CHAPTER 1

14 2 0
                                    


Note:
This story is inspired by the movie"The Hunger Games".

Names of terms place,characters,events,bussiness, are all pure fictions,any related to the living or the dead are pure coincedence,and some of the terms used are all part of my imagination.

Date Started:05-01-18 and onwards (ongoing)

I.

Nakatayo ako ngayon sa pinakamataas na bahagi ng HillMoult,ang pinakamataas na bundok dito sa District 7,ang huli sa mga distritong nasasakupan ng Phoenix City na siyang sentro ng lahat.Mula dito sa kinalalagyan ko'y tanaw ang magandang tanawin ngunit sa likod niyo'y may mga sikreto at misteryong nakatago.

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman sa mga oras na ito.Naghalo-halo ang lahat , ngunit nangingibabaw ang kaba na wari ko'y ngayon ko lang ulit nadama.

"Andito ka lang pala" At kahit na hindi ko lumingon ay alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.Siya lang naman ang magtitiyagang sundan ako rito, at siya lang ang nagiisang kaibigan ko sa distrito.

"Ngayon ang araw na papasok ka sa pinakatitingalang paaralan sa buong Phoenix City" Dagdag pa niya,ngunit hindi parin ako nagsalita.Tila ba galak na galak siyang papasok ako sa paaralang iyon.

Ngunit ako'y hindi.

Sabagay sino ba naman ang hindi gugustohing mapabilang sa mga estudyante ng paaralang iyon.Pero hindi iyon ganoon kadali,dahil sa oras na pumasok ka sa paaralang iyon ay parang hinukay mo na rin ang sarili mong libingan.

Tinitingala iyon,dahil doon ay mas mahahasa mo pa ang abilidad na taglay mo, at may mga espesyal na bagay silang iaalok sayo,at kapalit noon ay ang pagiging kalahok mo sa taonang laro, ang SURVIVAL OF THE FITTEST.Walang sinisino ang larong ito , mapa'maharlika ka man o isang ordinaryong mamamayan,katulad ko.

Sighs.

"At bakit parang tuwang-tuwa ka pa na mapapalayo ako dito sa district 7?" Tanong ko sakanya na nanghuhusga.At oo, mapapalayo ako sa distrito namin sapagkat nasa district 2 ang paaralan at doon din gaganapin ang taonang laro, sa distrito ng FIRE USERS.Ang distritong may lima ng panalo sa taonang laro,sunod-sunod ang pagkapanalo nila nitong mga nagdaang taon, at sakanila nagsimula ang taonang laro. Ang SURVIVAL OF THE FITTEST ay ang pinaka brutal na laro na nasasaksihan ko taon-taon, ang laro ang siyang magpapatunay na walang pagkakapantay-pantay sa siyudad ng Phoenix, ito ang laro na magiging sukatan kung sino ang dapat igalang at hindi, at sa kasamaang palad ang distrito namin ang nasa huli sa listahan.

(A/N:
If the story is lame please bear with me...i'm not a professional writer...i'm just a wannabe😁)

"Bakit hindi ka ba natutuwa?" Takang tanong niya pabalik sa akin.Kahit kailan talaga ay hindi siya marunong sumagot sa mga tanong ko.Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang VALENCE STEINMETZ.

Hindi ko siya sinagot, bagkus ay umalis ako sa kinatayayuan ko't dire- diretsong naglakad palayo rito.

I'm going to enter Hell.

Naganap ang pagpili ng kalahok sa taonang laro noong nakaraang linggo, ang pangyayaring nagpagulo sa utak ko.

*FLASHBACK*

Nasa mataas na bahagi ako ng HillMoult ng may biglang magsalita sa aking likuran.

"Sabi na nga ba at andito, tayo na, nagsisimula na sila" ani niya na bigla-bugla na lang sumusulpot na parang kabute.

"Susunod ako" maikling tugon ko sakanya.

Pumipili nanaman sila.

Nagpakawala ako ng mahabang hinga at tsaka tinungo ang bulwagang pinaggaganapan ng pagpili.

 D I S T R I C T    7Where stories live. Discover now