#Station 14

257 28 8
                                    

--

#Station 14 -  Emotional si Lilian

--

 Ang love daw, parang cellphone na nahulog sa inidoro..

Kailangan ng lakas ng loob para makuha.

Ang love daw parang bubblegum,

Sa una lang matamis.. Bandang huli, malalasahan mo rin ang pait ang magddesisyon ka rin iluwa at itapon.

“Bitchfriend love kita. Love ka namin.. Kaya mo yan ha?” Sabi ni mark.

“Nge. Ok lang ako ang O.A niyo naman!” Sagot ko.

“Ayan kana naman beh.. Sinosolo mo nanaman yang nararamdaman mo, pwede mo naman ilabas samin yan eh?”

“Ok lang ako, ano ba kayo? I’M SUPER DUPER FINE! Lalaki lang yan!”

Ok lang ba talaga ko?

Sana..

Sana nga..

“Siguro naman gusto mo malaman kung bakit na lang ba siya bigla na lang nakikipagbreak sayo..” Sabi ni mandy

Umiling lang ako.

Oo, kasi ayoko eh?

Nakipagbreak siya, isa lang ibig sabihin nun.

Hindi na niya ko mahal..

So? May magagawa pa ba ko?

Pero sa totoo lang, gusto ko marinig..

Marinig mismo mula sa kanya sa kung anong dahilan ng pag-iwan niya saken.

“Bitchfriend. Alam ko gusto mo malaman yun..” Wow.. Psychic si mark

Nasa sala kami ng bahay ng mga kaibigan ko, kasi wala pa sila papa.. Hindi pa rin sila umuuwi hanggang ngayon. Saktuhan pa na walang pasok kasi linggo. Sana nga meron eh? Mas madali kasi makalimutan yung mga bagay bagay kapag busy ka.

*Tok..Tok*

“Oh may tao bitchfriend.. Ako na magbubukas!” Alok ni mark

“Ok sige”

--

“Oh? Andito ka? Hala what happen to your face? Pumanget ka bigla Daniel my loves!” Si Daniel daw?

Tumayo ako para salubungin si Daniel..

“Ohmaayy, Ano nangyari? Bakit ka may black eye?”

“Ha? Wala ‘to. Napaaway kasi ako sa eskinita namin eh? Binastos kasi yung babae na dumaan ng mga nag-iinuman dun” Sagot niya

“Ows? Edi sana lumpo ka na kasi madami yun malamang di ba? Ikaw talaga naloloka itech sayo.. Bakit di ka pa umamin? Di syo bagay nag-lilie my loves” Puna ni mark.

“Oo nga” Galit na sagot ni Daniel

“Oh.. easy easy.. Pumasok ka muna dito lalagyan ko muna ng gamot yang nasa mukha mo” Offer ko.

Hindi ako malandi ha?

Tutulong lang ako kasi naman..

Nasayang yung gwapong mukha ni Daniel..

Kung sino man may gawa nito, ay nako.

Mahulog sana siya sa bangin.

Sama eh no?

“Aray.. Dahan dahan kaseee” Sigaw niya

“Malaki ka na di ba? Kaya mo yan? Nagmamatapang ka tas sa alcohol lang pala katapat mo”

Sixteen days with MR. LRTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon