Winter's POV
Naalimpungatan ako nang may biglang yumuyugyog sa akin. Kingina naman ng taong 'to. Hindi ba siya marunong makiramdam?
Tinaboy ko lamang 'to habang nakapikit pa rin ang aking mga mata subalit sadyang makulit talaga ang taong naninira ng tulog ko kaya sa inis ko ay sinapak ko ito.
"Aray!" Rinig kong hiyaw niya sa sakit.
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata hanggang sa luminaw na ang aking paningin atsaka ako nag-unat muna at pinunasan ang laway na tumulo mula sa aking bibig.
Tinignan niya lamang ako na para bang hindi siya makapaniwala sa ginawa ko. Na para bang hindi ko man siya sinapak.
Gisingin mo na ang lasing at walang kain ngunit wag na wag mong gigisingin ang taong nawalan ng malay dahil sa kaka-aral ng Math subalit wala namang pumapasok sa utak.
"Alam mo, ikawㅡ" naputol ang sasabihin niya nang sumabat ako.
"Ano? Ano ako?"
"Mahal ko." Mabilis niyang sagot na ikina-init ng mga pisngi ko.
Tangina naman ng lalakeng 'to. Ang bilis humarot!
Nakita kong ngumisi siya na para bang isang malaking achievement ang pagba-blush ko.
"Ikaw? Mahal mo na rin ba ako?" Mahangin niyang tanong na sinagot ko naman kaagad ng isa pang tanong.
"Gusto mo nanaman ba ng sapok ko?" Tanong ko sa kaniya na ikinanguso niya. Akala niya ah.
"Kasi naman happy, hanggang ngayon nasa Physics pa rin tayo. Ni hindi man nga natin nakalahati yung mga page-exam niyo eh tapos may Calculus pa tayong pag-aaralan lalo na yung mga binagsak mo." Malungkot nitong sinabi sa akin na para bang siya ang babagsak sa exam.
Tinaasan ko lamang ito ng kilay bago ako sumagot.
"Alam mo kung ako sayo, sukuan mo na lang ako. Ilang beses ko na bang napatunayan sayo na kahit anong gawin mo ay hinding-hindi pa rin ako mamahalin ng Math na 'yan."
"Dahil hindi mo rin sinusubukan na mahalin si Math." Seryosong sagot niya habang nakatingin lamang ng diretso sa akin.
Napa-ayos ako ng upo dahil sa sinabi niya bago ko siya tinanong.
"May pinanghuhugutan ka ba?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya na ikinailing niya na lamang bago niya binuksan ulit ang Physics book ko na sinara ko naman ulit kaya gulat siyang napatingin sa akin. Binuksan niya ulit subalit muli ko nanaman itong isinara hanggang sa naulit pa ang kagaguhang ginagawa namin.
"Ano ba?! Paano ka papasa sa Math kung ganyan ang ugali mo?" Galit nitong sinabi sa akin na ikinalaki ng mga mata ko.
Did he just shout at me? Did he?
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko na para bang hindi pa nagsisink in ang sinabi niya sa akin.
Napahawak na lamang ito sa kaniyang noo na para bang may mabigat itong problemang hindi niya pa alam kung ano ang solusyon.
"You know that I didn't ask you to teach me ." Mahinahon kong sinabi sa kaniya na ikinatingin niya sa akin.
"You can leave." Pagpapatuloy ko habang nakatingin lamang siya sa akin.
Akala ko ay kukulitin niya pa rin ako katulad ng dati at lalambingin ngunit taliwas 'yon sa mga inaasahan ko sa kaniya dahil tumayo lamang ito atsaka naglakad paalis na ikinanga-nga ko.
The fuck? Linayasan nga talaga ako ng hinayupak na 'yon? Kingina niya.
Pagkabukas niya ng pinto ng kwarto ay hindi pa siya kaagad lumabas kaya akala ko nanaman ay isasara niya ito dahil na-realize niya ang kabobohang ginawa niya sa pagsunod sa sinabi ko pero hindi. Nag-expect nanaman ako ng mali dahil tuluy-tuloy siyang naglakad palabas.
BINABASA MO ANG
Math in my Life
HumorWARNING: If you're a Math lover, then this story is not suitable for you. But if you insist to read it, then don't tell me I didn't warn you. "I once had a peaceful life, but everything suddenly changed when I met Math." - Winter Dang it, Math! Don'...