02

8 0 0
                                    

Hinintay muna ni Glisshia na mabuksan ang gate  ng kanilang bahay.Binubuksan ito ng kanilang guards. Bumaba siya sa kotse at nagtungo na sa pinto ng kanilang mansiyon. 

Sumalubong sa kanya ang nakakababatang kapatid na si Charmiela, halata ang pag-aalala sa mukha nito. Agad naman niya itong niyakap at ngnitian.

“Ate..salamat naman nakauwi ka na..I'm so worried, kanina ka pa kasi hinahanap ni Daddy..nalaman kasi nila na nakipagbreak ka kay kuya Vince, umatras ang Arreliano Group sa business proposal ni dad”Nag-aalalang sabi sa kanya ni Charmiela.

Sabi na nga ba magsusumbong ang walang hiyang Vince na yun sa mga magulang niya!

Hinawakan niya ang balikat ng kapatid.Sabay silang nagtungo sa sala ng bahay.Sumalubong agad sa kanya ang galit na galit na mukha ni Mr.Henderson ang may-ari ng pinapakamalaking business sa buong pilipinas. At hindi nito hahayaang malugi o bumagsak ang negosyo at kompanya ng mga Henderson.

Napayuko siya ng makita ang ina na may pag-aalala din sa mukha.

“Ano na naman bang kalokohang ginawa mo! Glisshia?!”Sigaw sa kanya ng ama.

Halos hindi siya makatingin sa ama niya dahil sa kaba,Istrikto kasi ang ama niya pagdating sa kompanya.

“Dad,hindi ko naman sinasadya..saka it's not my fault..kung sana may oras siya sakin,sana hindi ako naghanap ng iba”Paliwanag ni Glisshia sa ama niya.

Umigting ang panga ng daddy niya sa sagot.“At ngayon natututo ka nang sumagot-sagot sakin?! Anong klaseng anak ka?!”.

Hindi napigilan ni Glisshia ang pangingilid ng luha niya.Yumakap sa kanya si Charmie para sabihing nandito lang ito sa tabi niya.

“Pakipagbalikan ka kay Vince Arreliano!Baka mag bago ang isip nila”.sabi sa kanya ng ama. Akmang aalis na ang ama nito ng bigla siyang nagsalita.

Humihikbi siyang humaral sa ama“Lagi niyo nalang bang gagawin to? Lagi niyo nalang bang kaming didiktahang magkakapatid?Una si ate Reemy..pinakasal niyo siya sa taong hindi naman siya mahal..para lang hindi bumagsak ang kompanya natin.. tapos ngayon ako naman?! At sino ang susunod?! Itong si Charm---”.

Pak!

Lumapat ang isang palad ng ama sa pisnge niya. Napakurap siya hindi niya malaman kung ano ang masakit. Kung yung bang inuutusan siya ng amang pakipagbalikan o ang malakas na sampal sa kanya ng ama.

“Akala niyo ba ginagawa koto para sa sarili ko lang?! Ginagawa ko ito dahil may pangarap ako sa inyong mag-kakapatid!Hindi mo mabibili lahat ng luho mo kapag hindi ko ginawa to!”sumbat sa kanya ng ama.

Parang water falls naman ang mata niya dahil walang tigil sa pagtulo ng luha niya.

“Dad, wala naman akong pakialam sa mga gamit at karangyaang tinatamasa ko ngayon..gusto ko lang namang pakinggan niyo din kami, kung gusto ba namin to! Alam niyo bang hindi masaya si ate Reemy ngayon dahil hindi siya mahal ng asawa niya...Ni minsan ba kinamusta mo kaming magkakapatid kung okay lang kami?”Pinunasan niya ang mga luha at tinignan ng deretso ang ama.

“Hindi ako magiging katulad ni ate Reemy na napasunod niyo!hinding-hindi na ako makikinig sayo!”Taas noong sabi niya bago tumalikod sa ama.

“Glisshia! Hindi pa kita tapos kausapin!”tawag nito sa kanya.

Patakbo siyang pumunta sa kwarto niya. Nakasunod naman sa kanya ang nakababatang kapatid at ang ina nito.

“Anak, pagpasesyahan mo na ang Daddy mo..”mahinahong sabi sa kanya ng ina.

Tumingin siya dito habang tumutulo parin ang kanyang luha“Mom, hanggang kailan ko paba pagpapasensyahan si Dad? Ayoko na po hindi ako tutulad kay ate na naging meserable ang buhay dahil sinunod niya si Dad ”.

Yumakap naman sa kanya ang kapatid“Ate..wag ka nang umiyak,Mommy and I are always here for you”ngumiti ang kapatid at hinigpitan ang yakap niya“Saka hindi rin naman ako tutulad kay ate Reemy na nagtitiis kay kuya Woshi”sabi sa kanya ng kapatid.

Ngumiti rin siya dito“Thank's Charmie,salamat din Mom..dahil lagi kayong nandito para sakin”.

“Glisshia, anak kita kaya dapat nandito ako lagi sa tabi mo..sa tabi niyong mag-kakapatid”Nginitian siya nito at hinalikan siya sa noo.

Nagpapasalamat siya dahil kahit wala siyang maarugang ama meron naman siyang mga kapatid na maalalahanin at ina na mapagmahal.

“Matulog na kayong mag-kapatid, gabi na...at ikaw naman Glisshia tigilan mo na ang paginom masama yan sa katawan...mahal ko kayong dalawa pati narin ang ate niyo”Yumakap muna sa kanya ang ina at kapatid bago lumabas ng kwarto niya.

Dumapa siya pahiga sa kama at pinandiyak ang mga paa. Iniisip niya kung paano niya maso- solve ang problema.

Huminga siya ng malalim nang may narinig niya na nagring ang cellphone niya. Tinatamad man pero kinuha niya pa din kahit pagod siya at medyo nahihilo narin.

“Hello?”Sagot niya sa cellphone niya. Ngunit ilang segundo ang nakalipas wala paring sumasagot sa kabilang linya.

Tinignan niya kung sino ang tumawag dahil hindi niya nakita kanina.Walang pangalan,number lang sino kaya to?

“hello....?”Ulit niya. Ngunit wala paring sumasagot sa kabila“Sino ba ito? Kung nang-gagag* kalang pwedi ba, wag ako! ”Singhal niya. Ibababa na sana niya nang may pamilyar na boses ang narinig.

“Hi, Glisshia”Isang baretong boses ang narinig niya sa kabilang linya.Narinig niya na ang boses nayun. Pero hindi niya malaman kung saan.

Itinapan niyang muli ang cellphone sa tenga at pinakinggan ang boses.Pinakiramdaman niya kung magsasalita pa ang nasa linya. At hindi nga siya nabigo..

“Glisshia?”Anang boses. Hindi niya talaga alam kung saan niya narinig ang boses na to.

“Amhhh..who's this?”Tanong niya. Narinig niyang mahinang tumawa ang nasa kabilang linya.

“So,hindi mo na pala ako kilala..nakakasad naman”Animoy parang malungkot na boses.

Huminga siya ng malalim“Sino nga to?!”inis na ulit niya.

“Chill..ako to, si Proid..”Tumawa niyang sabi sa dalaga, Nabigla naman si Glisshia ng malaman kung sino talaga ang nasa kabilang linya. Kaya pala pamilyar ang boses niya.

“Sorry..hindi agad kita nakilala”Paumanhin niya kay Proid.

“Hindi mo ba naalala na binigay mo sakin lanina ang calling card mo?but it's okay..naalala mo naman ako”Sabi nito sa kanya. Kapag ito ang kausap niya parang may kakaiba siyang nararamdaman.

Nagkwentuhan lang sila tungkol sa maraming bagay hanggang sa inantok silang dalawa. Kinaumagahan, pumunta si Glisshia sa bahay ng ate Reemy niya para dumalaw. Ilang araw na kasi niyang hindi nakikita ito. Ngayon lang ang libreng araw niya dahil day-off ngayon ng mga empleyado niya sa Bff’s Cafe' mag-isa niya lang itong pinapatakbo dahil narin malayo ang ate niya at bata pa si Charmie.

Buti pa si Glisshia may Cafe' baka pwedi ka namang manlibre d'yan. Baka lang naman wahahah.

—————

Vote na mga gurl, Just click the ⭐ and you see the magic.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

It's You (Henderson's Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon