BALANCE INQUIRY

104 4 1
                                    

dedicated ito sa love na love kong bestfriend! hershey! hahaha dito pa nagdrama eh no? hahaha. siya rin po ang co-writer ko ng Opposites Attract! :">

---------------------------------------

BALANCE INQUIRY

Hays. Anniversary na sana namin ngayon. Kaso nagbreak na kami eh..

Kelan? Last week..

Bakit? Wala. Sobrang busy na daw niya at marami siyang iniintindi.. kaya di nya daw alam kung maaasikaso niya pa aKO. kung kaya niyang pagsabayin ang work, study, family, personal plus me. Eh wala tayong magagawa. desisyon niya yan dahil ang tingin niya sakin ay isang malaking "DESTRUCTION" 

Hays. wala akong magawa ngayong gabi ah.. ang boring.. wala rin akong katext..

speaking of text.. teka may load pa kaya ako? Maicheck nga..

tinext ko yung number ng balance inquiry (example: 222, etc,.)

To: Balance Inquiry

-?

it was just a matter of seconds ng may nagtext. I knew it was balance inquiry.

Fr: Balance Inquiry

-Your balance is Php. 0.00 as of 08/15/**. Credit expires on 08/28/**. Free texts 32. Please reload immediately."

bigla ko lang naisip.

Buti pa ang Balance Inquiry, kahit million million pa kaming nagtetext sa kanya ng sabay sabay, nagrereply parin siya ng mabilis at sasabihin kung may natitira pa ba. sasabihin niya kung kung kelan maeexpire ang kung anu mang meron ako.

Di gaya ng ex ko, konti palang yung ginagawa niya compare mo naman sa Balance Inquiry.

Di niya sinisiguro kung anu pang meron kami. Wala eh. Wala siyang time. Di gaya ng Balance Inquiry, seconds lang nagreresponse na, eh sya? days bago magreply.

Di niya sinasabi kung may natitira pa bang pagmamahal di gaya ng Balance Inquiry na sinasabi kung magkano pa yung load ko,

Di nya sinasabi kung hanggang bukas nalang ba tatagal or hanggang ngayon nalang at basta basta nya nalang akong iiwan. Di gaya ng Balane Inquiry sinasabi kung kelan maeexpire ang load ko.

Di nya sinasabi ang dapat kong gawin para di maubos at magfade yung pagmamahal niya di gaya ng Balance Inquiry na sinasabing "please reload immediately" kasi alam niyang malapit ng maexpire ko kaya ubos na ang kung anung meron ako.

Di ko maiwasang di siya icompare dahil kung talaga bang mahal nya ko, hindi ako ung unang bibitawan niya, pinalabas niya lang din ang totoo na hindi ako yung priority niya at wala akong halaga kaya aus lang na ako yung bitiwan at iwan sa ere. Di siya nag dalawang isip na baka mahulog ako at masaktan sa pagkabagsak.

wala nga kasi siyang paki alam diba? Mas masaya kung wala ako. Mas maluwag. At hindi siya masasakal. mahal ko siya kaya pinagbigyan ko ang gusto niya.

Di ko naman pinipilit sarili ko kung ako ay nakakabala lang pala sa kanya diba? diba?

SORRY. SANA PALA BALANCE INQUIRY KA NALANG :"(

one shot stories :">Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon