Lunes ngayon ng umaga at obligado si Lou-lou upang pumasok sa bagong skwelahan niya. Galing si Lou-lou sa Korea nung isang araw ito umuwi upang mag aral dito sa pilipinas. Pinauwi siya ng kanyang Ama dahil hindi na daw nila kakayanin ang bayarin sa apartment na tinutuluyan nila sa Korea. Ngunit ang kanyang ama ay nagpaiwan upang maghanap ng trabaho. Hindi sanay si Lou-lou na makituloy sa bahay ng kaniyang Tita Loren. Akala kasi ni Lou-lou pagbubuhatan siya ng kamay ng mga taong makakasalamuha niya. Ngunit hindi naman pala ganun ka sungit ang kaniya tita loren. Madaling nakasundo ni Lou-lou ang tita niya. Sa katunayan may pinsan siya si Cinthia anak ng tita loren niya. Maluho ang pinsan niyang ito lahat ng gusto nakukuha. Hindi makasundo ni Lou-lou si Cinthia sapagkat ayaw sakaniya ng pinsan niya. Lagi siya nitong napagsasabihan ng masasakit na salita ngunit hindi na ginantihan ni Lou-lou sapagkat ang alam niya maglalaho din ang galit ng kaniyang pinsan.
Nag ayos na si Lou-lou hindi ito nalalate dahil hindi naman ito masiyadong nag aayos bago pumasok. Ng makita ni Lou-lou ang sarili sa malaking salamin na nasa tabi ng kanyang kama. Kinuha na niya ang kanyang bag at kanyang mga libro. Pababa na siya ng kaniyang kwarto ng bigla siyang pinatid ni Cinthia.
"Tatanga-tanga kasi!" Pagkasabi nito ay inirapan pa siya.
Umiling nalang si Lou-lou at dinampot ang mga librong nagkalat dahil sa pagkaka patid sakaniya ni Cinthia.
Nagmadali nalang bumaba sa hagdan si Lou-lou at napansin niyang naghahanda ng Umagahan nila ang tita Loren niya.
"Ija! Good morning! Let's eat common. Maaga pa naman Lou-lou kaya kumain ka muna ng agahan" nakangiti pang sinasabi ito ng kaniyang tita
Pinilit pa siyang paupuin ng kaniyang tita."Ah ti--ta sa--salamat nga po pa--pala" hindi alam ni Lou-lou kung bakit hindi niya maibigkas ng maigi ang mga sinabi niya.
"Anuka ba iha hindi kana iba sa amin, anak ka ng kapatid ko kaya gagawin ko ang lahat para lang matulungan ka pati na si Kuya Rey" tinutukoy nito ang Ama ni Lou-lou.
"Tita tumawag na ho ba sainyo si papa? Ano na daw pong balita sakaniya? Nakahanap na ho ba siya ng trabaho?"sunod sunod na tanong ni Lou-lou.
"Hindi pa nga iha ei nagtataka din ako halos dalawang buwan na simula ng iuwi ni kuya dito ngunit wala man lang siyang paramdam." Hindi na nagtaka si Lou-lou sapagkat ganun talaga ang kanyang Ama. Mababalitaan nalang niya minsan may iba nanamang kinakasama ang kanyang Ama.
Ng maubos na ni Lou-lou ang pagkain na nasa kaniyang plato, uminom ito ng gatas na inihanda sakaniya ng tita niya. Ng maubos niya ito ay tuluyan na siyang tumayo sa hapagkainan at nagpaalam sa kaniyang tita."Oh siya mag ingat ka Lou-lou wala kasi si Mang Ben ng maihatid sana kayo ni Cinthia. Nasan na pala yung batang yun? Ay ito oh nga pala yung baon mo Lou-lou." Sabay abot sakaniya ng isang buong libong piso. Nanlaki ang mata ni Lou-lou kasi masiyado iyong malaki para sakaniya.
"Tita masiyado hong malaki iyan!" Nagtaka naman siya ng pinilit inabot sakaniya yung isang libo."Anu ka ba kunin mo na, kung may matira edi ipunin mo." Nangiting sabi ng kanyang Tita.
Wala ng nagawa si Lou-lou sapagkat umakyat na ang tita niya upang puntahan si Cinthia.
Nag kibit balikat nalang si Lou-lou at tuluyan ng lumabas ng bahay upang pumasok.
![](https://img.wattpad.com/cover/167694452-288-k394311.jpg)
YOU ARE READING
THE GIRL HE NEVER NOTICE.
Teen FictionAngel Louies Guerero o mas kilala bilang lou-lou. Si lou-lou ay isang simpleng babae. Hindi mo siya makitaan ng kaartehan sa katawan. Sapagkat hindi naman ito mahilig sa mga mahahaling gamit ni walang kolorete ito sa mukha o kahit simpleng anik anik...