I'M WRONG: PART 2

162 12 14
                                    

PART 2.

"Kalimutan mo na yun. Ang mahalaga natuto tayo sa mga nangyari. Sige alis na ako." sabi ko sa kanya.

Pumunta na ako sa table namin.

Pagkaupo ko doon sa pwesto namin ay agad ko tinignan yung papel na binabasa ko kanina. 

Papel na binigay sa akin ng lalaking nakilala ko sa Park.

*Flashback*

Pagkatapos ng exam namin ay nagpahatid agad ako sa driver ko sa park.

Nagpunta ako sa pinakadulo ng park. Wala kasing gaanong tao doon.

Umupo ako sa damo at sumandal sa may puno.

"Nakakainis naman. Bakit ba sa dinami dami ng lalaki, siya pa yung nagustuhan ko..." sabi ko habang umiiyak.

Wala akong pakialam kung magmukhang baliw  ako dito. 

"Akala ko okay lang na sabihin kay Lyka, but.. *sob* Im wrong. Nagkamali ako. *sob* Dapat pala hindi ko na lang sinabi na crush ko si Jarelle sa kanya. *sob*" - ako

"Hindi mo dapat sinisi ang sarili mo."

Natigilan ako bigla sa pag iyak nang may narinig akong nagsalita.

Ano yun?

May multo ba dito? 

Tumingin ako paligid wala naman tao?

I'm WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon