Oras. [Maikiling Kwento/ One-shot/Short Story]

71 1 0
                                    

Ilang buwan na rin nang nangyari ang aksidente. “Ma! Aalis na ako. Pupuntahan ko lang siya,” pamamaalam ni Xylene habang may dalang bulaklak sa kanyang kamay. “Oh, sige anak. Mag-ingat ka. Siguradong masaya ‘yon sapagkat dala mo ang paborito niyang bulaklak,” sabay paalam nang mag-ina sa isa’t isa.

          “Xylene!” sabi ng bespren niyang si Cyril. “Oh bakit?” sagot naman ng ni Xylene. “Ang sungit mo naman makasagot Xyn. Kay aga-aga. Halika na nga, baka mahuli pa tayo sa klase.” nakakatawang sabi ni Cyril habang inaakbayan niya ang bespren niya.

Sila sina Xylene at Cyril o mas komportable sa tawagan nilang Xyn at Cyl. Highschool pa lang sila ay magkakilala na sila. Nag-umpisa sa mga sungitan pero nauwi rin sila sa pagiging bespren. Nakakaaliw diba? Silang dalawa lang ang pwedeng makakatawag sa isa’t isa na Xyn at Cyl. Para silang stick na gli-nugan na ang hirap ipaghiwalay sa isa’t isa. Nandiyan sila para sa isa’t isa. Sa mga problema sa pamilya, paaralan at kung ano pa ang pwede mong maisip. Para silang sina Peterpan at Tinkerbell.

“Oy Xyn, pakopya naman sa takdang-aralin natin sa Math. Ang hirap naman intidihin no’n. Parang pangalan mo, may “x x x x” ang hirap.” Ani ni Cyril. “Kahit kailan ka talaga Cyril Muriano. Paano ka naman matututo e ang ginagawa mo lang sa klase natin ay matulog o kaya mag-isip ng kung ano-ano. Di ko talaga alam kung bakit naging bespren kita.” Pabirong sabi ni Xylene. “Ang brutal non Xyn ah. Pero alam ko namang mahal mo ako bespren e,” sabi ni Cyril na may halong kindat pa. “Umayos ka nga diyan Cyril. O, eto na ang hinihingi mo,” sabay bigay ni Xylene sa kanyang notbuk. “Salamat Xyn! I love you!” ani ni Cyril na may halong kasiyahan.  

Nang nagtapos ang klase nila ay pumunta sila sa palagi nilang pinupuntahan, sa library. Ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit nagkakasundo sila, ang pagbabasa ng libro. “Xyn, tapos ka na bang magbasa nung Divergent?” tanong ni Cyril. “Oo, bakit? Eh yung binabasa mong libro, tapos na ba?” pabalik na tanong ni Xyn. “Ngayon ko tatapusin, malapit na rin naman ako sa hulihan e.” sagot ni Cyril habang tumatango naman si Xylene bilang pagsagot.

Lumipas ang ilang minuto ay nagtaka na lang si Xylene na may narinig siyang mihihinang hikbi sa kanyang harapan. Paglingon niya sa harap, ay nakita niya si Cyril na humihikbi habang nagbabasa ng The Fault in Our Stars. “Pff- HAHAHA!” sabay tawa ni Xylene pero agad tinakpan ang bibig sa pagkakaala na nasa pampublikong silid-aklatan pala sila. “Anong.. nang*hik*yari*hik*sayo.. Xy *hik* lene?” paputol-putol na tanong ni Cyril sa tumatawa niyang bespren. “E kasi naman ang mukha mo- pfft- grabe ka pala umiyak Cyl! Para kang babae kung humikbi!” nang nasabi ito ni Xylene, dali-daling pinunasan ni Cyril ang kaunting luha niya at binigyan ng tingin si Xylene. “E kasi naman sino bang hindi makakaiyak nito! Tumahimik ka nga dyan at tapusin mo ang ginagawa mo.” Pabirong sagot ni Cyril. “Oo na, oo na.” Nang lumipas ang ilang minuto ay nabigla si Xylene dahil kinabit siya bigla ni Cyril. “ O, bakit?” tanong ni Xylene. “Uhm, ano kasi.. uhm Xyn--..” “Ayusin mo nga ang pananalita mo Cyril.” Sabi ni Xylene. “ E kasi naman, ano, manood tayo nang movie nito ah?” At dahil sa sinabi ni Cyril ay tuluyang pinalabas na sila ng librarian dahil sa tawa ni Xylene.

Kinabukasan, walang klase kaya’t ang dalawa ay nanatili na rin muna sa kani-kanilang bahay para na ri’t makasalo ang kani-kanilang pamilya. Ngunit, sa halip na masaya ang araw ni Cyril ay nauwi ito sa pagtawag niya kay Xylene para pumunta sa silid-aklatan. “Xyn..” ani ni Cyril sa telepono. “O bakit?” alalang tanong ni Xylene sapagkat ay tila bang umiba ang boses ni Cyril at halatang may pinagdadaanan. “Pwede bang magkita tayo sa silid-aklatan? Wag ka nang magtanong kung bakit dahil doon ko na sasabihin ang lahat.” sabi ni Cyril. “Ah, oo naman, sige. Magkita na lang tayo roon.” Kabadong sagot ni Xylene.

          Nang dumating si Xylene sa siklid-aklatan ay agad niyang hinanap ang kanyang bespren sapagkat di niya ito makita sa mga upuan. Nakita niya itong nakaupo sa sahig sa likod ng mga lagayan ng libro na nakakamao. Nang nagtagpo ang kanilang mga mata, ay agad naramdaman ni Xylene ang kakaibang aura ni Cyril. “Anong problema mo Cyl?” tanong ni Xylene habang umuupo sa sahig. “Sina mama at papa..” sagot nito habang may halong lungkot at galit sa kanyang mata at tono ng boses. “Bakit? Anong nangyari?” Sa hula ni Xylene, ay baka nag-away ang mga magulang ni Cyril sapagkat palagi na lang ganito pero nagkakabati pa rin  naman sila sa huli. Pero parang iba na ngayon dahil sa ibang-ibang reaksyon ni Cyril. “Palagi na lang ganito. Away nang away!” mabuti na lang at nasa labas ang librarian at hindi niya maririnig ang mga hiyaw ni Cyril at sila lang dalawa ngayon sapagkat malapit na rin ang gabi. “Cyl, huminahon ka.” Ani ni Xylene. “Sabihin mo nga sa akin Xylene kung paano ako hihinahon?! Pagod na pagod na ako nito. Mas mabuting maghiwalay na lang sila kesa palagi naming maririnig ang away nila kapag umuwi kami galing paaralan!” di makapaniwala si Xylene. Ang isang masiyahin at mapagbiro na kanyang bespren ay umiiyak ngayon at may galit sa boses. At isa pa, di Xyn ang tawag niya kundi Xylene. “C-cy..” takot na tanong ni Xylene. Kahit gusto niyang ipapahinahon ang kanyang bespren, ay di niya alam kung paano dahil na rin sa takot. “Paano Xylene?! Ano?!”  galit na sabi ni Cyril habang hinahawakan ang balikat ni Xylene at inalog  ito. “ANO BA CYRIL! Bitawan mo nga ako! Akala ko ba pumunta tayo rito para tulungan kita?! Pero bakit ang nangyayari ay binuhos ang lahat mong galit sa akin?! Okay lang naman sana sa akin kung gusto mong magsigawan ka riyan pero huwag mo naman idaan sa pagkapikon sa akin! Nandito ako para tulungan ka! Hindi para pagsigawan mo nang pagsigawan!” Nagising si Cyril sa kanyang ginawa. “X-xyn.. sorry..” ngunit huli na si Cyril. Umaakmang paalis na si Xylene palabas habang nakatakbo. “Xyn!” mabilis na sinundan ni Cyril si Xylene.

Dahil na rin sa halo-halong damdamin habang tumatakbo ay hindi na namalayan ni Xylene na may paparating na malaking sasakyan na mabilis ang takbo. “XYN!” Si Cyril naman ay nagpatuloy para sagipin si Xyn. Binilisan niya ang takbo niya at tinulak niya si Xylene sa kabilang daan. Naramdaman na lang ni Xylene ang dugo sa kanyang ulo pagkatapos siyang itinulak ng isang taong di niya pa nakikita ang mukha at nakarinig na lang siya ng malakas na preno ng isang sasakyan. Nang tiningnan niya kung saan iyon nanggaling, nakita niya ang bespren niyang nakadapa sa daan na may dugong nakabalot sa katawan, ang bespren niyang sumagip sa kanya. “C-cyl! Cyl! CYRIL!” hinay-hinay siyang tumakbo papunta sa bespren niyang walang malay at hindi na inintindi ang sakit na nararamdaman niya. Sa mga oras na ito ang importante ay kanyang bespren. “Tulong! Tumawag kayo ng ambulansya! Bilis! Cyl, kumapit ka, parang awa mo na. Huwag mo akong iwan. Sorry na..” Ilang minuto ay dumating na rin ang ambulansya. “Cyl.. nandito na ang ambulansya, kumapit ka pa nang konti.” Sabi ni Xylene habang hawak-hawak ang kamay ng bespren niya. “Miss, may sugat po kayo sa ulo. Pabayaan  mo na po ang staffs para sa kasama niyo. Dapat pong maayos ang sugat niyo.” Kahit ayaw man ni Xylene ay napilitan siyang sumama sa babaeng nagsabi sa kanya no’n.

“Saan na ang kaibigan ko? Saan na si Cyl?” tanong ni Xylene pagkatapos na pagkatapos gamutin ang mga sugat niya. “Ano po miss.. yung kasama niyo..” sabi ng nurse na may pagdadalawang-isip. “Bakit? Anong nangyari?Sabihin niyo naman sa akin o.” pamimilit ni Xylene. “Eh kasi po, yung kasama niyo, dead on arrival na pagdating sa hospital.” Sabi ng nurse na may halong lungkot sa boses. “A-ano? Wala na ang bespren ko? Hindi.. Hindi to maari.. Cyl..” sabi ni Xylene habang umiiyak..

“Hi Cyl.. Ilang buwan na rin pala ang lumipas no? Napatawad mo na ba ako? Alam mo, miss na miss na talaga kita. Wala na akong kasamang pumunta sa library.  Cyl, alam mo, sising-sisi ako. Sana kung inintindi na lang kita nang oras na iyon, hindi sana ito nangyari. Sana, masaya ka. Pangako, tutuparin ko ang mga pangako nating naudlot. Sina mama at papa mo pala, okay na. Hahaha, bakit ko ba ito sinasabi sa’yo? Alam ko namang natutunghayan mo ang lahat ng nangyayari ngayon. Alam mo sigurong umiiyak ako diba? Dala ko nga pala ang paborito mong bulaklak. Ang bakla mo Cyl. Hahahaha. Joke lang. Namimiss ko na kasi ang mga asaran natin. Ano ba ‘to, ang lakas ng hangin, napupuwing ako.” Sabi ni Xylene habang pinupunasan ang mga tumutulong luha sa kanyang mata upang pigilan ito. “Alam mo namang mahal kita bespren diba? Aalis muna ako. May klase pa pang-gabi eh. Bantayan mo ako ah kahit na ang laki ng kasalanan ko sa’yo. Hahaha. Sige bespren, bibisitahin uli kita kung may oras ako. I love you Cyl. Kung sana nga lang, maibabalik ko ang oras.” Ito ang mga huling salita ni Xylene bago siya umalis sa puntod ng kanyang nawalang bespren.

Oras.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon