Anna's POV
binasa ko yung letter na binigay sakin ni Seungri
Dear Ate Anna,
Siguro nagtataka ka kung bakit sumulat ako sayo (buti alam mo, weird ka talaga) Aalis na kasi ako ngayon, pupunta na kami ni mama ng Korea. Nagkaayos na kasi sila Mama at Papa, at gusto ni Papa na dun na ulit kami tumira, dun nadin ako magpapatuloy ng pag-aaral. Sorry kung hindi ako nakapagpaalam ng maayos. (shit, yun pala yung sinasabi nya kagabi na hintayin ko sya? kasi aalis talaga sya, sira ulo talaga tong bata na to!!) Kagabi, ang saya saya ko kasi bago ako umalis, nakasama kita ng matagal, tapos pinatikim mo pa ako nung sinigang at adobong baboy damo. Ang sarap talaga nun Ate Anna, pagbalik ko libre mo ko ulit nun ahh!!! (kahit arawaraw pa tayong kumain nun, basta bumalik ka lang agad Seungri) Ate Anna, masaya din ako ng malaman na hindi mo boyfriend si Kairo Egypt (kairo egypt?? loko loko talaga to) kasi Ate Anna, gustong gusto talaga kita. Nung una palang kitang makita at makasama hindi ka na nawala sa isip ko, gusto ko parati na kitang kasama, kaya nung nalaman ko na aalis na kami ni mama nalungkot talaga ako nun, kasi hindi na ulit kita makikita (ako din, wahuhuhuhu T_T) Pero ate Anna, babalik ako talaga, promise. Sana hintayin mo ako, kasi liligawan pa kita. Hindi ako nagjojoke!! pero ngayon, okay lang na idate mo si kairo egypt, pero paguwi ko ako na ha!!! hanggang dito nalang..
Seungri
hindi ko alam gagwin ko pagkatapos kong mabasa yung letter
bigla nlang ako napatayo at umalis ng room
tumakbo ako palabas ng gate at sumakay ng taxi
kuya sa airport nga
hindi ko alam kung kelan sya umalis, pero alam ko nagyon lang nya to sinulat, kaya marahil ngayon kakaalis palang nila ngayon
sana lang maabutan ko sya
gusto ko kasi na makapagpaalam sa kanya ng maayos
Seungri naman ehh, pwede naman sana magpaalam ng maayos
naiiyak ako na ewan
teka bakit ba ako naiiyak
eh kasi mamimiss ko talaga tong bata na to
wahhhh sana makaabot lang talaga ako
ilang minuto lang ay nanjan na ako
nagtatakbo na ako palabas ng taxi at pumunta na ako sa loob
takbo
hanap
takbo
hanap
takbo
hanap
takbo
hanap
kanina pa ako takbo ng takbo, at hanap ng hanap. Pero kahit anino ni Seungri di ko makita
napatingin ako mga schedule ng flight
nakita ko yung papuntang korea, nakaalis na
tumingin ako sa paligid ko, kahit saan wala akong makitang Seungri
wala na si Seungri
hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya sa personal
di ko man lang nasabi na mamimiss ko sya
di ko man lang nasabi na OO!! PUMUPAYAG AKO NA LIGAWAN MO KO!!
wahhh wala na. Mamimiss ko yung kaweirduhan ng bata na yun
napaluhod ako
puno ng lungkot ang dibdib ko
bigla nalang tumulo yung luha sa mga mata ko
"Seungri naman ehh, pinahirapan mo kong tumakbo takbo dito tapos di rin naman pala kita maabutan. Di ko man lang nasabi sayo na gustong gusto din kitang kutong lupa ka!! kung kelan may lakas na ako ng loob!! kainis naman ehh!!"
umupo ako sa sahig, niyakap ko ang mga tuhod ko at dinukdok ko yung mukha ko
naiiyak talaga ako
miss na miss na kita agad Seungri
bakit kasi may paalis alis ka pang nalalaman!!!
maya maya, naramdaman ko ng may nagpatong ng kamay sa likod ko
parang bigla akong nabuhayan ng loob
si Seungri kaya ito?
agad agad akong tumayo at niyakap sya
"nakakainis ka!! akala ko hindi na kita maabutan"
"ha?"
?
nagtaka ako
bakit parang ang tangkad ata ni Seungri??!
tinignan ko kung sino yung niyakap ko
O.O
shit sino tong pangit na lalaki nato?!
"sino ka??" sabi ko
"ako lang naman yung driver ng taxi na sinakyan mo at tinakbuhan mo ng hindi nagbabayad. Amina ang bayad!!!"
shit oo nga pala, kamamadali nakalimutan kong magbayad
dumukot ako sa bulsa ko
pagdukot ko
candy at yung sulat ni Seungri
napangiti ako sa driver
"ahehehe, pwedeng ihatid mo munaako sa school, dun nlang kita babayaran. Promise!!!"
"siguraduhin mo lang at ipapakulong kita pag di mo ko binayaran"
shit ano daw??!
"ahh pramis talaga, tara po"
KASALANAN MO TO SEUNGRI!!!!! HUMANDA KA SAKIN PAG DI KA BUMALIK!!!
BINABASA MO ANG
I'm in love with a 13 year old kid [short story]
RomanceGulong gulo ako!! E kasi naman paano ako nainlove sa mas bata sa akin??