung trainor ko dahil Sarah ang pangalan nya.Sabay tawanan silang mga nasa loob ng crew room.

Habang ngtatawanan sila Ay dumating na rin si Sarah na kapareho Kong pantry station.

Tinanung din sya ng parehong tanung sa akin at nagbiruan ulit sila.

"mama Sarah may kapangalan ka na pala sa kitchen ah..hahaha" sabi nung babae kanina na mganda

"oo nga mama Sarah..may Sarah na din sa daraga branch..hahaha" Binibiro Nila sina Sarah.Hangan sa nag-8 o'clock na at inaya na kami ni ate sarah sa loob ng kitchen.

"Tara na girls at baka mahawa kayo sa kabaliwan ng mga tao dito sa crew room." Sabi nya habang hawak nya ang tig-isang kamay namin ni Sarah.Una dinala nya kami sa may counter area.Sinabi nya sa amin ang tawag na mga bagay na makikita doon.Tapos Dinala naman kami sa loob na ng kitchen.Tinuro din sa amin ang iba ibang station at mga machine na gamit Nila.

"ito ang fryman" sabi ni ate Sarah sa amin habang tinatapik nya ang likod ng isang malaking lalaki Sapalagay ko Ay ng lalagay ng breading sa mga manok.Ganun pala ang paggawa ng masarap na fried chicken ng jollibee..Tinuro din sa amin ang machine na pinalulutuan ng fried chicken,isang malaking parang drum pero square shape at punong puno ng mantika at sobrang init.may timer din yun depende sa part ng chicken.Sunod ang gawaan ng burger.

"eto ang station na mayaman sa 'k' "natatawang sabi ni ate Sarah.

"ah,po.....!!"sagot namin ni Sarah ngunit Di na kami pinatapos ni ate sarah.

"hindi sa potassium kundi sa 'Kamay'....." sabay taas ng kamay niya hanggan sa may ulo para ipakita ang kanyang kamay. "Tingnan nyu!" ngumusa sya para ipakita sa amin ang lalake na gumagawa ng burger. Kaya pala 'Kamay' dahil kinakamay nga lang nya ang paggawa ng burger.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Working StudentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon