selenna
KADILIMAN yan ang bumungad sa aking pag mulat ng mata.
"selin nag mamaka awa ako,wag mo akong patayin" napalingon ako sa pinang galingan ng boses na iyon.
natutop ko ang mga labi ko ng makita at masaksihan ang karumaldumal na pangyayari.
isang babaeng duguan naka luhod at naka tali ang kamay at paa niya.
at isa ring babae ang naka tayo sa tapat nito na nay hawak na makapal na kahoy.
"kung hindi mo sana inahas ang asawa ko edi maayos ang lagay mo ngayon!!" saad ng babaeng naka tayo.
"hindi ko siya inahas! sadyang pala kaibigan ang asawa mo! ikaw yung nakitid ang utak kung ano ano iniisip mo!" sigaw naman ng kawawang babae
"Hudas kaaa!!" sigaw nung babaeng nakatayo sabay pinag hahampas hampas ng kahoy ang mukha ng naka luhod,napa atras naman ako sa nasaksihan.
patuloy niyang pinaghahampas ang kawawang babae hanggang sa makontento na ito.
naka higa na ito sa lupa pero may sinambit parin siya.
"s-sinu sumpa k-ko s-selin na m-magiging m-miserable ang m-mmagiging b-buhay ng mga babae sa p-pamilya mo!" nanghihinang saad niya.
"lalake ang anak ko hayop ka!" galit na tugon ng babae.
"p-pamilya mo selin hindi lang ang anak mo,ibig sabihin ang mga magiging apo m-mo" naka ngisi na ito pero nanghihina parin.
"walang hiya ka ynna perez" inis na sambit nito bago hampasin ng napakalakas sa ulo.
bigla ulit dumilim ang paligid at nanaig ang katahimikan.
nagulat ako ng biglang nag pakita ang mukha nung babae kanina na duguan.
"aahhhhh" sigaw ko at tumakbo palayo.
"susunod kana"
"susunod kana"
" selenna ayos kalang?" tanong ni tita habang ina alalayan akong umupo.
"ayos lang po" pagkukunwari ko,dahan dahan kong pinahid ang aking luha at ininom ang tubig na inabot ni tita.
"tatawagan ko na anak ko,para may kasama ka iha,naawa ako sayong bata ka"aniya at niyakap ako,niyakap ko din siya pabalik,at unti unti na namang nag situlo ang aking mga luha.
"tita b-bakit n-nangyayari to s-sakin?" tanong ko sa gitna ng aking pagiyak.
Bumitaw naman si tita sa pagkakayakapbat hinawakan ng dalawa nyang kaway ang aking mukha at pinahid ang luha sa aking pisngi. "iha manalangin ka lang,at ang Diyos ang bahala sayo,andito lang kami ni mea sa tabi mo" aniya at hinaplos ang aking buhok.
"teka at tawagan ko ang pinsan mo at ng may kasama ka na dito,hindi kasi kita masasamahan muna at may alaga akong mga isip bata" saad ni tita at kinalikot ang kanyang cellphone.
"tita wag na po,hayaan nyo po si mea na mag enjoy,sayang yung binayad nyo para dun tita,tsaka kaya ko naman po mag isa dito,tuwing tanghali naman po ako uuwi sainyo" sabi ko habang nag aayos ng sarili.
"sigurado ka ba dyan selenna?" tanong ni tita habang naka tingin sakin ng naninigurado.
"opo naman tita" paninigurado ko.
"sigee iha at ako'y aalis na,hinahanap nako ng mga pinsan mong makukulit" tukoy niya sa kambal niya anak.
Siya tita marry,kapatid ng papa kong si marco.Si tita ay may tatlong anak sina mea at jerrimiah at jerricho ang 14 years old na kambal,buo ang pamilya nila at masaya.
Sana ol.
Tuluyan ng umalis si tita,at ako to nasa may pintuan at naka tanaw sa sasakyan nilang papalayo.
Nagulantang ako ng may marinig mula sa kusina.
Dali dali naman akong pumunta at nadatnan kong basag na baso,sinagid siguro ng pusa ng kapitbahay.
Kumuha ako ng walis at dustpan,at nikinisan ang mga bubog.
Dumeretso ako sa kwarto at humiga sa kama ng matapos kong maglinis at di ko namamalayan nakatulog nako kakaisip.
Agad din akong napa mulat ng yumanig ang kama ko,na parang may gustong lumabas mula sa ilalim,tumaas lahat ng balahibo ko sa isiping may nilalang sa ilalim ng kama ko.
Napatalon ako sa gulat ng lumakas ang kalabog at may sumisigaw na doble doble ang boses.
Agad akong napa mulat ng mata at bumangon sa pagkakahiga.....Panaginip lang palaa.
Napahawak ako sa puso ko sa sobrang bilis ng tibok neto.Panaginip lang pala yun pero parang totoo.
Napa lingon ako sa cellphone ko ng tumunog iyon,agad ko namang kinuha at sinagot ang tawag.
"helloo?" ani ko pero walang nag sasalita sa kabilang linya
"hello? Sino to?" ulit kong tanong pero wala padin akong nakuhang tugon.
Nailayo ko bigla ang cellphone sa aking tenga ng may biglang sumigaw.
Nanlaki ang aking mga ng may ma realize ako.
That double voice!!!that voice from my dream is the same as this voice from my phone!!
BINABASA MO ANG
The Diary of Selenna
HorrorPeople see's that Selenna is a perfect girl and has a beauty and brain... But they didn't know that.. Her life is MESS She is miserable She is lonely But the question is what's the reason? _________ Dear:diary This is my first time to write,i j...