Salifa's POV
Luhaan akong sumunod sa iniutos ng asawa ko bago niya ako sinaktan at sinuntok sa aking sikmura. Hindi man ako makahinga at makalakad nang maayos ay sinunod ko na lang siya para hindi siya magalit sa akin nang tuluyan. Sa araw-araw na pamumuhay ko kasama siya, sa loob ng tatlong taon, ganito palagi ang eksena sa bahay namin.
Ang bahay na pinangarap naming inakala kong bubuuan namin ng isang masayang pamilya... pero nagkamali ako. Lahat ng pangarap ko, ay unti-unting naglaho.
"HOY! Bakit ba ang tagal mo nanaman diyan? Ano nanaman ang dina-drama mo?" singhal sa akin ni Pyrone, ang asawa ko. "Lintek na!" Padabog niya akong nilapitan at hinawakan ang balikat ko kung saan ako napaso kanina. "ANG SABI KO, MAGLUTO KA NA! NAPAKABAGAL MO!" sigaw niya sa akin kaya mas lalo akong umiyak.
"Hon, hayaan mo na kasi 'yang alila niyo. Marunong naman sigurong makaintindi 'yan si Salifa ng wikang Filipino. Summa Cum Laude nga 'yan noong college pa kayo, e." Narinig ko nanaman ang kabit niya. Saan ba siya nakakahugot ng lakas ng loob na sabihin sa akin 'yan?
"Sige na nga, Hon. Pero baka gutom ka na," malambing na pagsusuyo ng asawa ko sa kaniya. Ngayon alam ko. Alam ko na kung saan siya nakakahugot ng lakas.
Asawa ko. Mamahalin kita hangga't sa aking makakaya. Paninindigan ko ang sinabi mong 'Mamahalin kita hanggang sa huli, asawa ko.'
Ipinagluto ko sila ng paboritong ulam ni Pyrone. Sinigang na baboy lang ito pero alam kong masasarapan siya.
"Ano ba 'yan! Hindi naman masarap!" maarteng wika ng kabit ni Pyrone kaya bigla akong tiningnan ng asawa ko.
"NARINIG MO BA 'YON? BAKIT HINDI MASARAP ANG GINAWA MO? PAANO NA LANG KUNG MALASON SIYA?" singhal ulit sa akin ng asawa ko. Hinawakan niya ang buhok ko at pinaharap sa mukha niya.
Ang mukha niyang dati ay maamo, na ngayon ay naging demonyo. Asawa ko, ano ba ang nangyari sa ating dalawa?
"M-masakit, masakit, asawa k-ko," pautal-utal kong sabi habang kinokontrol ko ang malakas niyang kamay.
Marahas niya akong ibinaba kasama niya. Ibinaba niya ako sa bodega namin at doon ay nilagyan niya ulit ng kadena ang kamay at paa ko. Inilagay niya ako sa gilid kung saan walang pintuan, walang bintana, walang ilaw at kung saan ay walang makaririnig kapag ako ay sumigaw.
"N-nasasaktan a-ako," maluha-luha kong pagmamakaawa sa kaniya. Tiningnan ko ang kanang kamay niya kung saan dapat nakasuot ang singsing namin, tanda na akin siya, at ako sa kaniya. Pero wala. Walang singsing. Marahil itinapon na niya.
"You know where you belong. ASAWA LANG KITA SA PAPEL..." sabi niya sa akin at tiningnan ako nang seryoso, "...PERO HINDI IKAW ANG MAHAL KO!" singhal niya sa akin na ikinaiyak ko nang palihim.
Salifa, kaunting tiis pa. Tatlong taon nga ay nakaya mo, e. Kaunting tiis pa.
"Mahal na mahal kita, Pyrone. Tatlong taon nga, nagawa kong tiisin, e. Magtitiis pa ako, kasi naman pinanghahawakan ko ang pangako mo. Asawa mo ako, at iintindihin kita hanggang sa huli," pabulong kong sabi habang luhaang nakatingin sa kaniya bago pa man siya makaalis sa bodegang kinalalagyan ko.
ALL RIGHTS RESERVED! © 2018
YOU ARE READING
The Invisble Wife
General FictionPyrone Hermochenon, a gang leader and the university's most disgrace student back then, married Salifa Montevilla, a graduate Summa Cum Laude, an overly-conservative woman with an ambition in her mind. And a day happened, Pyrone changed himself and...