#PAP___PART II

2 0 0
                                        

Isang pamilyar na boses yung narinig kosa likuran.

I mean, pamilyar na pamilyar.

Timothy, kapag lumingon ka masasaktan ka na naman!

Babala ko sa sarili ko.

Alam ko kung sino iyong boses na iyon.

Kilalang-kilala ko boses noon kahit na may kausap lang sa telepono.

Fck! I missed her.

"Hey, babe. You okay?"

Bigla akong natauhan, sa malalim na pag-iisip.

Nakalimutan kong may kasama pala ako.

Kasama ko pala ang girlfriend ko.

"Yeah, babe. Don't worry."

I lied.

__________

Balisa ako.
Pinagpapawisan kahit na fully airconditioned naman ang paligid.

Hanggang sa dumating na iyong order namin. Kanina gutom na gutom ako e! Ngayon parang maiihi ako o mapapabanyo sa sobrang tense.

"Wait, ba't ba ako nate-tense in the first place?", tanong ko sa sarili ko.

Sa wakas! Natapos na rin sa pagkain si Tash. siya na lang hinihintay ko e.

Hindi ako masyadong kumain, nagdahilan lang ako na may kailangang replayan sa email na importante lang kaya sa hawak na phone ako nakatingin, nakayuko ganoon.

Nasa likod ko iyong babaeng pinagtataguan ko this past few months.
Iyong babaeng dahilan kung bakit nagmo-move on ako dati kahit pagkakaibigan lang naman kami.

Ngayon tatayo na ako, alam kong nakatalikod kami sa isa't isa kaya, mala power ranger moves iyong ginawa ko.

Ayokong makita niya ako.
Ayoko pa siyang makita.
Ayoko pa...

Ayoko pa kasi baka hindi ako makatiis at mayakap ko siya sa harap ng babaeng pinangakuan ko ng pag-ibig ngayon.
Ayokong mangyari iyon, ayoko.

Malakas na hakbang iyong ginawa ko patungo sa pintuan ng restaurant habang akay-akay si Atasha.

"Bakit ba kung kailan ka nagmamadali, pakiramdam mo ang layo-layo ng pinto, e mukhang isang dipa lang naman iyong layo?", reklamo ng isip ko.

Buti na lang hindi naman nagtatanong ang girlfriend ko kung bakit parang tatakbuhin na namin ang pintuan, ang alam lang niya kasi may hahabulin akong client kaya nagmamadali kaming lumabas.

"San Carlos."

"Jesus!" Potaaaang!" napamura ako sa isip.

Kahit kailan talaga ang talas ng mata ng babaeng iyon.

Kunwari wala akong narinig. Kaya patuloy lang iyong paglalakad ko patungong pinto kasama ni Tash.

"Timothy San Carlos III !"

Tamang-tama na nasa harapan na kami ng pintuan at bubuksan ko na palabas ng muli niya akong tinawag, sa pagkakataong iyon buo ko ng pangalan at halatang,
Ayon galit na ang boses niya.

"Patay ka ngayon, nariyan na ang tigre San Carlos!", pagbabanta ko sa sarili.

Napahinto ako pero hindi humarap. Nanginginig iyong kamay kong nakahawak sa pinto kaya imbes lumabas , isinara ko ulit ang pinto.

"Ang lakas talaga ng epekto ni Pat sa akin, paano ko ba ito nagustuhan in the FIRST PLACE?" Naka-caps na tanong sa isip ko.

Walang kibo lang si Tash, wala pa rin siyang ideya sa mga nangyayari and it happened kasi na may tumawag sa kanya kaya habang nangyayari iyon, may kausap siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PATPAT AND POTPOTWhere stories live. Discover now