First >>

524 6 2
                                    

"Uy Mars! Ano na? Wala ka parin bang napipili? Kanina pa kaya dito." Si Antoine. Ang bestfriend kong baks. Nandito kami ngayon sa isang boutique ng mga gowns sa mall na pag mamay-ari ng kaibigan ni kuya.

"H-ha? Ano? Wala pa eh. Pwede bang kumain muna tayo bakla?" Sabi ko sakanya.

"Sigi lang mars push mo pa yang pagtawag sakin ng bakla! Hindi ba pwedeng kahit sa pangalan manlang eh maging babae ako. Huhu!" At nag-act pa ang lukaret na kunwari ay masakit sa puso yung pagtawag ko ng ganun sakanya. Hahahaha!

"Oh sige na Antoinette. Masaya kana niyan? Haha. Kumain na muna tayo." Pag-aaya ko dito.

"Oha! Bongga! Edi mas maganda sa pandinig ko yun Mars. Tara na nga't lumafang na us." At lumabas na kami doon sa boutique. Naglakad-lakad naman kami sa mall para maghanap ng makakainan.

"Saan mo gustong kumain? Tanong ko dito.

"Kahit saan mars basta maraming fafa. Yung tipong sakanila palang eh mabubusog kana. Yay!" At kinikilig-kilig pa ang malanding bakla. Haha!

"Puro ka naman lalaki mars hindi ka naman mabubuntis diyan kahit anong gawin mo. Hahahaha!" Bigla namang sumimangot si Antoine dahil sa sinabi ko. Eto nanaman, get ready for his (pretending to be her) short drama Zamantha.

"Bakit ka laging ganyan sakin mars? Kahit isa akong magandang bakla gusto ko lang din namang magkaroon ng lalaking magmamahal sakin ng totoo. *insert fake sobs here*" May papunas-punas pa ng panyo sa mata ang gaga. Grabe! Kung wala lang siguro kami dito sa mall baka kanina pa ko humagalpak sa pagtawa.

"Kasi naman mars magpakalalaki kana kase ulit tsaka ka magjowa ng babae tas buntisin mo." Kung kanina umaarte siya na para bang aping-api ngayon naman eh diring-diri ang mukha ng bakla.

"Mars naman! Kilabutan ka nga sa sinasabi mo. Ako? Magjojowa ng babae tas jojontisin ko? Ew! Kadiri. Yuck! Err!" Nakakatawa talaga yung reaksyon niya. Hahaha! Kulang nalang masuka siya.

"Suggestion ko lang naman yun. Haha! Hm. Dito nalang tayo kumain sa Racks ha?" At hinila ko na siya papasok sa loob.

Pagpasok namin ay agad naman kaming sinalubong nung receptionist at tinanong kung pang-ilang tao ang table na kukunin namin.

"For four persons please." Sagot ko at ini-lead niya kami sa table namin.

"Mars? Bakit apatan? Eh dalawa lang naman tayo." Sabi sakin ni Antoine pagkaupo namin. Bale magkaharap naman kami ngayon.

"Eh susunod daw kasi dito si Warren kasama si Nathalie." Tumango lang ito sa akin. Pero di maitago yung yung simangot sa mukha niya.

Si Warren, siya yung boyfriend ko. And soon to be my husband. Yea! You heard it right. In less than a month kasi we're gonna be married after 6years of being girlfriend-boyfriend relationships.

1st year college when we first met. He came from College of Business Administration while me, I came from the College of Hospitality and Tourism Management. Nagkataon naman na kaklase at kabarkada siya ni Antoine. Yun naman eh high school palang mag-bestfriend na kami madalas niya akong isama sa building nila kapag vacant.

Sa totoo lang hindi naman talaga bakla dati si Antoine. Habulin nga yan ng mga chicks nung high school kami eh. Sabi nga nila makalaglag-panty. Lol. Nabigla nalang kami nung umamin siya sa amin na, ayun nga, na ganun na siya pagkatapos ng pag-amin namin ni Warren tungkol sa relasyon namin. Sa una syempre nabigla kaming lahat, kasi kahit sino naman hindi agad makakapaniwala sa sinabi niya. Pero kahit na ganun tanggap padin naman namin siya. Lalong lalo na ako kasi kahit maging ano pa siya, siya padin si Antoine ang gwapo kong bestfriens, na ngayon eh nagmamaganda na.

I Killed Her Because I Love Her. (SHORT STORY)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon