2

4 1 0
                                    

Isang araw na ang nakalipas simula nang namatay si Baron, ngunit walang nakakaalam nito maliban sa Class 1-A. Sa isang araw na lumipas ang mga estudyante ng Class 1-A ay namumuhay ng mapayapa.

"Bakit absent si Nathan?" Tanong ni Bryle sa mga kaklase. "Baka natutulog parin." Sagot naman ni Mark na nag-likha ng tawanan. Si Nathan kasi ay madalas na natutulog sa klase na nagiging dahilan ng pang-aasar sakanya.

"Hayss!! Dang init naman putcha!" Sabi ni Zyrille."Andito kasi ako." Sagot naman ni Jesse. Classic na asaran ng Class 1-A. "Maiinit? Then call the technician." Sarcastikong sabi ni Andrea. The usual Andrea, maraming naiinis sakanya dahil masyado siyang pikon.

"Oh....sige...sampalan na!!" Nangaasar na sabi ni Carilyn. "Adyan na si sir!!" Sigaw ni Dustin. Lahat ng mag-kakaklase ay nagsi-upo na akala mo'y mababait na estudyante.

"Good Morning Sir. Gio!" Masayang bati ng mag-kakaklase sa kanilang guro. "Ang gwapo niyo Sir!!" Pambobola ni Rayvhen na kinaiinisan ng lahat dahil masyado siyang pabibo. " Take your seats." Sabi ni Sir Gio.

Tatlong katok ang narinig mula sa pintuan na agad namang binuksan ng kanilang guro. "Excuse me sir, ako po yung technician na titignan yung aircon." Bungad ng lalaki. Agad itong dumiretso sa aircon at tinanggal ang takip. Laking gulat ng lahat nang biglang may dalawang matang gumulong na mula sa aircon.

Sigawan ang naidulot nito. Agad namang dumiretso ang presidente ng Class 1-A sa harap ng klase upang pakalmahin ang mga kaklase. "Shutup!! Calm down!!" Pasigaw na sabi ni Jhulia. "Guys......yu....ng ma....ta.......kay nathan......" nauutal na sabi ni James. Hindi lang pala mata ang nasa loob ng aircon, naroroon din ang ID ni Nathan.

Matapos ang pangyayaring iyon maagang pinauwi ang Class 1-A dahil ang kanilang classroom ay mistulang naging scene of a crime. Bago umuwi may nakitang papel at litrato na nasa loob ng ID ni Nathan si Jhulia. Ang nasa litrato ay ang Class picture ng Class 1-A, ngunit ang mga mukha nila ay may numero. Ang isang papel naman ay nag-lalaman ng isang sulat.

           Ipikit ang inyong mga mata

                  Pasko'y malapit na

         Bibilang ako ng isa hanggang

                    tatlompu't tatlo

             Ikaw na ang isusunod ko

           Kasalanan mo'y dahilan ko

        Ang buhay mo'y nasa kamay ko

Ang likod ng papel ay may isa pang sulat ngunit nang bahasin ito ni Jhulia ang mga luha sa mata niya'y pumatak.

               Ako ang Game Master

         Nag-iwan ako ng mga clues

  Humanap ka ng tatlong kasama
  
Upang malutas ang misteryong ito

           
          Pag-pinakita mo ito sa iba

                    Maliban sa tatlo

        Sasaktan ko ang iyong pamilya

          Kailangan mo silang balaan

  Pag-nakaligtas ka ng tatlong buhay

                 Ititigil ko ang laro

                    Pag-nabigo ka

                         Patawad

Ang tatlong buhay na tinutukoy ng Game Master ay ang buhay ni 3, 4, at 5. Kailangang mailigtas ni Jhulia ang tatlo, dahil kung hindi uubusin ng Game Master ang Class 1-A. Itinago ni Jhulia ang Papel sa kanyang bulsa at umuwi na.

Pagkauwi ni Jhulia agad siyang dumiretso sa kanyang kuwarto upang mag-isip ng paraan para malutas ang misteryong ito.

    Humanap ka ng tatlong kasama

   Humanap ka ng tatlong kasama

 Upang malutas ang misteryong ito

Ito ay paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ng dalaga. Makalipas ang ilang minuto nakapag desisyon ang dalaga kung sino ang kanyang pipiliing makasama na malutas ang misteryong ito. Pinili ni Jhulia ang mga kaklase niyang matatalino at magagaling.

Raven. Mahilig mag-basa ng libro, mahilig sa horror movies, matalino, maparaan, natapos ang HTGAWM at Sherlock sa Netflix.

Patricia. Matalino, maparaan, journalist, mahilig sa paranormal, nasubay-bayan ang Gabi Ng Lagim Ni Jessica Soho.

Mark. Matapang, maingay, maparaan, masipag, lahat ng M meron siya.

Ngumiti si Jhulia dahil sa tingin niya ay nakapili siya ng mga taong makakatulong sakanyang mailigtas ang iba pa niyang kaklase. Agad-agad siyang gumawa ng GC at inexplain niya ang mga gagawin.

Sa di kalayuan, tuwang-tuwa ang salirin dahil napasunod niya si Jhulia at alam niyang magtatagumpay ang kanyang plano. Tinignan ng salarin ang isang litrato ng Class 1-A. Ngumiti siya at tinignan kung sino si 3. Laking ngiti niya nang makita kung dino ito.

"Zyrille......" bulong ng salarin sabay kuha ng baril sa ilalim ng kanyang kama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

32 Days Before ChristmasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon