74

255 2 0
                                    

Eunbi

Narito kami ngayon sa ospital. Hinihintay naming magising si seongwoo. Kagabi pa ako iyak ng iyak. Buti naman at okay siya at naagapan agad.

Nasa tabi niya ako ngayon.

"Eunbi, tahan na. Okay lang siya." sabi ni jisung sa akin.

"Oo naa. Namimiss ko lang siya." sabi ko naman.

"Yieee ang landi mo naman!" sabi ni yena.

"Mahal mo talaga siya no?" tanong ni minhyun sa akin.

"Oo, mahal na mahal." sabi ko.

Tapos biglang gumalaw si seongwoo.

"Seongwoo? okay ka na ba? anong nararamdaman mo?" sunod sunod na sabi ko sakanya.

"Teka, Sino ka?" sabi niya. HA?!

"Huwag ka ngang ano diyan!" sabi ko. shet naiiyak ako. Bat niya ako nakalimutan??

"Guys sino siya?" Tanong niya sa mga lalake.

"Tumigil ka nga! Di ka nagka amnesia!" sabi ko at umiyak na.

"Yieee lika nga dito." sabi niya at niyakap ako ng mahigpit.

"Namimiss mo ako diba? Tsaka may narinig ako kanina. Yung huli mong sinabi.  Di ko masyado naintindihan eh. Pede pakiulet?" sabi niya.

"Ha?" pagmamaang maangan ko muna.

"Yung huliii mong sinabi. Pede pakiulet?" sabi niya.

"Mahal na mahal kita Seongwoo."

💫

secret love | seongwoo x eunbiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon