Chapter 1

72 1 0
                                    

SUMMER is finally over. Magsisimula na naman ang panibagong pagsubok ng mga estudyante na tulad ko. Marami na namang magpopost sa social media tungkol sa nalalapit na pasukan at nakakasigurado ako na maraming nabitin sa kani-kanilang bakasyon. Kung sabagay hindi ko naman sila masisisi dahil ako rin naman nabitin, kahit nasa bahay lang ako sa loob ng tatlong buwan.

If you're wondering kong anong ginawa ko for the past three months, studying. Nag-aaral ako kahit summer. Hindi ako lumalabas ng bahay nang walang importanteng dahilan. Sa tanang buhay ko, hindi pa ako nakakapunta sa iba't ibang lugar unless kong kasama ko si Mommy at si Ate Hanna. Hindi kasi ako pinapayagan ni Mommy umalis mag-isa dahil delikado raw lalo na't wala pa ako sa tamang edad.

I want to travel, alone. I want to do the things that makes me happy pero sadyang mailap ito para sa akin. I want my Mom's approval pero kahit anong pilit ko, kulang nalang lumuhod ako sa harapan niya, hindi niya ako pinagbibigyan kahit isang beses man lang. She's too uptight. She's too strict for me.

She only wants me to study hard. Yes, nag-aaral ako ng mabuti. Pinatunayan ko 'yon sa kanya, at hindi ko na mabilang. Simula pagkabata, kinder to high school, I'm on top. I'm doing my best pero para sa kanya kulang pa. Ni isang beses hindi ko siya binigo. Ginawa ko lahat kahit na napapagod na ako 'cause I want to pleased her.

But she's unfair.

"Hanani, are you ready for school tomorrow?"

"Yes po."

"You don't need to buy your school supplies 'cause your sister already got it for you."

"Alright po."

"I need to go first dahil may meeting pa ako. Eat and after that you study, okay?"

As usual. Hindi ko na kailangan pang sumagot dahil alam kong alam na niya ang isasagot ko.

"By the way, nakausap ko nga pala ang Dean mo kahapon kaya you don't need to worry for tomorrow dahil siya mismo ang mag-aassist sayo."

"Thank you, Mom."

"I don't want disappointments, Hanani. I want you on top especially now na college student ka na, marami kang kakumpetensya."

Tahimik lang ako habang nakikinig sa kanya. Gustong gusto niya na palagi akong nasa itaas. Ayaw na ayaw niya na nasasapawan ako kahit na sino. Sanay na 'ko.

"Are you listening?"

Tinignan ko siya at kitang kita ko ang sarili ko sa kanya. Kuhang kuha ko ang bawat detalye mula sa kanya. Maraming nagsasabi na I'm her younger version at kahit na ako hindi ko kayang ipagkaila.

"Yes po. I'll do my best."

"You should. Ayokong gumaya ka sa iba na walang patutunguhan sa buhay." mariin niyang sabi.

"I'm done. Akyat na po ako."

Hindi ko na hinintay ang sagot niya dahil baka hindi ko kayang pigilan ang sarili kong sagutin siya. I've been a good daughter to her at lahat ng utos niya hindi ko kailanman sinuway. Kahit na ayaw ko at labag man sa loob ko ginagawa ko parin dahil ayokong madisappoint siya.

Simula pagkabata, hindi ko naranasan makipagpalaro kahit kanino. Ang tanging kaharap ko lang ay ang patong patong na mga libro. Libro kaagad ang kaharap ko simula nung natuto akong magsalita. Araw-gabi akong nag-aaral. I don't have toys, well, dati nagkaroon ako dahil binigyan ako ni Ninang Zoe pero nung nalaman ni Mommy, agad niya itong kinuha sa akin at ipinatapon. I didn't cry. I didn't ask my Mom why, hindi ako nagreklamo. Ni isang reklamo wala siyang narinig mula sa 'kin.

"Hanani?" a soft voice called my name. Sa lahat ng tao, siya ang pinagkakatiwalaan ko. She's been my favourite person dahil siya lang ang nakakaintindi sa 'kin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

All For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon