Chapter 1
" Ate yung baon ko." kumuha ako nang 10peso sa bulsa ko at binigay Ito sa kapatid ko.
" Ate, yung monthly juice rin namin, hindi pa kasi raw ako nakakabayad simula nung unang buwan tapos ika- tatlong buwan na ngayon wala pa rin."
" ahm ganon ba?, pupunta nalang ako mamaya sa room niyo para bayaran yan. " tinapos ko na muna ang paghahanda sa mga kakanin na ibibinta ko bago humarap kay Shan." Magkano ba lahat ang Monthly Juice niyo?" Tinignan ko si Shan at inayos ang bag niya na nakasabit sa likod at hinalikan siya sa pisnge.
" Ate..punta ka nalang mamaya, baka ma-late na ako eh. " Ngumiti ako sa cute kong kapatid at tumango.
" Sige na, ako na bahala."" Bye Ate...I love you.." hinalikan ko siya ulit sa pisnge bago siya tumakbo at sumabay sa mga kaklase niyang maglalakad rin papuntang eskwelahan.
Pinanuod ko lang ang kapatid ko.Ganito lang ang buhay naming magkapatid, kami na talaga ang magkasama kahit noon pa man.
Ako ang tumayong ina at ama sa kanya, kaya kahit anong mangyari hinding-hindi ko pababayaan ang kapatid kong laging nasa tabi ko at ang tanging pamilya ko.
Gagawin ko ang lahat para maging maganda ang buhay namin paglaki.
Kahit kaming dalawa nalang, pinapangako kong makakapag tapos kami nang pag-aaral.
Kahit pagbibinta lang nang kakanin ang kinabubuhayan namin." Lalim nang iniisip natin ahh.."
Hindi na ako nagulat, dahil alam ko naman na hobby niya ang pagsulpot kahit saan. Siya si Diether Zaff Lopez.
Ang tanging lalaking gwapo sa paningin ko at ang taong gusto ko,
Pero nagkakamali kayo nang iniisip dahil ako lang naman ang nakakaalam nun.
Ang akala lang kasi niya, magkaibigan lang ang Turing namin sa isat-isa.
Pero hindi, Simula nung bata pa kami may gusto na talaga ako sakanya.
Siya lang talaga itong Lalaking Manhid.
Minsan nga eh, gusto ko nang tusukin ang Mata niya.
Dahil ano pa ang gamit nang Mata niya Kung hindi niya nakikita ang nararamdaman ko.
Minsan sinubukan ko naring sabihin sa kanya para hindi siya mag mukhang tanga sa paningin ko at para ring ma-inform siya sa nararamdaman ko pero wala ehh..
Sa tuwing nandun na kasi ako,
Para akong nabibingi dahil walang lumalabas na salita sa bibig ko kaya hindi ko nalang tinuloy." Diyan ka nalang ba? hindi ka na naman papasok? " Sinapak ko siya sa balikat dahil sa sinabi niya.
Itong lalaking ito talaga....
Hehe. Ang tigas nang balikat." Grabe ka maka-NAMAN diyan ah..
Kahapon lang kaya ako umabsent.."
Kinuha ko na ang bag at sinabit Ito sa likod ko, kinuha ko na rin ang basket na ang laman lang ay ang mga kakanin na ibebenta ko.
" Tara na.."tumango siya at kinuha ang basket na bit-bit ko.
" Ako na magdadala.."
" Salamat.." lumabas na kami sa maliit kong bahay at sabay kaming naglakad sa kalsada.
" Zaff may Assignment tayo??" masakit ngipin ko kahapon buti na nga lang na nawala agad dahil kung hindi absent parin ako ngayon, Hindi pa naman ako mahilig umabsent.
" Meron, pero hindi kita papakupyahin no, ang hirap kayang sumagot.." napa-hinto ako sa sinabi niya, haha. Hindi naman rin niya ako matitiis. Humarap ako sakanya at tinarayan siya.
" Edi, Wag..!!! " pagkatapos ay tumalikod na ako at inunahan siya sa paglalakad kunwaring nagtatampo.
Binilisan ko ang paglalakad.
" Hoy!! Nagbibiro lang ako! "
" Bahala ka!! " nagkunwari akong galit kuno. Gusto ko kasing suyuin niya ako dahil dito, at tama nga ako dahil sa isang iglap nasa harapan ko na agad siya at hawak ang Assignment notebook niya.
" Ito na ohh. Ikaw naman, galit agad.." napangiti ako sa itsura niya.
Ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya sa porma niya, kahit may bit-bit siyang pangit na basket, bagay parin sakanya. " Akin na .." hinablot ko ang hawak niyang notebook.
" Tara na..haha.." sabi niya sabay akbay sakin..
" Cute mong magkunwari.." sinapak ko siya pagkatapos ay naglakad na kami hanggang sa dumaan ang milyong-milyong hakbang narating na namin ang pinaka maganda naming paaralan. Pumasok na kami sa room at naupo doon.
BINABASA MO ANG
A Dreamer Writer
Short StoryFriendship. Isang babaeng sinulat ang kanilang samahan, pero paano kung ang pangarap rin nila ang sisira sa kanilang samahan? Sa pagsusulat ba niya mababago niya ang malungkot na kasalukuyan?