Prologue

1 0 0
                                    

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng pagmamahal na ibinibigay ko sa kanya, nagagawa nya parin akong saktan.

Hindi ko alam kung bakit sa kabila nang katapatan ko sa kanya, nagawa nya parin akong lokohin.

Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng kalokohang ginagawa nya habang nakatalikod ako ay palagi ko parin siyang iniintindi.

At mas lalong hindi ko alam kung bakit sa kabila ng panloloko, pananakit, pagpapaiyak nya sa akin na halos gabi-gabi, pagiging tanga ko sa kanya ay mahal na mahal ko parin siya.

Isang lambing nya lang sakin ay nakakalimutan ko na lahat ng kasalanan nya sakin.

Isang tawag nya lang na kailangan nya ako nasa tabi nya na kaagad ako.

Tanga ba? Yan yung tawag ng mga kaibigan ko sakin pero wala akong pakialam dahil para sakin walang tanga sa taong nagmamahal lang.

------
Zeskikumica

Stupid HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon