Chapter 1. <3

948 15 3
                                    

Sabi ko nga, Ako si Regino Santiago Carosa pero mas kilala akong Regina sa mga sisterette ko, 38 Years old na ako at nag ta-trabahong teacher sa isang private school. Nagtataka ba kayo kung bakit Regina? Kasi nga... ALAM NYO NA YUN! Dejk. Gay ako, Oo GAY! As in BAKLA!

Pero hindi ko sinasabi sa kahit kanino, Syempre sa dalawang sisterette ko lang na sina Marco pero tawag namin sa kanya Marga, Lupet diba? Malandi kasi yan eh. Pero syempre mas malandi ako sa kanya. DUH? Wala nang tatalo sa kalandian ko. At yung isa naman si Harold ang tawag naman namin sa kanya Hayley, Oh diba ang taray? Pero syempre pangalan lang ang mataray sa kanya. Mas mataray padin yung pangalan ko, Taas kilay pa yan oh? Nga pala ako ang pinaka-matangkad sa kanila. Height ko 6'10 tangkad ko no? Ganyan talaga ang magaganda, matatangkad. :"> Ang friti friti ko kaya, Oh tama na kabaliwan.

Nandito ako ngayon sa classroom namin, Adviser ako. Baliw tong mga estudyante ko ang iingay, Na-hahaggard ang beauty ko kakasaway sa kanila!

"Pwede bang tumahimik kayo?!" Sinigawan ko sila pero hindi sila nakikinig sakin, YUNG TOTOO? Mga bingi ba to? Pumunta ako sa harapan at sumigw ulit. "Hala! Sige! Lakasan nyo pa!" Bigla nga talaga nilang nilakasan. Napa *face palm* nalang ako. Pag daan ko sa gitna bigla akong nadulas.

"Ouch!!" Ang sakit ng pwet ko ohmygod! My butt! Tumingin ako sa paligid at nakita kong may nagtapon pala ng balat ng saging sa dinaanan ko. Nilapitan ko yung isang estudyante kong mataba na si Teresa. "TERESA! Bakit ka ba nag tapon ng balat ng saging sa dadaanan ko?! Sinasadya mo ba talagang madulas ako?!" Ang sakit padin ng pwet ko huhu.

"Sorry sir, mukha ka kasing basurahan kaya tinapon ko sayo." Bigla silang tumawa lahat, Abaaa! Sinusubukan ako neto ha?! "ANONG SABI MO?!"

"Wala sabi ko bakla ka na nga BINGI KA PA!" Pu*&^&! Pano nya nalaman yon?! Ay hindi dapat ako magpahalatang affected ako. "Ako?! Bakla?! Ipapa-guidance kita!" Hinila ko sya pero nagpupumiglas sya. "Ano ba! Bitawan mo nga ako! Hindi ako sumasama sa mga bakla iw!" Kanina pa nagtatawanan ang mga estudyante ko. Uupakan ko na talaga to e! Hinayaan ko nalang sila at umupo ulit ako sa chair ko.

Nagsalamin ako, SHEMS!? Kumukulubot na ang maganda at makinis kong mukha! Hinawakan ko ulit yung mukha ko, Bako-bako na! :'( Naramdaman kong may nakatingin sakin kaya napatingin ako sa direksyon na yun. Bat nakatingin sakin tong si Ela?! "Bakit ka nakatingin?!" Mataray kong sabi sa kanya" Inirapan nya lang ako, ang taray neto ha! Bunutin ko kilay mo! Grrr. Naiistress talaga ako dito, Sana mag uwian na.

Fast forward...

Nakahiga ako sa kama ko at nag iisip ng pwedeng gawin,

*Isip

*Isip

*Isip

Napatingin ako sa side table ko at nakita ko yung diary ko, TAMA! Magsusulat ako sa diary ko.

Dear Diary,

Sobrang pagod ako ngayong araw, nahahaggard na ko sa pinagtuturuan ko, lagi nalang ako binubully ng mga estudyante ko. Kailangan ko nang mag pa-derma kasi dumadami nanaman ang pimples ko sa sobrang puyat at stress. Hay nako, Gusto ko nang sumuko. Pero push padin, Kaya pa ito ng beauty ko. AJA! FIGHT FIGHT FIGHT!....

Dahil sumakit na yung kamay ko sa kakasulat tinabi ko na ang aking mahiwagang diary tumayo ako at pumunta ako sa kwarto ng kapatid kong babae, buti nalang wala sya dito. Pumunta ako sa drawer nya at kukunin ko yung dress nyang pink. Kukunin ko na sana nang biglang...

"Kuya? Anong ginagawa mo dito? tsaka bakit mo kukunin yang dress kong pink?" Nahuli ako! Waaaaa! Hindi pwede to! Isip dahilan!

"Ah... Eh... Ano, Ah.. Kasi, Pinapakuha ni Mama, Oo ayun. Yun nga." Sabi ko.

"Bakit nya papakuha? Kakalaba lang nyan ha?" Kunot noo nyang tanong,

"Di ko alam sige labas nako." Nagmamadali akong lumabas ng kwarto nya. At pumunta uli ako sa kwarto ko, nilock ko para syempre incase na may ginagawa ako walang makakapasok. H3H3H3. Wag kayong GM iba yung sinasabi ko.

Kinuha ko yung make up kit ko sa ilalim ng kabinet ko, Oo meron akong make up kit. Kakabili ko lang nung nakaraan sa AVON, Wala akong budget pang AVON lang talaga ako. Nagsimula na akong magmake up. After 10 mins. Natapos din, Humarap ako sa salamin at TENEN! Ang ganda ko lalo! My ghad, lalong sumingkit yung mata ko. Kinuha ko yung T-shirt ko at ginupit yung manggas, Kinuha ko naman yung pantalon ko at ginupit ng maikli. Sinuot ko ito at tumingin sa salamin, WOW! Ang sexy ko!

Nagfafashion show ako at nagselfie selfie kaya lang may kumatok kaya napatakbo ako sa kama ko.

"Sino yaan!?" Tanong ko

"Si Elyzza to kuya! Kakain na daw!"

"Oo sige susunod nako!"

Nagmamadali akong magsuot ng damit kong panlalaki at binura ko na yung make up ko. Huhu kaiyak, pinaghirapan ko paman din yan. Pagtapos kong burahin bumaba nako para kumain.

Habang kumakain kami nagsalita si Elyzza

"Kuya ano yang nasa mata mo? Kulay black? Parang lumagpas na mascara" HALA! MERON?! LAGOT!

"Ha? Wala naman eh. Wala yan, wag mo na intindihin kumain ka nalang."

Pagtapos ko kumain naghugas ako ng plato at umakyat sa kwarto ko. Tinawagan ko yung mga sisterette ko. Pagsagot nila kwinentuhan ko sila ng mga nangyari sakin at tawa sila ng tawa, nung sila naman nagkwento tawa naman ako ng tawa yung pang malanding tawa mga ganon, Habang tumatawa ako may kumatok.

Letse kelan ba mawawalan ng epal sa buhay ko!? Baka nakakahalata na sila ah,

"Kuya paheram ako laptop."

Shet si Elyzza nanaman? Baka nakakahalata na talaga tong kapatid ko, Im so nervous! Kinuha ko yung laptop ko at binigay sa kanya, At dahil nga pagod ako nag beauty rest nako...

DIARY NG BAKLA (DNB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon