"Pat, I love you!"
"I love you too, Pot!"
"So, tayo na?"
Nakita ko kung paano siya natameme. Alam mo iyong nakabuka nang bahagya iyong bibig niya pero walang boses na lumalabas?
"Joke lang, Patpat ui!"
Iyong kaninang nakabukang bibig ay agad na nag-transform into sweet smiles. Pati mga mata niya naniningkit kapag nakangiti siya. Napapangiti na rin ako.
Imbes na masaktan ako sa reaction niya sa kunwaring biro ko e, mas lalo pa atang nadagdagan iyong pagkagusto ko sa kaniya.
"Pot, naman! Shems, akala ko talaga totoo e."
With matching tapik pa iyan sa balikat ko.
"Oo nga e, na-speechless ka tuloy."
"Baliw ka talaga, Pot. Wag mo na uulitin!"
"Iyong ano, Pat?"
Tinigan ko siya, at nahuli kong nakatingin din pala siya sa akin kaya nagtama iyong mga mata namin.
"Iyong mag-joke ka ng mga ganiyan."
Ilang segundo ring titigan hanggang sa mag-iwas na siya ng tingin.
"Kahit kailan talaga hindi ka mananalo sa akin sa titigan."
"Oo nga, Pot! Palagi na lang akong talo sa iyo. Laki kasi ng mata mo."
Sabay kaming nagtawanan.
Naku, kung alam mo lang na sa puso ko lagi kang panalo, Pat. Syempre sabi ko lang iyon sa isip.
Kunwaring tawang- tawa rin ako sa sinabi niyang malaki ang mata ko, ngunit sa likod nito ay isang madugong katotohanang hanggang kaibigan lang talaga ako sa kaniya.
Kaya napagdesisyunan ko nang itigil na itong kahibangan sa kaniya, marami pa namang iba.
Tatanggapin ko na lang na hanggang kaibigan lang talaga kami.
Iyon iyong huli naming pagkikita.
Pinangako ko kasi sa sarili ko na, magpapakita lang akong muli sa kaniya kung kaya ko na siyang titigan sa mga mata nang hindi humahanga sa kaniya. Iyong kaya ko na siyang tignan na haggang kaibigan na lang, at hindi ng babaeng hinahangaan ko.
Hindi ko iyon magagawa kung patuloy pa rin iyong buntot ko sa kaniya at palagi pa kaming magkikita.
Nandito pa rin naman ako para sa kaniya e, kahit na hindi kami magkikita physically, nandito lang ako. Didistansiy lang ako nang kaunti. Hindi ako nagpapa-miss, tinutulungan ko lang sarili kong tanggapin at piliing maging kaibigan siya kaysa ibigin.
"Potpot!"
"Poooooooot"!
"Ui"
"Timooooooothy!"
"Movieeee naman ulit tayo, treat ko!"
"Miss ko bestfriend ko!"
"Ba't di ka na nagpapakita, busy ka na lang ba palagi?"
"Ui"!Nagising akong tadtad ng text galing sa iyo. Actually, hindi lang naman ito ang unang beses na naggaganyan ka.
Nakatingin lang ako sa phone ko at paulit-ulit na binasa iyong text mo.
Animo'y maging ang aking mga daliri ay napagod nang gumalaw at mag-compose ng mga salitang iri-reply sa iyo.
Mas nanaig iyong katamaran ng daliri ko. Katamaran nga ba ang nanaig o dahil iyon talaga ang gusto ko?
Tot tot tot tot
Kanta ng Weslife.Kinuha ko agad ang phone ko at tinignan kung sino ang tumatawag. Tsaka ni-slide ko sa right para sagutin.
"Babe, good morning!"
"Good morning, babe! Just woke up."
"Don't forget to take your breakfast ha? I love you."
Napangiti ako.
Ang sarap sa pakiramdam na may taong nagsasabi sa iyo ng ganiyan. Tatawagan ka lang just to say I love you at kumain na.
Almost 8 months na kaming hindi nagkikita ni, Bes, ni Patpat.
Natuto akong lumabas mag-isa. Gumimik on my own. Nakikipagkilala sa lahat. Masyado kong inispoil ang sarili ko sa pakikipagkaibigan sa iba.
Hanggang isang gabi, nakilala ko si Atasha.
Kinilala ko.
Niligawan ko.At ngayon apat na buwan na ang aming relasyon.
Masaya ako at alam kung mahal niya ako at ganoon din naman ako sa kaniya.
Mabait siya at walang arte sa katawan, parang si Patpat lang.Si Patpat?
Napatawa na lang ako.May Atasha na ako, pero naiisip ko pa rin siya.
Hindi ko pa rin maiwasang ikumpara ang bestfriend ko sa taong mahal ko ngayon.
Hindi ito dapat na nangyayari.
On the next day, may usapan kaming magkita ni Tash.
We went to our favourite resto para mag-lunch.
"Yes. I'm already here. Hintayin na lang kita rito. "
Isang pamilyar na boses yung narinig ko sa likuran.
I mean, pamilyar na pamilyar.Timothy, kapag lumingon ka masasaktan ka na naman!
Babala ko sa sarili ko.
Alam ko kung sino iyong boses na iyon.
Kilalang-kilala ko boses noon kahit na may kausap lang sa telepono.I missed her voice, fck!
"Hey, babe. You okay?"
Bigla akong natauhan, sa malalim na pag-iisip.
Nakalimutan kong may kasama pala ako.
Kasama ko pala ang girlfriend ko.
"Yeah, babe. Don't worry."
I lied.
YOU ARE READING
PATPAT AND POTPOT
Romance"Do you love me?" A question he never asked. "Yes." An answer she desperately wanted to give. #PsngmktPAP