Chapter 1

1 0 0
                                    

Exchange number

"Ella halika dito! May sasabihin ako sayo este kami pala ng kuya mo. Hihi"tawag sakin ng tita ko na kausap ata sa telepono yung boyfriend nya. Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa sinabi nya. Panigurado may irereto na naman tong dalawang to sakin. Hmp!

"Oh? Bakit mahal na tita ko? May irereto na naman kayo sakin noh?"Sagot ko sa kanya habang naglalakad na papuntang kwarto kung saan nandun yung tita ko na nakahiga.

"Haha! Ikaw naman. Di kana nasanay sa amin ng kuya mo."

"Sabi na nga ba! Oh? Sino na naman yan? Naku! Siguraduhin nyong gwapo yan ha?"Sagot ko sa kanya habang nakahiga na sa kama, katabi siya.

"Oh? Dude! Narinig mo yun? Sino ba yang ipapakilala mo Kay Ella..?"Tanong nya sa boyfriend nya. Napaka-weird talaga nang dalawang to. Sa lahat ng magkasintahan sila lang yung may call sign na 'Dude'. Parang barkada lang?

"Oh? Kausapin mo na lang tong kuya mo at nang makilala mo na yung irereto nya sayo"Binigay nya na sakin yung telepono nya.

"Hello kuya? Oh'ano na? Sino ba yang irereto mo sa akin?"

["Haha! Wag ka mag-alala Ella matino naman tong ipapakilala ko sayo.. Tsaka kaibigan ko rin to"]napabuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi nya...

"Kaibigan? Sino ba yan? Wag mong sabihin na si ---?"OMG? napatakip na lang ako sa bibig ko nang may marealize ako na posibleng yung lalaking yun ang tinutukoy nya? Bago ko pa matuloy yung hinala ko ay bigla ko na lang narinig yung halakhak nya...

["Oh sino yang iniisip mo? Wag kang mag-alala hindi si carlo ang tinutukoy ko. Si Calvin Gonzales ang tinutukoy ko. Diba classmate mo yun?"]Whaat --? Yung lalaking mayabang na yun? Na laging may head phone sa leeg nakasabit?

"Kuya naman! Mayabang yung lalaking yun. Bakit mo naman naisip na ireto ako sa lalaking yun?..."nakakainis naman tong si kuya eh. Sa lahat ng lalaking pwedeng ireto sakin...

["Hahaha. Ingat ka Ella may kasabihan pa naman tayo.. "The more you hate, the more you love.."]sinabayan nya pa ito ng halakhak. Nakakainis talaga.

"Yuck!! Never akong mai-inlove noh? Di siya yung ideal man ko. But anyway I'm sure binigay mo na yung number ko sa kanya noh?"tanong ko sa kanya. Kilala ko tong lalaking to bago nya sabihin sakin na may irereto siya sakin ay naibigay nya na ang number ko. Hays...!

["Ofcourse Ella. Hintayin mo na lang yung message nya sayo. One more thing para makilala ka na rin nya pinakita ko yung picture mo dito sakin. Sorry Ella .. Hahaha... "]What the fuck! Planado nya na talaga..

"Kuyaaaa! Nakakainis ka.."binigay ko na sa tita ko yung phone nya at nang makapag-usap na sila nang magaling nyang boyfriend. Gosh!?

Habang naglalaro ako sa phone ko nang 4 pic 1 word ay biglang may nag-message sakin na new number. Sino naman kaya to...?
Nang binuksan ko na yung message ay napataas na lang yung kilay ko dahil ito lang naman ang laman.

From: 0905*******

Hi baby :-* this is Calvin, Harold's friend. Can we meet tomorrow?

To: 0905*******

Baby? Baby you're face. I don't even know you.

From: 0905*******

Haha. You're funny. Magkita tayo bukas sa canteen para magkakilala tayo.

To:0905*******

What if ayoko?

Lakas ng loob ng gagong to. Ang yabang... Gwapo lang siya at hot pero --- What the fuck. Pinuri ko ba siya? No, ang pangit pangit nya..

From: Calvin mayabang

I have my ways miss. :-) see you tomorrow.
Goodnight baby :-*

To: Calvin mayabang

Whatever mister..

Di ko na hinintay ang reply nya dahil pagka-sent ko nang message ko sa kanya ay pinatay ko na yung phone ko para makatulog na. Ang aga pa naman nang klase ko bukas hays.
Sana naman makita ko yung crush ko bukas para naman ma-inspired ako. Hihihi...

------
Zeskikumica

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Stupid HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon