Kabanata 3

37 5 1
                                    

Salifa’s POV

Paulit-ulit na pumasok sa aking isipan ang habilin sa akin ng asawa ko. Sa buong tanang buhay na pagsasama naming dalawa, iyon ang kauna-unahang beses na kinausap niya ako gamit ang kalmadong tono.

Hindi kaya…mahal na niya ulit ako? Baka bumalik na ang pagmamahal niya sa akin!

Tama! Baka nga gano’n iyon!
Sa sobrang pagiging positibo ko ay inihanda ko ang aking sarili. Naligo ako sa floral roses na nakakalat sa bathtub at doon ay nagtagal, para naman maging smooth ang skin ko. Kumain na rin ako para hindi ako nanginginig mamaya kapag kaharap ko na siya. Pagkatapos no’n ay nag naglagay ako ng light make up at imported perfume made from London.

Humarap ako sa salamin at doon nakakita ako ng isang magandang babae.

“This will be your chance, Salifa,” masayang sabi ko sa kaharap ko ngayon, “take him and let her out.”

Nang gabing iyon ay natutulog nang mahimbing ang kabit niya. Pinapunta na niya ako at nag-usap kami sa mini office room sa bahay namin at masinsinan niya akong tiningnan.

At ang mga tinging iyon ay hindi naging maganda para sa akin.

“Salifa, alam mong hindi na kita mahal, right?” paninimula niya na ikinagulat ko. Oo, masakit talagang ipamukha ang katotohanan pero bakit doble ang sakit? Ganito pala kasakit kapag isinasampal na sa 'yo ang katotohanan!

“H-hindi na ba magbabago iyon, a-asawa ko?” naiiyak kong tanong sa kaniya na ikinaseryoso ng mukha niya.

“Ikukuwento ko sa 'yo ang lahat,” sabi niya at nagbuntong-hininga, “ang lahat ng ipinakita ko sa iyo ay isa lamang laro. Noong college pa tayo, napagkasunduan ng mga magulang ng mga kaibigan ko na bigyan ako ng isang pagsubok dahil bumabagsak na nga ang kompanya namin. At ikaw nga ang naging target sa laro na ito, at iyon ay ang pa-ibigin ka,” seryoso niyang sabi sa akin habang nakatingin sa aking mga mata. Unti-unti akong napaluha sa mga narinig ko.

So my whole life was just a lie?

“Niligawan kita nang pagkatagal-tagal dahil nangako sila sa amin na tutulungan nilang bumawi ang kompanya namin, kapalit ng pagpapa-ibig ko sa iyo. Matagal na ibinigay sa akin ang premyo dahil medyo pabebe ka no’ng nililigawan pa lang kita. At nang bumigay ka na, nagbago na ako. Hindi mo ba iyon nahahalata?” seryosong tanong niya ulit sa akin, “pero akala ko ay makakatakas na ako. Your family including your grandparents forced me to marry you, because they sought you being inloved with me. Noong mga panahon na 'yon, kinausap ko ang mga magulang ko and they said ‘yes’. Sinong makakasabi ng ‘hindi’ sa pamilya mo? Kayo ang top leading business tycoon, so I married you,” sabi niya sa akin na ikinatahimik ko.

So lahat ng mga luha ko para sa 'yo ay nasayang lang ba? Yung mga pagkakataong umaasa ako ay wala palang patutunguhan? Kasi biro at laro lang pala ang lahat?
NAPAKASAKIT!

“Pero mahal kita,” napapaos kong sabi sa kaniya habang tinitingnan ko ang kaniyang malalalim na mga mata.

“Hindi kita mahal,” nakangiting sagot niya sa akin na para bang sigurado na siya sa nararamdaman niya.

Hindi. Hindi p’wede. Ngayon na lang ulit ako nabiyayaan ng pagkakataon, dapat ko'tong sulitin.

Iniwan ko panandalian si Pyrone at nagpahangin kahit saglit lang. I need to unwind. I want to be refreshed. I need to heal.

“Salifa, ngayon na lang ulit ako naging ganito para sa 'yo matapos ang tatlong taon,” rinig kong sabi niya sa akin gamit ang seryosong tono niya. Ang tonong naging dahilan para kahumalingan ko siya nang ganito, kabaliwan ko siya nang ganito.

FLASHBACK

Naghaharutan kami ni Pyrone sa sala ng mansiyon namin noong opisyal na maging kami. Pero naudlot ang paghaharutan namin nang may tumawag sa kaniya sa telepono niya.

“Aish!” tanging naibulalas niya dahil mukhang bitin na bitin siya sa harutan namin. Napatawa na lang ako nang bahagya.

“Sino ba kasi 'yan?” tanong ko sa kaniya habang nagbibihis ako sa harap niya.

“Don’t! We’ll continue! Aish!” sabi niya habang tinitingnan kung sino ang caller sa phone niya. “Speak up!”

“Bilisan mo,” pang-aakit kong sabi sa kaniya. Napapikit na lang ang mata dala na rin siguro sa sarap ng sensasyong hatid ko sa kaniya.

“Ah…si Maddy,” nakangisi niyang sabi sabay tumingin sa akin. “Sagutin ko?”

“EDI SAGUTIN MO! WALA AKONG PAKI!” sigaw ko sa kaniya at tumayo ako sa kama namin.

“I will, or I won’t?” tanong niya sa akin nang mahablot niya ang kanang kamay ko at hinila papunta sa kaniya.

“Of course you shouldn’t!” sagot ko sa kaniya kaya mas lumaki ang pagngisi niya, “p-pero kung i-importante naman, sige o-okay lang,” nauutal kong sabi sa kaniya at nag-iwas ng tingin. Ang loko, ang lawak na ng pagngisi! Umaabuso!

“Ikaw ang importante rito,” paninigurado niya sa akin pero nakangisi pa rin.

“Ewan ko sa 'yo. Sasagutin mo pa!” naiinis kong sabi sa kaniya.

Lumaki akong overly-conservative kaya nahihiya akong maging liberated sa harap ng maraming tao. I didn’t had friends back then, at lahat ng mga tao sa paligid ko ay mga business partners o kaya ay empleyado lang namin.

But now, God gave me him. A man I should cherish.

But should I really cherish him?

“Mahal kita, huwag ka nang magtampo,” seryosong sabi niya sa akin habang nakatingin sa akin ang mapang-akit at malalalim niyang mga mata.

“Mahal na mahal din kita,” sagot ko sa kaniya.

A wise man said to me that you should give back what he had given. Ang kataga niyang ‘Mahal kita’ ay nasuklian ko ng ‘Mahal na mahal din kita’, mali ba iyon?

Sa isang bayad na may pasobrang sukli, mali ba iyon?

Matapos kong sabihin sa kaniya iyon ay tinapon niya ang cellphone niya sa kung saan, at doon itinuloy namin ang aming pagmamahalan.

END OF FLASHBACK

Matapos niyang sabihin sa akin iyon ay dahan-dahang napapikit ang aking mga mata.

“P-Pyrone…” nanghihina kong sabi sa kaniya, “I love you,” hindi ko napigilang sambit nang biglang nandilim ang paningin ko.

ALL RIGHTS RESERVED! © 2018

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 19, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Invisble WifeWhere stories live. Discover now