Maraming nagsasabi na ang swerte ko raw dahil nasa akin na ang lahat. May iba naiinggit. May iba humahanga. May iba walang pake. May iba na gustong maging ako. Sana. Sana ganun kadali. Sana may magagawa ako. Kung maibabalik ko lamang ang araw, gagawin ko. Mayaman nga kami pero hindi ako masaya. Nasa akin lahat pero may kulang. May puwang sa puso ko.
Wala akong ibang nararamdaman kundi awa sa sarili ko. Naaawa ako dahil hindi ko magawang ipaglaban ang gusto ko. Sunod sunuran sa lahat ng utos. Sinusunod ko kahit na ayaw ko. Ginagawa ko naman lahat pero hindi pa rin sapat, kulang. Pagod na pagod na ako. Gusto kong magpahinga kahit sandali lang. Gusto kong maranasang sumaya. Gusto kong lumaya. Gusto kong hanapin ang sarili ko.
Gusto kong tumakas sa realidad.
Kung may sapat na lakas ng loob lamang ako, matagal na akong nakalaya. Matagal na akong nasa rehas at natatakot ako para sa sarili ko. Kung sakaling matagpuan ko na ang puwang sa puso ko, natatakot ako sa posibleng mangyari dahil baka hindi ko ito magawang ipaglaban.
Hahayaan ko na lamang ba na mabilanggo ang sarili ko habang buhay? Hahayaan ko na lamang ba na diktahin ako sa lahat ng bagay?
All Rights Reserved
2018