Kabanata 5

60 1 0
                                    

*FIRST DATE?*

Totoo ba ito may nag-ayang lumabas kasama ako.

Saan kaya kame pupunta? hmmmn. no idea. bahala na si superman.

At nagsimula na kaming maglakad papunta sa lugar na siya lang ang may alam. Pero siguro mamahaling restaurant yun o kaya heaven este pasyalan. Habang naglalakad kame parang may anghel sa pagitan naming dalawa, wala kaseng nagsasalita sa amin. Awkward tuloy.

Pero may hindi rin nakatiis sa amin at nagsalita siya.

Ahm Ms. Sanchez este toni matanung ko lang madaming bang nakapila?

Napaisip ako kung anu yung pila na sinasabi niya.

Ha?

Ahm i mean madami bang nakapila para ligawan ka. paglilinaw niya.

Nako kung alam lang niya wala nga magtangkang manligaw sa akin eh. pero teka bakit niya naitanong?

Ah yun ba haha wala eh. sagot ko. Nakakahiya man sabihin pero sinabi ko na lang yung totoo.

Weh di nga imposible yun sa ganda mong yan wala manligaw, hindi makatwiran yun.

Nagulat naman ako sa reaksyon niya. Maganda pala ako sa paningin niya, akala ko mame ko lang ang magsasabi na maganda ako eh, ngayun silang dalawa na. Para tuloy akong nalulusaw sa tuwa o kilig, ah basta :]

Haha mapagbiro ka rin enu. sabi ko pero sa totoo lang kinikilig ako.

Hindi ah, nagsasabi lang ako ng totoo sa katunayan ang saya ko nga eh.

Bakit naman?

Kasi ako ang kauna-unahang nakapila para manligaw sayo. walang kaabog-abog na sinabi niya.

Wait lang tama ba ang rinig ko? manliligaw? aba matinde. agad-agad, hindi porket na sinabi niya saken na may gusto siya sa akin eh papayag ako ng ganung kabilis anu siya. (pero yung totoo parang mahihimatay ako sa kilig, grabe na ito). Speechless talaga ako dun sa sinabi niya pero para maiba ang usapan o matigil eh mag-kukunwari akong matitisod.

Ay pusang kinalbo!. Sigaw ko.

at nagkunwari na nga akong natisod pero parang totoong natisod talaga ako at mabubuwal, teka wala sa plano ang mabubuwal ako ah.

Perobago pa ako matuluyang mabuwal hinila niya ako papalapit sa kanya at napakapit ako sa balikat niya, parang nag-slow motion ang lahat. Nagkatinginan kami mata sa mata na tila may gustong sabihin sa isa't isa, ang puso ko ay bumilis ang tibok, sa sobrang bilis parang sasabog.

Toni okey ka lang? namumula ka oh. tanong niya sa akin at paggising na rin

Hala namula pa ako sa kilig. nakupo.

Ah eh okey lang. sagot ko sa kanya. Nakakahiya mukhang tanga lang ako. ayt,

Buti naman mag-iingat ka kase Toni buti nalang nasalo kita.

bakit ang tanga ko? (on-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon