Chapter 1- First

28 2 0
                                    

Darren's POV

"Kuya, wake up" paulit-ulit na sabi ni Lynelle, kapatid ko. "Ok eto na gigising na". First day of school ngayon kaya nasanay akong late gumigising nung bakasyon. Agad akong naligo at nag toothbrush saka bumaba at kumain.

"Goodmorning Mom, Goodmorning Dad" sabay beso sakanila. "Pst kuya ako ba walang goodmorning and beso?". Natawa naman kaming lahat. "Goodmorning bunso" sabay kiss sa pisngi. "Kumain na kayo at baka malate kayo first day pa naman" sabi ni Mommy. "Oh Darren ikaw na mag drive hah, may student license ka naman na" sabi ni Daddy. "Okay dad"actually first time ko mag drive papuntang school.

"Pero mag-ingat ka huh? Kasama mo kapatid mo, and don't forget to pray bago mag byahe" sabi ni Mommy.
"Mom ako maglelead, hehehe" sabi ni Lynelle. "Sige anak"

Nasa car na kami ilelead na ni Lynelle yung prayer "In the name of the father, the son and the holy spirit. Lord gabayan mo po kami sa among byahe, pati na rin sa school. Sana po may makilala po kaming friend para may kasama at masaya palagi. Gabayan nyo po si kuya sa kanyang high school life at magka girlfriend narin hehehe. In the name of father the son and the holy spirit. Amen". "HUY ano ba yang prayer mo. Mag ka girlfriend magka girlfriend ka dyan, wala pa sa priority ko yan"sabi ko. "Joke lang naman kuya, syempre manliligaw ka mu---" "Isa" banta ko sakanya. "JOKE LANG kuya Kasi  syempre  mawawalan ka ng time sakin di mo na ko love pag ganun" -Lynelle. "Lynelle tatandaan mo to huh! Kahit mag ka girlfriend ako, ikaw parin ang pinakamamahal ko, kayo ni mommy, at hinding hindi ako mawawalan ng time sayo hindi mawawala yung bondings natin. I love you" "Iloveyou too kuya" sabay kiss sa pisngi. "Tama na tong drama natin" sabi ko. Sabay kaming tumawa "HAHAHA"

On the way na kami ni Lynelle sa school. "Alam mo kuya excited na kong pumasok makikita ko nanaman crush ko e" sumama tingin ko sakanya. "Ikaw wag muna yan, bata ka pa ako nga wala pa e ikaw pa kaya" naiinis kong sabi. "Kuya it's a joke. HAHAHA". "Di nakakatawa joke mo"inis kong sabi. "Hala si kuya galit kuya sorry kayo lang ni daddy mahal kong boy"sabi nya. "Dapat lang, ang bata mo pa kaya 11yrs old ka palang. Mag gagraduate ka palang ng elementary"

Pagkadating namin sa school agad kong  hinatid si Lynelle sa room nila. Tinignan ko yung oras 15minutes nalang anlayo pa ng building namin sa room nila Lynelle. Tumakbo ako para hindi malate pero titignan ko pa kung saan ang room ko sa bulletin board.

"Darren Lyndon, Darren Lyndon, Darren Lyndon, yeessss 1st section" agad akong tumakbo papuntang room pero sa di inaasahan 'BOOGSHHH' may nakabangga ako for the first time, pero nung nakita ko yung nakabangga ko.....

My Supportive GirlfriendWhere stories live. Discover now