Hello po sana po magustuhan nyo tong another story ko HORROR po siya pero not that scary naman...
Maiikli lang po yung chapters
ENJOY!!
---------
Selenna's POV"Anak" tawag sakin ni mama.
"Po" sagot ko habang patuloy sa ginagawa ko,nag sasampay ako ng mga damit habang si mama ay nag lalaba.
"Pag nakakita ka ng itim na pusa wag kan tititig sa mga mata nila ah?" Saad naman ni mama na patuloy sa pag lalaba, ako naman ay napahinto sa pag sasampay.
"Sabi ng lola mo may mangyayari daw na masama at mamalasin ka" pagtutuloy ni mama. Natawa naman ako doon at ipinag patuloy ang pag sasampay,hays si mama talaga naniniwala pa ba siya sa ganun? Kalokohan.
"Ma haha wag ka nga mag sabi ng ganyan luma na yan,noong panahon pa yan ni lola eh haha" sagot ko naman kay mama na natatawa.
"Anak di ako nag bibiro,ayoko lang na may mangyari sayo" seryosong sambit ni mama na napatigil sa pag lalaba,hayys naiintindihan ko si mama pero kailangan pa ba mag sabi ng ganun?
"Sigi nalang ma naiintindihan kita"natapos na din ako sa pag sasampay kaya nagpaalam na ako kay mama na papasok na ako sa loob ng bahay.
"Ahhhhhhh"napahiyaw ako ng maka salubong ko ang itim na pusa,wow is this a coincidence?
Tumakbo na ang pusa saka umakyat ng puno, pinag masdan ko itong gumalaw.
Tinitigan ko ang kanyang mata,hindi naman siguro totoo yung sinsabi ni mama,napa atras ako ng bahagya ng tumitig sakin pabalik ang pusa.
Lumakas at bumilis ang tibok mg puso ko at bigla nal-------
"Selenna gising alis na tayo" naputol ang panaginip ko ng gisingin ako ni tita.
Hi ako nga pala si selanna hernandez 16 years old grade 11 senior high student,andito ako sa puntod ng aking mama,kalilibing niya lang kanina,ayoko pang sanang umalis kaso tinatawag nakon ni tita kapatid ni papa,nakakahiya din kung di pa ako sumabay sakanila ilang beses na kasi nila akong binalikan.
Wala na din si papa,na aksidente siya noong 5 years old ako.
"Ahmm tita kailan po ba babalik si mea dito" tanong ko kay tita... Si mea ay anak niya,siya ang pinaka close kong pinsan siya na din ang makakasama ko sa bahay kaya lang nasa palawan pa siya dahil sa field trip ng strand nila.
"Baka next week pa kasi deretso muna siya sa bahay para mag empake"sagot naman ni tita..
"Ahh ganun po ba?"ani ko habang nag lalakad papuntang sasakyan.
"Oo iha eh pas------- hindi ko na maintindihan ang sinasabi ni tita dahil napatingin ako sa itim na pusa na nakatayo sa taas ng cross nung puntod.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at bigla nalang akong nakarinig ng bulong..
"Selenna susunod kana"
"Selenna susunod kana"
"Selenna susunod kana"
paulit ulit kong naririnig yun at bigla nalang akong nahilo, nakita kong ngumisi ang pusa at--------
"Selenna okay ka lang?" bigla akong nabalik sa huwisyo ng tanongin ako ni tita.
"O-okay lang po ako t-tita"nanginginig ang labing saad ko
"Omyghad dumudugo ilong mo selenna" tarantang saad ni tita at dalidaling ibinigay sakina ng puting panyo.
Pinahid ko naman ang panyo sa aking ilong,at tiningnan ang pangalan ng buntod na pinag patungan nung pusa kanina.
Ynna perez
Bigla nalang nandilim ang aking paningin at bumagsak ang aking katawan sa damuhan ng mabasa ko iyon.
At bago ako tuluyang mawalan ng malay nakita ko ang babaeng naka puti at duguan ang mukha niya, nakita kong gumalaw ang labi niya.
"Selenna susunod kana"
-------
Hey guys thank for reading this story!!Please vote po thanks!!
BINABASA MO ANG
The Diary of Selenna
HorrorPeople see's that Selenna is a perfect girl and has a beauty and brain... But they didn't know that.. Her life is MESS She is miserable She is lonely But the question is what's the reason? _________ Dear:diary This is my first time to write,i j...