Chapter 17

1.5K 34 1
                                    

Sa sinabi niyang iyon, nakita niya na tumindi ang galit ni Raymond kaya naman bigla na lang siya nitong hinatak, kinaladkad at sinandal sa kotse nitong nakaparada doon.

“Raymond, ano ba?!”

“Pagkatapos ng lahat ng effort ko, ganoon na lang ‘yun?!”

“Oo! Kaya please, tanggapin mo na lang.”

“Clarie, alam mo pakipot ka pa eh. I really like you! And I really want you...”

Sobra siyang nagulat nang papalapit ang mukha nito sa mukha niya. Ang mga kamay nito bumaba na sa mga baywang niya at halos magkadikit na ang mga katawan nila. Hindi siya makawala kay Raymond dahil malakas ito. Natakot na siya  nang unti-uting bumaba na sa mga hita niya ang mga kamay nito kaya naman buong lakas niyang tinanggal iyon kasabay ng pagsigaw na itigil na ang ginagawa nito. Mabuti na lang at may nakarinig sa kanya kaya naman nakawala siya kaagad kay Raymond nang may sumipa dito. Napaatras siya gawa ng taong sumipa, agad siyang lumayo sa kotse at tumayo sa likuran ng lalaki habang pinapanood ang eksenang ginagawa nila.

Hindi niya inaasahan na si Jayden pala ang lalaking nakikipag-away ng mga oras na iyon kay Raymond. Kung hindi niya pa nakita ang mukha nito nang humarap, hindi niya talaga ito makikilala dahil may kadiliman din ang pwestong kinatatayuan nila.

“Ikaw pala!” bulalas ni Raymond nang nakita na niya ang sumipa sa kanya.

“Ibang klase ka rin!” panduduro naman ni Jayden kay Raymond. “May ka-demonyohan palang tinatango ‘yang pagmumukha mo!”

“Oh, come on! Ikaw ba hindi ganoon? Alam ko matinik ka rin sa mga babae kaya nga nasulot mo si Clarie sa akin.”

Hindi alam ni Clarie ang gagawin sa mga oras na iyon. Siya ang dahilan kung bakit nangyayari ang gulong ito. Pero lumapit naman kaagad ang guard sa dalawang nag-sasakitan at sinisikap nitong pakalmahin sila. May mga tao na ring nagtitinginan dahil sa mga sumbatan nila sa isa’t-isa. Pero nag-iwan si Jayden ng suntok sa mukha ni Raymond dahil sa mga sinasabi nito. Kaagad namang naawat ng guard si Raymond kaya hindi ito nakaganti pa, sa halip pumasok na lang ito ng kotse at pinaharurot iyon paalis.

Hinarap ni Jayden si Clarie pero kaagad na umiwas at lumakad palayo ang dalaga sa kanya. Ngunit ramdam ni Clarie ang presensya ni Jayden sa pagsabay nito sa mga lakad niyang sumusunod sa kanya.

“Nag-aalala si Ate Melly sa’yo ng sobra,” kausap nito sa kanya.

“Kaya nga uuwi na ako,” sagot niya naman.

“Teka nga!” pigil ni Jayden sa braso niya at hinarap siya “Alam mo nakakainis ka na! Hindi mo ba alam hinanap kita kung saan-saan, buti na lang nag-text ‘yung manager sa akin ng Colser kasi nakilala ka niya.”

“Anong gusto mo? Magpasalamat na naman ako sa’yo? Hindi naman ako nanghihingi ng tulong mo!”

“Ano bang problema mo?!”

“Ikaw ang problema ko!”  biglaan niyang nasabi nang hindi na niya mapigilan ang pagtitimpi at nabitawan rin ni Jayden ang braso niya. “At itong sarili ko! Hindi ko na alam ang gagawin. Naiinis ako sa mga nararamdaman ko na hindi naman dapat. Ayoko muna, pero hirap akong pigilan! Ang hirap mong iwasan! Nagugustuhan na kita, ‘yun ang problema ko!”

Hindi siya makapaniwalang naipagtapat niya lahat iyon kay Jayden, hindi naman siya ganito na may tapang na sabihin ang totoong nararamdaman sa lalaking nagugustuhan niya pero naisip din niya na siguro dahil sa alak kaya siya nagkalakas ng loob. Hindi niya din napigilan ang pagbagsak ng luha sa huling mga salitang binitawan niya kaya naman tinalikuran niya kaagad si Jayden. Akma na niyang ihakbang palayo ang kanyang mga paa nang bigla ulit hatakin nito ang kanyang braso at hinigit siya nito palapit. At labis niyang ikinagulat ang sumunod na nangyari. Sa pangalawang pagkakataon, hinagkan siya ulit nito. This kiss is different from the first time he did it. Mas mapusok ito at puno ng pagkagusto. Until she didn’t notice of her own lips, accepting and moving it in a way she didn’t care. All of a sudden, his intimate kiss wiped away all anger and resentment inside of her. A different sensation starting to form within her.

“Gusto kita Clarie...” malumanay na tugon ni Jayden. “Gustong-gusto kita. Noong una kitang nakita, nagustuhan na kita.”

Dumating na nga ang ikinakatakot niya ng sabihin ni Jayden na may nararamdaman din ito para sa kanya. Ang mga titig nito ay parehas sa kung paano nito siya tingnan sa tuwing ito’y tumutugtog. Nakakaakit at nakakatunaw dahil sa sincere na mga pinapahayag nito.

“Pero-”

“Alam ko. Hindi ko hinihingi sa’yo na suklian mo kaagad ang nararamdaman ko. I’ll respect your decision na unahin ang talagang priority mo. Pero ang pagkakataong maging magkaibigan tayo at mapakita sa’yo kung sino ako ay huwag mo sanang ipagdadamot.”

“Totoo ba ‘to?” pag-iiba niya sa seryosong usapan nila. Hindi niya talaga kasi gusto ang ganitong seryosong mukha ni Jayden. Pakiramdam niya rin ay bigla na lang siyang nahimasmasan mula sa sensasyong naramdaman niya kanina lang.

“Oo. Totoo ako sa’yo at sa nararamdaman ko.”

Bigla’y may naalala si Clarie. Hindi niya ito palalagpasin pa, ngayon pa lang ay gusto niya nang malaman ang totoong kasagutan.

“Naku, Jayden! Huwag ka ngang magbiro. Ikaw? Gusto mo ako? ‘Yung best friend mo gusto mo din?” kunot-noo niyang tanong

“Ha? Si Kaye? Hindi ah!” mariin namang tanggi ni Jayden.

“Nagkakaila ka pa? Nakita ko kayo naghahalikan kayo sa kuwarto!”

Ito na naman siya, inuungkat ang eksena nila ng best friend nito.

“Hindi kami naghahalikan ‘nun!” mariin nitong pagtanggi ulit. “Naglilinis ako ng kisame ng kuwarto tapos napuwing ako kaya hinipan niya ‘yung mata ko. Ang dumi ng isip mo! Siguro, ‘yun yung tinotopak mo ‘no at pumunta ka pa dito sa bar dahil lang ‘dun?!”

“Hi-Hindi no!” bulyaw niyang pagtanggi dahil bigla nang tumawa si Jayden.

“Naniniwala na nga ako na gusto mo na ako, nagseselos ka eh!” nakangising banat ni Jayden.

“At ako hindi ako naniniwala sa’yo!”

Iniwan niyang tumatawa si Jayden kasama na ang mga sinasabi nito at sa mga sasabihin pa ng mga laman ng isipan nito. At hanggang sa pag-uwi nila maya’t-maya ang ginagawa nitong panloloko sa kanya. Ang gabing ito ay isa sa mga gabi ng buhay niya na hindi niya makakalimutan. Walang kasiguraduhan ang lahat. Wala ring pruweba na mapapanghawakan ni Clarie ang mga sinabi at ipinagtapat ni Jayden. Ang mga nararamdaman nito ay hindi niya rin naman mapapanghawakan. Tama ito na hindi niya dapat ipagdamot ang nabubuong pagkakaibigan nila. At sa totoo lang wala rin naman siyang balak na iwasan pa si Jayden dahil gusto niyang makilala kung sino talaga ito. Hindi niya na rin gusto na maulit pa ang nangyari sa kanila ni Raymond. Kung mayroon mang aral sa kanya sa lahat ng nangyaring ito, iyon ay ang kilalanin muna ng lubusan ang isang tao nang sa huli ay hindi siya masaktan. Ang pagiging totoo niya sa kanyang damdamin ang siya ring magpapagaan ng kanyang kalooban.

Ang Pilyo Kong Gitarista (Published under PHR) COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon