BHMSKHEN
______________________
A/N:
Hey! Sa wakas makakapag update narin ako! .
POV -- Renma
Paglabas ko ng kuwarto nila ay agad akong pumunta sa banyo. Pagpasok ko ay mabilis akong nagtungo sa lababo at naghilamos, pagkatapos tumingin ako sa salamin, huminga ng malalim, at nakipagtitigan sa sarili.
Habang ginagawa ko 'yon ay tila ba nawala ako sa sarili, unti-unti na namang bumabalik ang nakaraan sa aking isipan at tila nakikita ko ang mga pangyayaring iyon sa salaming kaharap ko. . .
- FLASHBACK -
11 years ago...
BAKLANG NARRATOR:
Kasalukuyang natutulog pa ang bruha----este si Renma, feeling nya kasi siya si Sleeping Beauty.. .. naghihintay sa kanyang prince charming upang gisingin sa pamamagitan ng isang halik sa labi..?...
Tsk! PELENGERA TALAGA!!!.......
Ay! teka , nakalimutan jukeme ...
Hinihintay ko siyang gumising para makapag narrate na'ko...Gusto niyong malaman kung anung oras siya gumigising?
Aba Malay ko!
shudi ko alam.! malay ko ba sa kanya! . Echos!.
POV -- Renma
Nakita ko ang sarili ko na nakahiga sa isang...
.
.
.
.
.
kabaong !?? HALA!
.
.
.
.
nakapikit ang mga mata ko at nakasuot ako ng isang ....
.
.
.
.
MY. GOSHHH!!!!!!....
.
.
.
.
.
.
.
Ang ganda!!
para akong isang prinsesa !!!
Napaisip tuloy ako na siguro darating ang prinsepe ko at ililigtas ako mula sa aking kamatayan. . . . . chuss!!
Hindi ko inakalang magkakatotoo ito!!! ... ito na ang pinakahihintay kong pagkakataon ..... ang matagpuan ang aking Prince charming!! True love! at ang pinaka inaasam-asam kong ...
' Happy Ending' ehhhhh!!!!!
Ilang minuto akong naghintay , ngunit kahit isang imahe man lang ng prinsepe ay wala akong nakita. . . .. .
ilang sandali ay nakarinig ako ng mga yabag ng paa . . . . .
nae-excite na akoooo!! baka nandito na siya!!!.
.
.
.
.
.
.
.
.
TEKA!????
.
.
.
.
.
.
.
Bakit parang marami sila??? Ganoon naba talaga ako ka ganda upang pagkaguluhan ng maraming prinsepe??!
ang haba talaga ng hair ko!!!..
Naramdaman ko na parang binubuhat nila ang kabaong ko.
Nakarating kami sa isang liblib na sulok ng kagubatan , hindi naman ito masyadong madilim dahil umaga pa naman .
Huminto sila at dahan-dahan nilang ibinaba ang kabaong ko sa LUPA. . . . . . . .
iyon ang pag-aakala ko. .
dahil napansin kong tumatagilid ang kabaong ko at parang hinuhulog na nila ako sa isang napakalalim na bangin, noong naramdaman ko na ang paglapat ng kabaung ko sa lupa ay nakaramdam na ako ng takot at pabilis na ng pabilis ang tibok ng puso ko at mas lalo pa itong bumilis at lumakas nang sinimulan na nila aKong ilibing!!!!
TEKA !! !! HINDI ITO ANG INAASAHAN KO!!!
TULONG!!!!
SAKLOLO!!!
HUWAG NINYO AKONG ILIBING NG BUHAYY!!!!
Nagsimula ng dumilim ang paligid na halos wala na akong makita . . . . tanging hagulgol ko lang ang maririnig sa loob .
Naramdaman ko na may parang isang mabigat na bagay na gumagalaw sa paanan ko.
Sa mga oras na iyon, marami nang pumapasok sa isipan ko na mga nakakatakot na bagay na maaring nasa paanan ko, baka isa itong ahas. Ahhhhh! Huwag naman sana.
Sinubukan kong kumalma at hindi ako gumalaw,pinapakiramdaman ko kung ano man itong bagay na ito.
Mga ilang segundo ang nakalilipas ay biglang lumiwanag sa loob ng kabaong. Hindi ko alam kung saan nanggaling ang liwanag na iyon, pero imbis na 'yon ang intindihin ko ay ibinaling ko ang aking atensiyon sa bagay na kanina pa gumagalaw sa may paanan ko.
At dahil doon bumulagta sa akin ang isang. . . . .
NAKAKATAKOT NA TIYANAK ! ! ! !
Wala akong ibang ginawa kundi sumigaw ng sumigaw. Hindi ko siya magawang itulak Baka kagatin pa ako. Pero gumagapang na siya ! Ano bang gagawin ko!?
Ito na ang katatapusan ko, Wala ng happy ending na magaganap! Lord patawarin mo ako sa mga kasalanan ko,Please! Paalam na sa Mundo!
Pinikit ko ang mga mata ko upang hindi ko masaksihan kung paano niya ako papatayin . . .
---
' Tuk-tu-ga-uk! ! ! ! !'
( Oo alam ko nakakatawa,pagpasensiyahan niyo na... manok yan!)
Dahil sa ingay nagising ako ng biglaan.
" Aaaaaahh!!! "
Bumangon ako agad at Dahil sa pagkabigla ay naihagis ko ang manok na kanina pa pala nakapatung sa dibdib ko.
" Ay! Naku naku naku!"
Nilapitan ko ang manok at kinuha
"pasensiya na manok..." hinaplos ko Ito ng marahan "ikaw kasi,ba't kaba pumatong akala ko tuloy tyanak ka"
Lumabas ako ng bahay at ibinalik ang manok sa kanyang tirahan"Pano ka napunta sa kwarto ko?" pabulong na tanong ko sa manok, mahirap na, baka mapagkamalan akong baliw ng mga kapitbahay. Wala kasi akong magawa kundi tanungin ang manok kahit hindi nakakaintindi.
Pumasok na ako sa loob at iniligpit ang pinagtulugan,pagkatapos ay nagsaing na at naligo para pumasok sa trabaho.
Bago ako pumasok sa banyo ay napaisip ako
"Buti nalang at panaginip lang iyon, Naku! Akala ko wala ng happy ending!"
BINABASA MO ANG
BABALA: HUWAG MAGTIWALA SA KATAGANG 'HAPPY ENDING' NAKAKAMATAY
Teen FictionAno kaya ang mararamdaman mo kapag nawala ang pinakamamahal mong tao?. Hahanapin mo parin ba ang happy ending mo?