CHAPTER 2 <3

637 17 5
                                    

Hay, Eto na naman papasok na naman ako sa school para turuan ang mga hayop kong estudyante. -_-" 

Grabe ang mga batang iyon parang nakawala sa zoo but anyway highway di ko muna sila iisipin today dahil kailangan kong tulungan ang co-teacher kong si Margie Mindanao 

Guys kung iniisip nyong inaasar ko si Margie HINDI.

Mindanao talaga ang apelyedo nya kaya hindi nyo ako masisisi

So ganun na nga kanina pa ako nakatayo sa harapan ng harap ng classroom kasi naman tong mga students ko may nambubully na naman. Mga gago talaga.

Sa totoo lang kanina pa ako nagtitimpi sa mga batang ito, lagi na lang akong hinahighblood kaya lagi na lang nasisira ang poise ko. 

Sina Jhana, John, Ivan, Andrei at Jeremy ang mga pinagalitan ko ngayong araw kasi naman pinaiyak nila si Borris inaasar na labas ang brief,mabaho at kinakantahan ng "May bukas pa." Pero totoo naman talagang mabaho si Borris.

Tapos meron pa akong isang estudyanteng tawa ng tawa si... sino ba yun Kyla? Kyle? Kylie? Kyrie? Ah oo Kyrie! Punyeta naman kasing pangalan na yan napa-kaarte, kung makatawa naman wagas wagasan. Ibitin ko kaya to patiwarek?

Kung pwede lang sanang tumawag ng doktor sa mental, Sana matagal ko na silang ipinadala don. Mga hayop na bata. -_-

"Bea bakit ka tumatawa?" Seryosong tanong ko sa kanya. Abnormal talaga tong gagitang to.

"Sir kasi po, HAHAHAHA! Wala lang po sir, HAHAHAHA!" Sagot niya sa akin. 

"Anong wala lang? Imposibleng tumawa ang isang tao ng walang dahilan. Ano ka baliw?" Sabi ko sa kanya. 

Bakit? Totoo naman diba? Pag tumawa ka ng walang dahilan edi baliw ka na.

Lumabas muna ako ng room namin pupuntahan ko muna si Ma'am Mindanao titignan ko lang kung ready na sya sa demo for this day. 

About nga pala kay Mrs. Mindanao may demo sya ngayong tuesday at mga estudyante ko pa ang tuturuan alam naman nyang walang utak ang mga yon. Isang gagita rin yung panget na yun. 

And finally andito na ako sa room nya grabe kinakabahan talaga ako sa kanya dahil maraming bisitang pupunta ngayong araw kaya kailangan ko ng beauty today bawal ang haggard baka kasi maraming poging boys teacher ang dumating tapos makikita nila akong PANGET? No way. Teka? Kelan ba ko pumangit? Dyosa ako diba? 

"Ready na ba ang mga estudyante mo Sir?" Sabi ni Margie. Patalsikin kita papuntang Mindanao eh.

"Opo ma'am ready na po sila." Sagot ko sa tanong nya. Hindi ko pinahalatang naiinis ako sa halip ay nginitian ko siya ng isang plastik na ngiti.

"Matanong nga kita sinaway mo na naman ba ang mga estudyante mo?" Tanong nya ulit sa akin. Chismosa talaga tong badjao na ito.

"As usual." Sabi ko ng may halong piyok.

"Ano na naman ba ang ginawa nila?" Tanong niya nanaman sakin. Usisain daw ba ko? Mind your own business impakta!

"Hayaan na natin iyon, pag naaalala ko yon ma'am lalong sumasakit ulo ko kaya wag na nating pag usapan." Pagdadahilan ko sa kanya

"Sige sir, pupunta muna ako sa conference room." Paalam niya sakin, hays buti nalang lumayas na ang chismosang impakta. 

Bumalik na ulit ako sa room pagsasabihan ko sila na bumaba na rin ng masimulan na ang practice.

"TANG INA MO KA ITIM!" 

Anak ng itim, Ano na naman ba yun? -_-

Agad agad akong pumasok ng room. Tumayo ako sa harap at pumameywang.

"SINO YUNG NAGMURA?!" Sigaw ko sa kanila.

Sabay-sabay silang nagsibalikan sa upuan nila at nanahimik

"Sir si ano po..." Hindi natapos ni Benedict ang sasabihin nya.

"SINO?!" Sigaw ko ulit sa kanila.

"Sir si James" Sabi ni Karlos habang tinuturo nya si James.

"James ikaw ba ang nagmura?" Sabi ko sakanya 

"Eh sir binibro ko lang naman ehh!" Sabi niya habang nakatingin sa sahig.

Mag sasalita palang sana ako nang biglang dumating si Margie impakta.

Sabay sabay na nagsitayuan ang mga bata kumuha ng gamit at lumabas.

Naiwan akong mag-isa sa room, Syempre anong gagwin ko dito? Tatayo lang? Duh, no way! Pupuntahan ko ang mga sisterette ko.  

Pumunta ako sa 3rd floor para makipag chikahan. 

"Marga, grabe ayoko ng turuan ang mga estudyante ko." Sabi ko habang nakalagay ang kamay ko sa noo ko. 

"Talaga gurl bakit naman?" Tanong ni Marga sa akin.

Actually nasa Computer Lab. kami, kaya walang nakakaalam ng tawagan namin kung hindi kaming tatlo lang.

"Kasi naman grabe sila, mga nambubully tapos ang lakas mag mura. Mapababae o mapalalaki. Nasa private school pa naman kung maka-asta daig pa ang squatter."

"Ganyan talaga ang kabataan ngayon sis! Parang mga hindi tinuruan ng mga magulang nila ng good manners." Sabi naman ni Hayley.

Grabe talaga ang ugali ng mga kabataan ngayon.

"Hay nako mga sis! Wag na nating intindihin yang mga pasaway na estudyante natin dahil masisira lang ang beauty natin." Sabi ni Marga.

"Sige mga sis. Lalabas na ako may demo pa ang mga estudyante ko. Alam mo naman may mga poging bisita dun. Hihi." Pagpapaalam ko sa kanila.

"Mag-ingat ka Regina ha? Bigyan mo rin kami ng fafa. Sayang di ako makakasama dahil may klase pa ako. " Sabi ni Marga sabay tumawa. 

"Bye gurls love yah! mwah!"

Bumaba na ako sa 3rd floor pumunta sa conference room.

Tumingin tingin ako sa mga bisitang dumating, at disappointed ako.dahil wala akong nakitang fafa. </3 Uuwi nalang ako. Wala naman akong mapapala dito, Sayang pa pagpapaganda ko. Pumunta na ako kay Margie.

"Ma'am, uuwi na ako. Ikaw na ang bahala sa kanila." Paalam ko kay Mindanao.

Umakyat ulit ako sa room at kinuha ang maganda kong bag, pinuntahan ko sila Hayley at Marga sa baba.

"Guys andito na ako." Boses lalaki kong sabi sa kanila.

"Uwi na tayo." Sabi ni Hayley na boses lalaki rin.

Sabay-sabay kaming sumakay sa kotse ko. rich kasi ako (kahit hindi).

Hinatid ko muna sina Marga at Hayley sa bahay nila. Pagkahatid ko sa kanila ay umuwi na rin ako. Pag kauwi ko ay nahiga agad ako sa sofa.

"What a stressful day. Maka-pag beauty rest nga muna." 

Ipinikit ko na ang aking mga matang nagagandahan, Hanggang sa makatulog ako..

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

DIARY NG BAKLA (DNB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon