Lee Seungri

202 5 0
                                    

Name: Lee Seungri

Age: 13

Nationality:  Filipino

Filipino kasi dito ako nakatira sa Pilipinas, pero kung nagtataka kayo kung bakit parang korean yung pangalan ko kasi ganito yan. Yung tatay ko korean, nanay ko Pilipino. Dito na ako lumaki sa Pilipinas, pero sa korea ako pinanganak. Dinala ako dito ni mama nung mga 1 year old ako kasi naghiwalay na sila ni papa nun. Pero ayos parin naman kami ni papa kasi nagkikita naman kami kapag nagbabakasyon ako, korea kasi parati ang bakasyunan ko. 

ideal type na babae:

Una gusto ko korean sya, para parehas kami ng kulay at itchura, kasi yung ibang pilipino mga kayumanggi yung kulay, kawawa naman sila pag tumabi sa akin, hahaha joke!!! gusto ko rin maganda at saka mabait at saka matalino. Pero pinakagusto ko sa lahat, yung masarap kasama!!

First year high school na ako sa St. James Academy, private school to and international school din kaya marami akong kaklaseng foreinger, lalo na mga korean. Tapos karamihan ng mga koran kong kaklase mga korean at magaganda pa!!! san ka pa?! bwahahahaha

pero sa kanilang lahat, ang pinakagusto ko e si Kwon Chae Yeon. Grabe ang ganda ganda nya, tapos mabait pa at matalino. Parati nga syang rank 1 sa klase namin eh, pero syempre kahit gustong gusto ko sya, pinipilit ko paring matalo sya sa rank 1, kaso parati lang rank 2 ang bagsak ko eh, ewan ko ba?! mas magaling talaga sya sakin ehh!!  Gusto ko na nga sya ligawan ehh, kaso. . .

hindi pa ako marunong ^_^

papaturo muna ako sa mga hyung ko (hyung-kuya sa korean) kung paano manligaw, hahaha. Marami din kasi akong mga kaibigan ng mas matanda sa akin, mga higher year. Ewan ko, masarap siguro kasi silang kasama.

kaya nga nung pumunta ako ng bahay ng kaibigan ni mama, tapos may pinakilala sakin na noona sakin (noona-ate sa korean)  natuwa ako, ewan ko ba?! siguro kasi unang kita ko palang sa kanya parang ang sarap na nyang maging kaibigan, siguro ganun talaga ang tingin ko sa mga matatanda sa akin, masarap kasama. Kaya nung sabihin ng mga nanay namin na ipapakasal daw kami imbes na magulat din ako parang natawa pa nga ako, kahit na mukhang seryoso sila sa mga sinasabi nila, tawa akong ng tawa. Ikaw ba naman makita mo yung mukha nya, nakakatawa talaga. Priceless ang facial expression nya!! hahahaha Lalo ko tuloy gustong maki close sa kanya.

Ano nga kaya kung makipagkaibigan ako sa kanya?!

tinawag ko si mama, gusto kong hingin yung number nya, gusto kong maging kaibigan si Anna. ayy mali mali, gusto kong maging kaibigan si ate Anna. Bwahhahah!!! Kaya ayun tinanong ko kay mama yung number nya

"kukunin mo?! o cge wait lang, tanong ko kay mare ha!!! hahahaha, itext mo Seungri ah!! tapos makipagclose ka agad!!! ok?!"   natatawa ako kay mama, parang mas excited pa sakin, hahahaha

"ok po!!"

nung nakuha na nya, kinuha ko naagad sa kanya yung number, ano kaya sasabihin ko??

hello ate anna, gusto kong maging kaibigan ka?

pangit!!! ano kaya kung hello ate anna, gusto kong maginbg kaclose ka kaya magtext text tayo, ai ang pangit!! parang feeling close agad!!

ano nalng kaya kung. .

To: Ate Anna

Hello!!

naeexcite ako sa reply nya, sana magreply agad!!

ayt ayun!! nagreply agad!! yesss!!

From: Ate Anna

Hu u?

ay nakalimutan kong magpakilala, papakilala nga muna ako,

ay teka parang ang boring naman nun, ano kaya irereply ko? hmm. . aha!!! hahahahaha

To: Ate Anna

Ang ganda nyo po!!

natatawa ako na ewan sa tinext ko, ano kaya irereply nya?!

3 minutes wala pa. .

5 minutes wala paring reply. .

15 minutes wala paring reply!!!

naku naman, hindi na nagreply!!! siguro akala pinagtiripan sya!!! pakilala na nga ako!!!

to: Ate Anna

Reply naman po kayo, Seungri po 2

ayan sana naman magreply na sya!!!

15 minutes nanaman ang nakakaraan wala parin syang reply, yaaaahhhh nakakainis, baka akala nya pinagtiripan ko sya kanina!! ayaw nya siguro talaga ako maging kaibigan,

pero nagulat ako dahil maya maya, nagreply na sya!!! sa wakkkaaaassss!!!!

From: Ate Anna

Hello Seungri!! kamusta?

^O^

bigla akong natuwa sa reply nya nahalos napatalon pa ako sa kinauupuan ko, kasi nga hindi na ako nageexpect na mag rereply pa sya tapos nagreply pa sya, tapos kinamusta pa nya ako!!!

siguro mga magiisang oras din kami nagkatext, at tama masaya nga sya kausap!! ano pa kaya kung personal ko syang makakasama, enjoy siguro ako parati!!

ano kaya kung yayain ko syang gumala minsan?!

kaso parang nakakahiya kung ako ang magyaya, 

alam ko na si mama nalang, ahahahaha

panigurado hindi naman tatanggi yun baka nga tumalon pa yun sa tuwa e, hahahaha

I'm in love with a 13 year old kid [short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon