Ang mundo.... hmmm minsan napapaisip ako. Bakit di tayo ginawang perpekto nalang diba? Lahat kasi ngayon kung makapang-husga akala mo perpekto na akala mo walang bahong tinatago.
Hmmmmmmmmm.......
Ako nga pala si Katana Maria Sy. Describe ko pa ba sarili ko? Bilugan yung mata ko,mahaba ang pilik mata,morena 5'4 ang height at di naman gaanong katalinuhan.
Narito ako ngayon sa plaza nagiisip kung paano ko maisasalba ang araw ko ngayon kasi naman! Ulila nako at walang nagmamahala hahahahahaha charot lang sa walang nagmamahal.
Kanina ko pa tinitignan yung ale na nagtitinda ng suman gustong gusto ko nang kunin hmp.
Lumapit ako tas nag isip ng mangyayare.
Aish no! Di pwede masyado akong bad! Lumayo nalang ako sa aleng nagtitinda ng suman at bumalik ule sa kinauupuan ko.
" hayst! " napasabi ko nalang
Naalala ko kasi ang bilin sakin ng aking lola bago namayapa na wag na wag kong gagamitin sa kasamaan ang aking kapangyarihan. Well nakikinig naman ako dahil never pakong gumawa ng masama puro balak lang.
Kasalukuyan akong naglalakad paalis ng plaza ng may maramdaman akong kakaiba.
Lumingon muna ako sa paligid.
At nahinto ang paningin ko sa isang bata na .
.
.
.
.Kitang kita ko, kinuha nya yung bag ng babae tapos??
Walang reaksyon yung babae ang bilis nung bata mawala??
Teka
Anong ibig sabihin nito?
Muli ay pinakiramdaman ko kung asan na ang bata. Nung malaman ko kung nasan siya pumunta agad ako sa kinaroroonan niya takbo lang kasi di pwede magpakita na magteleport ka madaming tao eh.
So, ayun na nga pagdating ko wala na yung bata pero may naka-allblack na lalake tas may dust sa paligid.
"Oh my God" napasabi ko sa sarili ko
Pinulot nya yung bag nung babae tas biglang naglaho.
'Hala? Grim reaper ba yung nakita ko?'
Omooo anong ginawa nya sa bata????
Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko na maalala kung bakit nandito ako? Anyare?
Nagteleport nalang ako papunta sa eskinita ng tinitirhan ko para makapagpahinga na.
GRIM REAPER'S HIDE OUT
"May tanong pa ba juniors?" Wika ko
Ng maisip kong wala na silang matatanong
Pero may magtatanong pa pala ."Sr? Pano namen malalaman kung may kapang yarihan ang isang tao? Na kakaiba ito?" Tanong ng isang junior reaper
Actually may point siya kaya bumalik ako sa pwesto ko para maipakita sa kanilang lahat kung paano nila malalaman na special na tao ang nasa harap nila.
"Magaling. Yan ang mga tanungan. So? Pano niyo ba malalaman? Sa kaliwang kamay nila may simbolo na number 8 o parang pa-infinity."
"Dun niyo sila marerecognize as special person." Dagdag ko
"Eh, sr bakit pa sila ipinanganak sa mundo kung di naman pala sila pwedeng mag-exist dito??" Tanong niya ule
" May point ka ule. "
" Hindi naman perpekto ang diyos, minsan may nabibigyan siya at yun yung mga taong may special ability. Ngayon kaya kayo narito kasi kailangan niyo silang mahanap at makuha ang soul's nila para balanse lang ang mundo na ating ginagalawan. " paliwan ko. Mahirap din maging team leader
" Oh! Nandito na ang inyong senior reaper " bati ko kay Alex na laging naka-poker face
As usual tumango lang ito na parang may mali kaya nagpaalam na muna ako sa mga junior na bibigyan ko lang si Alex ng lunas dahil nakahuli siya ng special human.
*pag-pasok sa office*
"Bat ganun yung inasal mo? Mamaya magtaka sila??" Bungad ko dito
"Naawa kaba?" Tanong ko
"Trabaho lang at wala kang pake." Bigkas niya sabay alis
Ayos. Di daw naawa. Hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya at agad na bumalik sa conference room upang idiscuss ang mga puntos na maari nilang makuha kapag nakahuli sila ng special human.
"Okay juniors, Ididiscuss ko sa inyo ang mga points na maari niyong makuha kapag nakahuli kayo ng special human.
1 point ka da makahuli ng kayang baguhin ang sitwasyon.
10 points sa nakakapagpalit ng anyo at nakakapagpahinto ng oras..." paliwanag ko
"Sr? Bat may mga puntos pa??" Kanina pa to nagtatanong ah
"Ikaw lang ba ang laging may tanong ... *tinignan ko name plate niya* Oliver?" Tanong ko sa kanya
Di na siya sumagot pa kaya sinagot ko na ang tanong niya
"Bakit nga ba may puntos?? Para makaakyat na kayo sa itaas. *sabay turo sa kisame*" don't be naughty I mean is heaven okay?
Lahat sila nagsitanguan kaya sinabi ko na sa kanila ang paraan para makahuli sila. Iinumin nila ang special na alak na magbibigay sa kanila ng lakas para mahuli ang taong may special na abilidad.
Gets? Iilaw ang kanilang kanang kamay tanda na may kakayahan na silang manghuli ng isang special human. Take note one at a time lang bale isang inom = isang soul gets?
Nang okay na eh dinissmiss ko na sila.
Alex's POV
Pinapanood ko yung bata hanggang sa bigla nalang itong nawala mabuti na lamang at nahanap ko siya agad.
"Kuya pakiusap po" umiiyak na sabi nito " may sakit po ang kapatid ko"
"Isipin mo nalang na tadhana mo ito." At di na siya nagpumiglas pa.
Unti unti siyang naging abo hanggang sa nawala.
Gabi na ng makarating ako sa bahay nung bata kanina.
Nakasalubong ko naman ang ama nitong bangag na sa kalasingan
"Umayos ka ng tingin mo." Bungad nito sakin
Walang atubiling hinawakan ko ang leeg niya at isinandal sa pader
"Sa susunod na saktan mo ang bata di ako magdadalawang isip na patayin ka." Banta ko sa kanya sabay umalis ako na parang walang nangyare.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi! Salamat po sa mga nagbasa hehehe. Medyo sabaw yung gawa ko.
Yung mga characters introduce ko nalang ba dito or sa next chapter? Medyo nangangapa pa ako.
Like/Vote/Comment
Thankyouuuu.

BINABASA MO ANG
Extra-ordinary
خيال (فانتازيا)Minsan may mga bagay na hindi tayo maintindihan. Na pakiramdam mo nakatutok sayo ang camera at ikaw ang bida . . . pero hindi pala, lahat tayo dito ay bida at kontrabida. paano ko nasabi?? kasi ako mismo sa kwento na to ay minsan naring naging kontr...